Tuesday, October 4, 2016

Bakit Kailangang Maging Malusog Pa , Eh May Idad Na ?

 Nuong una kong binuo ang blog na tungkol sa “Search for Personal Health”, ang layunin ko nuon ay mabigyan ko ng lunas ang ka-partner na nuon ay nagkakaroon ng mga sakit o problemang pangkalusugan. Kasabay nuon ay matugunan ko rin ang dapat na gawin kapag ako ay may sakit, paano maging malusog at ang pangmatagalang lunas sa mga karamdamang nasa katawan na at hindi madali ang lunas katulad ng “enlargement of the prostrate”. Nakita ko rin na sasakupin ng aking blog ang maraming sakit dahil sa nakikita kong mga lunas na nirerekomenda sa facebook pa lang. Kung kaya’t ang blog ay hindi lang para sa akin o aking partner kung hindi para na rin sa lahat sa partikular sa mga Pilipino. 


Ang pangunahing sinusundan kong panuntunan o masasabing “pilopsopiya” sa paggagamot sa sarili ay ang “natural healing” Natutunan ko ito o ina- dopt sa sarili dahil sa na impluwensiyahan ako ng mga kaibigan nuong tinedyer pa na mga anak ng duktor ng naturapath. Bagamat hindi naman ako duktor batay lang sa karanasan ang aking nalaman sa mga kaibigan at sinanay ang sarili sa natural na paggagamot bagamat nagpapatingin pa rin ako sa mga western doctors. Nadagdagan lamang ang aking kaalaman sa usapin ng pagunawa sa mga sakit ng ako ay nag aral bilang isang livein caregiver. 



Sa tanong na “Bakit kailangan pang maging malusog, eh may idad na naman” 

Ang aking idad ay 66 na at ang aking partner ay 56 . Sa ganitong idad kakailanganin pa ring maging malusog dahil sa idad na ito mas humihina ang katawan at marami nang nararamdaman dulot ng mga maling pagkain, artipisyal na gamot at aktibidad na sumira na sa naturalisa ng katawan.  Ang masaklap nito hindi pwede ding huminto para kumita ng pera para matustusan ang sarili para sa 

pangangailangan lalo na para maging malusog dahil wala namang ipon na pera para sa pagtanda. Trabaho pa rin o negosyo kung may pera at pwede din naman "old age pension" . Duon tayo sa walang pera hindi kami mayaman at ang mga anak ay nagtatrabaho para sa kanilang sarili , hindi para sa kanilang mga magulang. Sa aking palagay hindi prioridad ng mga anak ang mga magulang para ito maisama sa kanilang budyet kung kayat hindi maaasahan ang mga anak na magbigay sa magulang 

Ang masaklap na katotohanan sa isang pamilya sa kasalukuyang lipunan . Mag tatrabaho ang mga magulang para sa pangangailangan ng pamilya pagkain , tirahan , pagpapaaral at pangmedikal . Pagaaralin ang mga anak , pag kaya na o nahatak na mag- aasawa na at maiiwan ang magulang sa kanyang sarili , kung may pagtingin o nauunwaan ng anak na dapat siyang tumulong sa magulang ito ay magbibigay pero hindi niya titingnan itong prioridad.


Ang tanong nga bakit ganun ? Bakit ganun ang kaisipan ? Bakit ganun ang kalakaran ? Kayat ang magulang ay nasa sarili niyang pag sisikap na pag pursigihan pa rin na may maipong pera para na lang sa pagtanda lalo na kung mahirap ang buhay. kung minsan nakukuha pang magbigay ng magulang sa mga anak kapag ito ay nangangailangan ? Hindi ba pagsasamantala na rin ito ng anak sa magulang? Makaluma namang pag iisip ng magulang na sa hirap na nga ng kanyang sitwasyon ay nagbibigay pa sa anak o iba pa, dahil ba sa paniniwala na magulang ka at nasa takip silim na di na kailangan ang pera , o dahil sa paniniwalang isang dakila kang magulang di matiis ang anak, parang mali dahil may pangangailangan ka rin.

Dahilan sa walang pantustus ang magulang na manggagaling sa mga anak , mapipilitan itong mag trabaho para kumita pa kaya di pwedeng magkasakit Sa partikular para sa sarili na lang , kailangang maging malusog dahil kung hindi wala itong perang maiipon o mapantustos sa sariling pangangailangan , pagkain , tirahan , pang medikal at di man isipin gastusin sa huling sandali sa lupa. Ang mahirap na mangyari wala pang naiipon, kung may mangyaring di inaasahan parang pulubi ang kasasaklapan mamamilimos para lang sa huling sandali na dapat ay may sariling pantustos na. 



Sa kabuoan ang "kahirapan sa buhay" , sistemang kanya kanya at kulturang makaluma na nakaasa ang sala. Sa mayamang bansa katulad ng Canada mayroong lugar para sa may idad na o retirado pero ito may bayad at kaya naman ng mga Canadian. Sa mahirap na bansa kagaya ng Pilipinas mayroon din naman pwedeng ang may idad na magulang tinatangkilik ng anak , kung mayaman mahusay ang trato, kung mahirap siguradong pagkakasyahin na lang kung ano ang nandyan di matututukan ang pangangailangan ng isang may idad ng magulang, hinihintay na lang eh kailan matsuge.  Kaya talagang masaklap ang mga maging buhay ng mga may idad lalo na kung mahirap. 


No comments:

Post a Comment