Friday, April 27, 2018

Pag-inom ng beer resulta kamatayan

 Napakalungkot isipin na sa isang iglap lang mawawala ang buhay dahil lamang sa isang aksidente na dulot ng pag inom ng beer.  Ang tinutukoy kong ito ay ang pangyayaring naranasan ng aking anak dito sa Canada . Napakabata niya 30 taong gulang may asawa at anak na nasa Pilipinas.  Pauwi siya kinabukasan para mag bakasyon sa Pilipinas ngunit dinanas niya ang pangyayaring ito. Paano na ang kanyang pamilya na isang buwang palang ipinasok ang kanilang applikasyon para makarating dito sa Canada at sila ay dapat magkakasama sama na.

Umaga ng March 31, 2018 kumatok ang mga pulis at nagsabing natagpuan ang bangkay ng aking anak sa isang basement na ang paa ay nakasampa pa sa hagdanan pababa at nakatalikod na nakahiga, basag ang basement wall sa bandang ilalim ng kanyang ulo. Wala halos dugo dahil "internal hemorrage "ang nangyari . 

Ayon sa imbestigasyon ng pulis nakita ang kanyang bangkay ng bandang 4:00 ng umaga Marso 31, 2018  sa isang bahay na kung saan mayroong inuman . Nang bandang mga 4:00 ng hapon ng Marso 30, 2018 nagsimulang mag inuman ang magkakaibigan kasama ang aking anak.  Nang mga bandang 10:00 pm ng gabi , Marso 30/ umalis sa inuman ang aking anak tila sa alam nila ay iihi dahil sa may tao sa "washroom" ng kuwarto na idinadaos ang inuman , ang pupuntahan ng aking anak ay sa labas ng bahay , ngunit bago ka lumabas ng bahay dapat ay bubuksan mo ang pinto papaloob ng bahay at sa kaliwang gilid nito ay ang hagdanan na may mga 8 o 10  bahagdan ang taas  at dito marahil dahil sa nakainom na ang aking anak ng mga 10 bote ng beer ay posibleng naliyo siya , nawalan ng balanse at  nahulog sa hagdanan patungong ibaba ng basement . Sa kuwento ng pulis ay nakita ngang patalikod na nakahandusay ang aking anak. 



Umaga ng March 31, 2018 kumatok ang mga pulis at nagsabing natagpuan ang bangkay ng aking anak sa isang basement na ang paa ay nakasampa pa sa hagdanan pababa at nakatalikod na nakahiga, basag ang basement wall sa bandang ilalim ng kanyang ulo. Wala halos dugo dahil "internal hemorrage "ang nangyari . 

Ayon sa imbestigasyon ng pulis nakita ang kanyang bangkay ng bandang 4:00 ng umaga Marso 31, 2018  sa isang bahay na kung saan mayroong inuman . Nang bandang mga 4:00 ng hapon ng Marso 30, 2018 nagsimulang mag inuman ang magkakaibigan kasama ang aking anak.  Nang mga bandang 10:00 pm ng gabi , Marso 30/ umalis sa inuman ang aking anak tila sa alam nila ay iihi dahil sa may tao sa "washroom" ng kuwarto na idinadaos ang inuman , ang pupuntahan ng aking anak ay sa labas ng bahay , ngunit bago ka lumabas ng bahay dapat ay bubuksan mo ang pinto papaloob ng bahay at sa kaliwang gilid nito ay ang hagdanan na may mga 8 o 10  bahagdan ang taos  at dito marahil dahil sa nakainom na ang aking anak ng mga 10 bote ng beer ay posibleng naliyo siya , nawalan ng balanse at  nahulog sa hagdanan patungong ibaba ng basement . Sa kuwento ng pulis ay nakita ngang patalikod na nakahandusay ang aking anak. 

Sa pakikipagusap ko sa mga ka- kainuman ng aking anak masaya nga daw si Lean sa kanilang inuman. Ang pag alis niya sa inumang iyon ng bandang ika 10:00 ng gabi ay tiningnan nga nilang posibleng umihi.  Hinanap nila ito ng di na ito bumalik sa harapan inisip nila na ito ay posibleng umuwi na dahil  aalis nga ito papuntang Pilipinas para magbakasyon . Hindi nila nakita ang sapatos nito dahil natakpan daw ng kurtina at ang suot namang jacket ay hindi ang madalas nilang nakikitang suot ng aking anak. Sa usapin ng basement at hagdanan madilim daw duon at walang ilaw kaya't  di nila inisip na nanduon.  Nagkaroon man ng tunog ng ito ay bumagsak , di rin ito maririnig ng malakas dahil nagpapatugtog sila at nagkakasiyahan. 

Sa akin ang pangyayari ay masakit ngunit walang makikitang foul play dahil sa sinabi ng pulis. Pero sa akin "Pagpapabaya" ang isang mali , pagpapabaya ng mga kasama nito sa inuman , "bakit hindi sila tumawag kay Lean o sa pamilya nito kung ito nga ay nakauwi na? Mayroon din masasabing pagkukulang ang aking anak sa pagpapabaya sa sarili niya, hindi naman dapat na uminom pa o kundi man dapat ay kaunti lamang. Ngunit dahil ang impluwensiya ng pag inom ng alak o beer o anumang alcohol na inumin ay isa nang sakit dapat alam ng taong manginginom ang epekto nito sa kanyang sarili para ma-manage ang sarili. Dito nga hindi pwedeng magmaneho ang nakainom kahit isang bote lang.  Sa kwento ng aking anak sa kanyang asawa , libangan nito ang pag inom dahil dito siya nagiging masaya sa mga kaibigan , masaya nga siya ngunit naging kapalit "kamatayan" . Kaya sa mga nais nang mawala sa mundo isang paraan magpabaya kayo sa sarili ninyo...


Saturday, January 13, 2018

Pamamanhid ng braso at kaliwang kamay

Magdadalawang taon na ang aking asawa na nag tatrabaho sa isang kainan sa Cora's Breakfast dito sa Canada at siya ay namamahala sa mga prutas , inihahanda niya ito batay sa desenyo na ginawa ng main Cora's .  Sa paghahanda ng mga recipe palagian na lang na gamit niya ang kanyag mga kamay dahil sa pagkuha ng prutas at iba pang sangkap sa ref ,  paghuhugas ng mga prutas ,paghihiwa at  paghahanda ng mga recipe.  Ang lahat ng ito ay nagpapahirap sa kanyang mga kamay , dagdag pa na kapag nasa bahay ay nagluluto din at naglilinis pa ng bahay.  Sa panahong ito na malamig nakakadagdag din ang  "frostbite" na kanyang nararanasan , kaya't  nirereklamo na niya na namamanhid ang kanyang kamay at braso lalo pa kung nadadaganan niya ito sa pagtulog. 


Image result for carpal  tunnel

Ni research ko ang tungkol sa kanyang problema at tugma naman na si Dr. Willy Ong ay pinaliliwanag ang tungkol sa pamamanhid ng mga kamay at braso. Pangunahing apektado sa mga kamay ay ang tinatawag na "carpal tunnel" at  ang sinasabi niyang sakit sa parteng ito ay :carpel tunnel syndrome.  Kailangang maagapan ang sakit na ito dahil kung lumalala ay operasyon na ang tanging remedyo. 



 


Mahalaga dito na malaman anong  pag aalaga ang gagawin para hiindi mapagod ang  carpal  tunnel tamang paggamit ng mga  kamay , ehersisyo,  pagmamasahe (pwedeng gamitin essential oils) at  mga bitamina na kailangan .  Di kasama sa naging paliwanag ni Dr Ong ang tungkol sa essential oils at mga  bitamina.

Ang essential oils para sa carpal tunnel syndrome ay  '

Cypress oil increases circulation and can, therefore, speed up healing. If you want to add other helpful oils to boost the tissue repair, I recommend helichrysum essential oil, peppermint and frankincense. Peppermint can reduce pain and frankincense can decrease inflammation.
 
Supplements & Essential Oils:
  • Vitamin B6 (100 mg 3x daily). Vitamin B6 reduces nerve inflammation. ...
  • Bromelain (500 mg 3x between meals). An enzyme found in pineapple, bromelain has a natural anti-inflammatory effect. ...
  • Magnesium complex (500 mg calcium, 250 mg of magnesium). ...
  • Ginkgo biloba (120 mg 2x daily).

Nirerekomenda na  support para sa carnal tunnel ay  "wrap brace hand support 

Thursday, January 11, 2018

Natukoy ang dahilan ng pagkakasakt

Sa nakaraang artikulo natalakay ko ang aking pagkakasakit pagkagaling sa pagbabakasayon sa Pinas. 

Isa dito ay ang LBM ( loose bowel movement) na sa ngayon ay hindi ko pa rin matukoy kung bakit ako  simumpong ng LBM . Bagamat naayos na ito mahalaga lamang na matukoy kung saan nanggaling ang aking pagkakaroon ng  LBM . 

Ang naging kumplikasyon ng pagkakaroon ng  LBM ay ang pag sumpong ng "leg cramps" na nangyari  na  sa palagay ko ay kumplikasyon ng pagkakaroon ng LBM . Sa aking pagsusurii sa pagkakaroon  ko ng LBM, nagkulang  ako ng mga mineral sa katawan paara hindi ako magkaroon ng "leg cramps"  na isa sa aking palagiang problema. 


What causes leg cramps?

 Sa pag sasaliksik matutunghayan dito ano ang dahilan ng leg cramps na nangyayari sa akin ?


Full Answer


Other causes of leg cramps include exposure to very cold temperature, kidney or thyroid disease, insufficient potassium or calcium, or blood flow problems related to peripheral artery disease, as stated by WebMD. In addition, pregnant women sometimes experience leg cramps due to insufficient magnesium. Leg cramps should be treated through stretching, application of heat or ice, drinking lots of fluids and taking over-the-counter pain medication.
Learn more about Pain & Symptoms


Kung mapapansin dito na mapapansin na ang dahilan ng " leg cramps" ay   exposure to a very cold temperature ( isa ito sa kondisyon dito sa Canada) ,  insufficient potassium or calcium , magnesium ( ang magnesium ay isa supplement na aking iniiinom mula ng maagpatigin  ako sa Naturapathic Doctor .Dahil sa hindi ako nakabalik pa sa Naturapthic Clinic, ubos na rin ang aking  magnesium. Ang magnesium ay isa sa pinakamahallagang supplement para pagdumi. 

Nang maayos na aking LBM kabaligtaran naman ang aking naging problema nagkaroon naman ako ng "constipation" at ang masaklap ang hirap naman dumumi . Nagpabili na nga ako sa aking asawa ng suppository para sa may idad ngunit pinaalala ng aking asawa na posibleng di madumi dahil sa wala na nga magnesium. Nangyari ito "constipation" nito lamang mga isang linggo.  Sa ngayon maayos na muli ang pagdumi dahil tuloy tuloy na paginom ng supplement na magnesium. Ang normal kong pagdumi dalawang beses sa maghapon . 
 

Friday, November 17, 2017

Pagkakasakit galing sa bakasyon


May higit sa isang linggo mula ng kami ay magkabasyon galing sa Pinas . Kako sa wakas ay nakaraos sa  mainit na lugar  nag lalong nagpapataas ng aking blood pressure.  Di ko akalain na ganuon pala na ang init at mararamdaman.   Sa pagbabalik di ko akalain na magkakaroon ako ng "lvm" ( loose vowel movement) .  Hindi maunawaan kung paano ako nagkaroon ng "lvm"

Una inisip ko na baka galing mga pagkain sa eroplano, pero kung duon dapat sa eroplano pa lang nag "lvm" na . Ang iniisip ko ay naempatso ako at di natunawan sa mga kinain sa eroplano. 

Sa palagay naman ng aking asawa , baka sa tubig naman daw,  Baka naman nagkaroon  kami ng "amoebiasis"  dati na akong nagkaroon nito at pwede rin.  Ang aking pagdumi ilang beses na nagbabawas  at nagpupunta sa  washroom. Umabot ito ng anim na araw,   naiisip ko na rin na magpatingin o uminom na ng gamot. 

Ang nagbigay sa akin ng tuloy tuloy na pagbabantay at paggiya na hindi ako ma dehydrate ay ang paniniwalang ito marahil  ay  tugon ng katawan.  May nakapasok na marahil lason sa katawan at ito ay  inaalis lang  ng patuloy na pagkakaroon ng "lvm".  

Nagkunsulta din ako sa aking  anak para sa  "essential oil blend" na makakatulong sa akin.  Ang masaklap naman  na sa oras na ako ay nagkukunsulta , duon naman ako inatake ng "muscle cramps" sa  aking dalawang  "calf " sa mga binti.  Nadulas ako at nahulog mula sa kama , sabi sa aking ni Mrs ay  natulala daw ako ,  sabi ko nga hindi ako talaga makakasagot at matutulala dahil masakit ang atake na sabay sa dalawang binte.  Nang lumipas ang  atake  , lumabas ang init sa katawan ko , pinagpawisan  at duon ko naituloy ang  pagtatanong sa aking anak tungkol sa "essential oils" Pinahid ko ang mga ito  at  nagpa usok ako para  maalis ang stress , ginamit ko ang EOil na digitize at panaway. 

Sa diet patuloy lang na umiinom ako ng  buko juice at ang BRAT diet  ( banana, rice , apple at toasted bread)  .  Kaya sa ika pitong araw ,  balik sa normal ang aking pag dumi.  

Sa nangyari sa akin ,  ganun pa rin na inisip ko na may lason na pumasok sa aking katawan tubig man o  pagkain  at ito ay nailabas na.   Marahil nagtulong tulong ang diet,  at essential oil para ako ay gumaling .  Salamat naman at  nakaraos na rin. 

Monday, October 16, 2017

EO's (essential oil) mula sa YL ( Young Living)

At last dumating din ang pinakahihintay na YL 
( Young Living ) package o tinatawag na PSK 
( Premium Starter Kit) .Naglalaman ito ng mga EO's 
( Essential Oils ) at mga  babasahin na gabay kung ano ang YL at paano gamitin ang mga EO's.  

Bagamat ang PSK ay nasa Canada , masisimulan na ang paggamit nito at pagpapaunawa sa nakararaming Pilipino man o hindi ng tunkol sa EO. Pwede naman sa online at mga EO's kung gagamitin o halimbawa sa aktuwal mayroon sa aking anak ng mga EO's 

Marami na ang naalwan o naginhawahan   sa paggamit ng mga EO. Tunay at napatunayan na ang mga EO's na ito ay para sa nakararami , bata at matanda. #EO's4all, #EOil4all, #PSK, #YLEO's






 Alam kong maraming mambabasa ang nais na maunawaan at lalong maginhawahan kung ano mang dinaramdam nito sa pang araw araw, kaya maghintay lamang sa susunod kong blog EO's4all o kung nais na sumapi na at magkaroon na rin ng sariling YLEO's i klik lang ang EO's4all at magkita tayo sa YL .


Sunday, October 8, 2017

Essential Oils ay mabisang supplements na epektibong nagpapagaling

Nitong Setyembre 2017 matagal tagal din akong di naka pag post ng artikulo sa aking page na SPH. Ngunit itong Setyembre na simula ng aming bakasyon sa  Pinas  hindi maaari kung palagpasin na hindi mai- post ang tungkol sa aking natuklasan.  



Bagama't  palagian ko nang natutunghayan ang tungkol sa " Essential Oils" sa FB , mga organic stores sa Canada at amin nang ginagamit ang ilang mga "Essential Oils" sa pang araw araw ngayon ko lang natanto na napakalahaga pala ng mga ito sa pang araw araw na usaping pangkalusugan.  

Sa aming karanasan sa Canada gamit namin ay "castor oil" na pinapahid sa sikmura kapag masakit ang tiyan. 
Nabasa namin ang tungkol sa "castor oil" sa FB at sa dati nang karanasan ng mga "unang mga tao" o masasabing matatandang Pinoy  dahil ang castor oil ay dati nilang ginagamit sa mga usapin ng sakit.

Ang tungkol sa "coconut oil" na napakaraming gamit  dilang sa pagluluto ay isang kayamanan na ng Pilipinas na ginagamit na sa maraming bagay  pagpapaganda, sa buhok , palaman sa tinapay at iba pa.  Marami pang ibang mga "Importanteng Langis " na lalong napakahalaga sa panahon ngayon. 

Ang luya ay may langis din  na nakakatulong naman sa sakit na athritis at iba pa.  Bago kami magbakasyon tiniyak namin na ang maiiwan naming lugar ay walang mga ipis, dahil mayroon nang naglalabasan mga maliit na ipis sa aming tinitirhan at ang ginamit naming "blends" ay basil, lemon at lavender. Ang blends na ito ay ini-spray kung saan naglalagi ang mga ipis at sila ay lumalayo dahil ayaw nila ng amoy. 

Marami pa na kung iisa- isahin natin ay kulang ang isang pahina,  sa susunod mas bibigyan ko nang hiwalay na pagtalakay ang tungkol sa YL essential oils. 


Bakit ko nasabing napaka -importante ng mga langis sa ngayon; 

Ngayon ko lang nalaman na ang aking anak ay kasapi sa isang kumpanyang nagpapalaganap ng paggamit ng mga "essential oils" na nakakatulong na maalwan ang mga ordinaryong sakit na nararanasan sa araw - araw,  halimbawa sakit ng ulo, ngipin, eksema, allergies, sipon , ubo at marami pang iba.  Ang kampanyang ito ay "Young Living" na nakabase sa US ngunit may iba ring branches sa Canada, Australia, Europe, 
Singapore, at Indonesia.

Ito ang link kung interesado na matuto at  matulungan sa inyong mga sakit  bisitahin at magparehistro ;


https://www.youngliving.com/vo/#/signup/start?isoCountryCode=CA&sponsorid=12959283&enrollerid=12959283&type=member&isoLanguageCode=EN or  https://goo.gl/4rRWv2



Copy short URLcontent_cop
Copy short URL
Sa panahon ngayong maraming laganap na ordinaryong sakit na tila hindi nalulunasan at  ang mga alternatibong pamamaraan na panglunas ay lubhang makakasagot ,tutugon at  makakatulong, kung kayat di dapat magdalawahan sa pagrehistro at magtamasa ng benepisyo sa YL essential oils.

Ano ang karanasang naghikayat sa akin para sa YL essential oil?

Ako mismo ay binigyan ng aking anak ng blend ( mixture ng mga oil)  ito ay para sa aking eksema na palagian kong nararanasan sa Canada lalo na kapag mainit. Ang nabasa ko nuon sa FB na pwedeng ipahid ay ang "aloe vera". Ito ang ginagamit ko ngunit  madaling bumalik ang pangangati. 

Ngunit sa YL blend na ibinigay ng aking anak para sa eksema , madali itong nakatuyo sa eksema. 



 Isa lang ito , binigyan din niya ako ng "lavender oil" para naman sa "high blood" , ipinahid ko ito sa aking mga palad. talampakan at inamoy amoy , bumaba ang aking blood pressure sa normal na pangkaraniwan na 160/100, bagamat kakailanganing regular na isagawa ang pagpapahid at pag amoy, tila parang magic ang pagbaba ng blood pressure. 

Maraming iba pang naglalahad ng kanilang mga karanasan na mga kasapi ng YL hinggil sa mga essential oils na kanilang ginamit at nagkabisa . Kayat  para maniwala ,   "to experience is to believe" , so try it mag parehistro sa YL.com  ( https://www.youngliving.com/vo/#/signup/new-start?sponsorid=12959283&enrollerid=12959283&isocountrycode=CA&culture=en-CA&type=member  )  or  https://goo.gl/4rRWv2




Maling buhat sumakit ang likod

Nuong Martes  dumating ang aking anak na hirap na hirap na lumakad.  Hinatid siya ng kanyang pinsan  mula sa trabaho,  sabi ng kanyang pinsan naaksidente na may binuhat at napaupo na lang di kaagad nakatayo at sumakit ng matindi ang likod.

Naisip ko nga ang nangyari din sa akin ito ng ako rin ay mayroong binuhat na di nakatiklop ang binti at yon bigla na lang akong napaupo at sumakit na ang likod.

Tinanong ko ang aking anak at sinabi nga niya na mayroon silang binuhat na mga 100 pounds, dalawa silang nagbubuhat  pero sa palagay niya  mas naging mabigat ang sa side niya kaysa sa kasama niya ,  kaya  tila may tumunog sa kanyang likod , napaupo na siya at hirap ng tumayo at lumakad  , masakit ang likod partikular sa kaliwang side ng bewang.

Nuong siya ay dumating , tuloy tuloy sa kanyang kuwarto at  hirap na hirap na humiga.  Ang naisip ko agad ay bigyan siya ng  makakatulong na makaa lis ng sakit . Naghanap ako at ang aking nakita ay salompas  lang,  pero alam kong mahina ang salompas  kaya nagpunta ako sa maliit na tindahan ng condo at nagtanong ng gamot na maaring bilhin para sa pananakit . Nirekomenda ng intsik ang "Tylenol"  at ito nga ang aking binili.

Pinainom ko kaagad ang tylenol  500 mg ngunit bago ay kumain muna siya ng tanghalian . Nagpahinga  siya hanggang sa ika anim na oras ,  binalikan ko siya at tinanong kung nakatulong ba ang  "tylenol" sabi niya ay hindi ,  kaya binasa ko ang etiketa ng tylenol at nabasa kong maaaring doblehin ang  dosage kung di umepekto ang unang inom  , kayat uminom siya uli ng bandang ika 8 na ng gabi. Tila nakatulog naman siya at nagising ng kinabukasan ng  ika 6:00 am ng umaga, muli sabi niya ay  tila walang epekto .

Nag research ako tungkol sa usapin ng pagsakit ng likod at partikular sa nangyaring ito na aking naranasan na rin nuon pang 2005 at nabasa ko na akin na palang ginagawa ay ang paginom ng "termuric"  dahil sa may nakahanda na akong inumin mula sa termuric ,  kaya't ito na ang pinainom ko sa  kanya ng ikalawang araw sa umaga.  Sumunod na inom ay sa tanghalian , hinanda ko ang kanyang pagkain at  kasabay nuon ang pag papainom sa kanya ng " termuric" . Muli nakatulog siya at sa bandang hapon  ikalawang araw , nag meryenda siya at muli sinamhan ko ng "termuric tea".
Nagulat na lang ako na mga bandang ika  7:00 ng gabi ay naliligo na siya at sabi nya itinapat niya ang kanyang likod sa  mainit na tubig  at nakaramdam naman siya ng ginhawa .

Kaya  pagkatapos naman ng kanyang paliligo , sinabi ko na tuloy tuloy lang ang inom ng "termuric" at  dagdag na tulong sa kanyang likod  pinunasan ko ng " castor oil" ito .  Kayat pagkatapos niyang magbihis ,  kinaya na niya na siya ang maghanda ng sarili niyang pagkain .

Tuloy tuloy na ito at napatunayan na mabisa ang termuric ....