Thursday, May 14, 2015

Paghina o paglabo ng mga mata

Lahat tayo ay papunta sa pagtanda  at sa yugtong ito ng buhay may mga mararamdaman ka nang malaking pagbabago sa iyong katawan.  Bagama't  may ibat ibang lakas ang bawat isa sa kanyang pangangatawan  mayroong idad 60 , 70 o 80 na  malalakas pa.  Mayroon pa ngang lola na ay nakakatakbo pa sa mga marathon.  Idad na 75 na nag- babaras pa , 100 push ups.  Pero mayroong mga  50 pa lang ay hindi na makatayo  o kailangang akayin pa.  Iba iba nga ang DNA o komposisyon ng mga pangangatawan ng bawat isang tao. 

Ang partikular na bibigyan ko ng pansin ay ang aking mga natutukoy na mga kahinaan. Ano ang mga pagsusuri sa  kalagayang ito  at paano i-manage sa sarili kong pagtingin ; 
  •  Paghina ng paningin - ang mata ay isa sa pinakamahalagang parte ng katawan dahil sa ito ay nagbibigay sa iyo ng  kumpiyensa sa sarili na kung wala kang nakikita  marahil ay palagi kang nasa depresyon .  Ang pag tingin sa mga bagay- bagay , mga tao at paligid ay nagbibigay sa iyo ng kabuoan  dahil sa nakikita mo ang kulay , laki , texture at iba t ibang karakter ng isang bagay. Nabubuo sa iyo ang larawan , na kung di mo ito nakikita marahil malaki ang magiging kulang sa iyong isipan kung ano ang bagay na iyong mahahawakan lang.  Ang pagkakaroon ng mata na iyong nagagamit  ang tumutulong sa iyo sa pang araw araw na iyong gawain.  Tila ang hirap isipin na kung nasanay  ka na gamit ang iyong mata  ay bigla na lang itong mawawala o  unti unti itong lumalabo hanggang mawalan ka ng paningin. 

Sa aking pagsusuri malaki ang naging epekto ng pag bawas ng aking 20 -20 vision sa paggamit ng computer.   Nararamdaman ko ang paglabo nito sa batayang  kailangan nang mag suot ng "eye glasses" na may grado.  Sa taon taon ay kakailanganin mong magpalit ng salamin dahil sa tumataas ang grado nito.  Lalo na't hindi mo maiiwasan na kailangang gumamit ng computer dahil sa pangangailangan.

Sa aking pagka idad tila huli na para bigyang pansin na dapat na ibalik ang sigla ng aking pananaw na kung maari nga ay maging 20 - 20 vision uli.  Pero kailangan ngang  bigyan ng pansin ang pagpapalakas ng pananaw ng mga mata kahit  may idad ka o bata ka pa.  Ang mahalaga ay isaayos ang pagtingin , palakasin ang kakayahan pa ng mata at maiwasan ang mga sakit na maaring lumabas sa panghina ng mga mata katulad ng katarata at glaucoma. 

Sa aking kondisyon wala pa namang pagsasabi ang duktor na ako ay magkakaroon ng katarata, bagamat may nagsabi na posible ang glaucoma. 

( Ang glaucoma ay isang kondisyon na pagkasira ng mga optic nerves sa mga mata. Ito ay inuugnay sa pagtaas ng presyon sa loob ng mata. Kapag tumaas ang presyon nasisira ang mga optic nerves. Ang mga optic nerves ang nagpapadala ng mga imahen sa ating mga utak. Kapag hindi naagapan ang presyon sa loob ng mata, ito ang nagreresulta ng pagkabulag.)

Nagkakaroon ng pagtaas ng presyon sa mga mata kapag ang likido na dumadaloy sa mata na tinatawag na "aquoes humor" ay nagkakaroon ng bara dito nagkakaroon ng glaucoma. Ayon sa mga duktor di alam ang sanhi, dahil pwede daw itong minana, nagkaroon ng impeksyon ang mga mata, nagbara ang mga ugat sa mata,o dahil sa pagkakaroon ng operasyon ang mga mata. At ayon sa mga duktor ito ay maaring maayos sa pagpatak ng mga eye drops, laser surgery at micro surgery. 

Sa usapin ng panggagamot ng natural may rekomendasyon na gumamit ng gingko biloba o medical marihuana. Sinasabi ding ang mg anti-oxidants na mga pagkain galing sa mga prutas at gulay ay makakatulong sa glaucoma ngunit di raw ang maiwasan ang pagkabulag. 

Paano ko i-manage ang nararamdaman ko nang pagkahina o paglabo ng mga paningin ng mata;

1. Tulong ng pagsasaliksik  Sinasabi sa ilang mga artikulo na hindi nakakatulong ang pagpapalit ng salamin kada pagbisita sa mga optometrist dahil hindi binibigyang solusyon ang paghina ng paningin. Tinutukoy nito na ang mata ay dumadaan sa "macular degeneration" na nagreresulta ng pagkabulag ito ay sinasabi na dahilan ng kakulangan ng "saffron" kung kayat nirerekomenda nito ang Saffron supplement para sa kalusugan ng mata..
http://livingtraditionally.com/5-ways-corrective-lenses-break-eyesight-improve-vision-naturally-1/

2. May mga artikulo din na nagsasabi na ang paghina ng mga paningin ay sa dahilang paghina ng mga masel sa mga mata kung kaya't may pangangailangan na palakasin ang mga masel ng mga mata para di tuluyan itong humina. http://buynongmoseeds.com/how-to-see-without-glasses-no-matter-how-bad-your-vision-is/ 

3.  Ang ilan sa mga tips para sa pangkaraniwang pangangalaga sa mga mata. http://www.healthdigezt.com/tips-in-handling-common-eye-injuries/ 
  
4. May mga prutas , gulay at mga herbs na maaring kainin para sa kalusugan ng mga mata. 
 http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2014/05/05/foods-eyesight-improvement.aspx


Bilang pagsusuma  ang mga nasaliksik na mga "sites" ay makakatulong sa pag aalaga sa mga mata para maiiwas ito sa macular degeneration, katarata at maging sa glaucoma.  Pero mahalaga sa lahat ay  kumunsulta sa espesyalista sa mga mata.  Kahit wala pa ang pag kunsulta sa mga espesyalista ay maaari rin naman na  gabayan ang sarili sa mga tamang pangangalaga sa mata at ang pagkain na  tiyak na pagpapalakas ng paningin at mag protekta sa mga mata.


 
     

No comments:

Post a Comment