Ang ideya nuon na bumuo ng blog at mag post ng mga artikulo tungkol sa kalusugan ay naging matagumpay dahil umabot na ang blog na ito sa ika apat na taon. Nagsimula lang sa ideya na isulat ang mga pagsasaliksik sa pagtukoy ng sakit at mga dapat gawin o ilunas ng ka partner sa mga nararamdaman nitong sakit nuong ito ay nasa Pilipinas. Ito ngayon ay sumaklaw na rin sa ibat ibang mga sakit at marami rami ding nagbabasa ng mga artikulo. Ang intensyon nuon na para lamang maibahagi ang mga karanasan sa pagmentina ng kalusugan na nagawa naman para sa sarili at ka partner, sa pagusad ng "blog" natukoy na napakarami talagang nagnanais malaman ang dapat na paglunas sa mga sakit at pagmentina ng kalusugan. Kahit hindi na namin matugunan ang ibang mga katanungan patuloy pa rin ang pagsubaybay ng mga mambabasa sa artikulo tungkol sa kalusugan. Hindi na rin namin mai-connect ang mga artikulong naka- post sa FB tungo sa "orihinal na blog" SPH ( Search for Personal Health).
Bilang update nalampasan ng ka- partner ang natukoy na sakit nuon na diabetes, nalaman na hindi nagtuloy ito at di lumalala ang diabetes, ang tungkol naman sa "spondolosis" o athritis sa leeg ay nawala din. Ang sinasabing vertigo ay di naman napatunayan na isa sa sakit ng ka partner ngunit ito ay nanggaling sa mga "allergies" na nangyayari nang siya ay nasa Pilipinas pa.
Malaki ang naging pagbabago ng ka partner ng ito ay napunta nang Canada bagamat sa unang mga linggo dumanas ito ng ilang episode na masasabing "asthma attack" na nabigyan naman ng lunas sa pagkunsulta sa duktor at pag inom ng gamot , dahil sa nawala naman di na tinuloy ang pag inom ng gamot sa asthma. Ang nararanasan nuon na "allergies" sa Pilipinas ay unti unting nawala, marahil dahil sa iba ang klima at paligid dito sa Canada. Ang teorya namin ay matindi ang pollution sa Tundo at marahil ito ang nag trigger ng mga atake ng asthma sa kanya.
Sa pagpapatuloy ng pagmementina ng aming kalusugan napagkasunduan namin na mag asawa na magpamentina ng kalusugan sa "Naturapahic Clinic" at ito ay aming ginagawa . Lingguhan ito at umabot na kami ng isang buwan. Iisang attendant at duktor ang tumitingin at nag aasikaso sa aming dalawa. Sa panig ko isinangguni ko ang tungkol sa "enlargement of the prostrate", bloating at lower back pain. Sa panig naman ng aking partner isinangguni nito ang pananakit ng kanyang binti.
Iba ang pagsubaybay ng naturapathic practitioners sa mga pasyente inaalam ang kabuoan storya tungkol sa pagkakasakit at kinukuha ang lahat ng mga backgrounds para matukoy ang ugnayan ng mga ito sa mga nararamdamang mga sakit. Ang una kaagad na isinasagawa ng mga practitioner ay ang "acupuncture" para sa pasyente . Ang pagkakapaliwanag tungkol sa acupuncture ay isa itong paraaan para matulungan ang katawan na maibalik ang tuloy tuloy na daloy ng enerhiya sa katawan, kaya sa kada punta namin kami ay isinasalang sa "acupuncture" . Mayron ding payo sa kung ano ang dapat na kainin , ito ay mas sa gulay , prutas, gulay at isda bawas sa mga baboy, recommended din ang multiple grains sa tinapay at brown rice sa kanin. Hindi mahirap na kausap ang "naturapath" dahil siya ay Pilipina at tagalog ang aming usapan. Mayroon ding nirekomenda sa aming dalawa na mga herbal supplements , sa akin para sa prostrate problem at sa ka partner para sa pananakit ng binti , pareho din kaming binigyan ng "magnesium" supplement. Dito ko lamang nalaman ang kahalagahan ng "magnesium" na di ko alam na malaki palang tinutulong nito sa katawan.
Tuloy tuloy na pagbisita sa naturapath ang isa sa aming aktibidad lingo lingo para sa acupuncture, ginamitan din ako ng chiropractic manipulation para sa aking lower back pain at nirekomenda din ang mga ehersisyo na dapat gawin. Kayat sa bawat linggo ay may mga nakatakdang dapat na gawin, kainin at inuming supplement. Sa mga susunod na linggo at mga buwan maibabahagi namin ang maging resulta ng mga kunsultasyon at gamutang ito.

No comments:
Post a Comment