Thursday, October 20, 2016

Pagbabago ng kapaligiran/klima nakatulong

Mag iisang taon na ang ka partner ko dito sa Canada. Nuong nasa Pilipinas siya halos araw araw ay mayroon siyang sipon at kakailanganin ng isang rolyo ng toilet paper para lang pamunas ng kanyang sipon.  Kapag siya naman nuon ay aalis at sasakay sa mga saradong sasakyan katulad ng taksi at kotse siguradong sasama ang kanyang katawan , una na dahil sa init o kung bukas naman ang aircon sa loob ng sasakyan nagkakaroon siya ng "allergic reaction" , nahihilo din siya kapag malalayo ang biyahe, kahit na siya ay sumakay sa mga bukas ang mga bintana ng sasakyan.  Kakailanganin pa niyang uminom ng "bonamine" para lang hindi siya mahilo. Malakas ang allergy na kanyang nararanasan nuon, kahit usok ng sigarilyo, usok sa pag prito at mga pabango, lahat ito ay mga allergen. 







Nuong natiyak na siya ay pupunta dito sa Canada nuong Setyembre 2015 nag aalala kami na baka siya ay mahilo sa eroplano kaya't uminom na siya ng "bonamine" , ito naman ay nakatulong at  naihanda din niya ang sarili ,  hindi nga siya nahilo sa halos 18 oras na biyahe.  Kinailangan lang siyang matulog dahil sa epekto ng "bonamine"pagdating dito sa bahay. 


Sa unang linggo ng siya ay nasa Canada na ,  tila nag react ang kanyang katawan.  Isang gabi ay di siya nakatulog dahil sa nahirapan siyang  huminga o masasabing parang "asthma attact".
Ang nagawa lang ay humanap ng gamot para matulungan siya sa mahirap na paghinga, hanggat nuong umaga kinailangang mag tingin siya sa duktor.  Binigyan siya ng gamot sa "asthma"
at ito ay ininom niya lang ng mga ilang araw at di na siya simumpong ng asthma attack.  Di na rin kami bumalik sa duktor dahil sa loob lamang ng mga dalawang linggo ay hindi na kinailangan ang gamot. 

Kung isusuma sa loob ng isang taon nuon lamang mga unang dalawang linggo o buwan kinakitaan siya ng mga sakit sa allergies , asthma attack , sipon at pagkahilo.  Ang lahat ng mga sintomas na ito ay nawala , Halos araw araw siya ay nag tatrabaho ngayon ay hindi na siya nahihilo sa mga biyahe. Wala rin siyang mga allergies na dating halos araw araw na nararanasan niya nuong siya ay nasa Pilipinas.  Malaking naging epekto ng pagbabago ng kapaligiran at klima ay nakatulong na nakaiwas na siya sa allergies. 

Ang kinakaharap na lang sa ngayon na kinukunsulta namin sa "naturapathic medicine" ay ang pagsakit ng kanyang kanang binti.  Ang paliwanag ko naman dito ay  madaling napapagod ang kanyang binti dahil sa matagalang pagkakatayo sa kanyang trabaho.  Nakatulong ang "acupuncture" at mga supplements na nireseta ng duktor sa naturapathic clinic.  Ang pagsakit ng kanyang binti ay posible ding dahil sa "lamig" dahil nararamdaman niya ito sa panahon ng taglamig.  Sa panahon na hindi naman malamig , di sumasakit ang kanyang mga binti.  Pero mayroon pa ring posibilidad na ito ay "athritis" dahil sa nuong  bata pa siya , natatandaan niya na nilalagyan siya ng luya ng kanyang ama kapag sumasakit ang kanyang binti. Di pa rin matiyak saan nga kaya nanggagaling ang pananakit ng binti. 


No comments:

Post a Comment