Mahirap para sa akin ang malayo sa piling ng aking asawa,,7 taon na siyang nasa canada ,,ganoon pa man malaking tulong ang modern technology para maibsan ang lungkot ang hirap. Araw-araw kaming may komunikasyon sa pamamagitan ng video chat ,message sa facebook ,text sa chicca,. Pinakamahalagang gamit sa amin ang "computer" ito ang aming "bahay.
Nagkukuwentuhan ,balitaan at madalas siya ang aking adviser at taga research sa internet ,pag may mga bagay akong di naintindihan lalo kapag masama ang aking pakiramdam. Ang impormasyong kanyang binabahagi ay nagpapaunawa sa akin upang malaman kung ano ang aking nararamdaman . Kung may sakit naman ako binabahagi niya ang mga posibilidad ng pinanggalingan ng sakit , ano ang dapat na remedyo at dapat na kainin at gawin at ano parte ng katawan ko ang apektado. Sa pamamagitan ng pagbibigay nya ng mga kaalaman tungkol s pangkalusugan ,,nauunawaan ko ang mga nararamdaman ko .
Mula 2010 dinanas ko ang paulit-ulit na pananakit ng ulo,pagkahilo,pagsusuka,at pagsakit ng kalamnan ,lalo na ang binti at mga paa . Noong 2011 sabi ng doktor ko ,tumataas daw ang blood sugar ko ,kaya nagmantine ako ng 6 ng buwan pag inon ng "metformin" isang beses kada araw. Pagbalik ko sa duktor at muli akong nagpablood test ,bumababa naman ang blood sugar ko ito ay nuong february 2012,,ayon sa doktor ko ,,di na kailangan magmantine pa ako ng metformin ,,at ang pagkaunawa ko , wala ng problema ang pagtaas ng bood sugar ko.
Ngunit nitong Octubre 2012,,matinding atake ang naramdaman ko ,at kinailangan pa na maconfined ako,dahil sa matinding pananakit ng ulo ko ,binti at paa,pagsusuka at pagkahilo ,,at wala na akong ganang kumain at halos di n akong makatagal ng di nakahiga dahil s panghihina ng katawan ,at kung di siguro ako nagpadala sa doktor ,baka di ko na nakayanan ang nararamdaman ko. at l sa blood test at pagsubaybay ng doktor sa akin ,na diagnosed,,na talagang diabetic na pala ko. Naisip ko rin sa aking pagsusuri na nakuha ko ang pagtaas ng sugar ko sa pagkain ko , sa pagkakaroon ng tensyon,, mga problema at pagkalungkot na nakakapagdagdag ng sakit na diabetis
Wala sa mga magulang ko at mga kapatid ang may diabetis ,,pero sa sarili kong pagsusuri ,ang mga pagkain na nagusutuhan ko ay pawang matatamis,kagaya ng mga prutas na manggang hinog,atis,chico,rambutan ,papaya,pakwan at mga inumin tsokolate cacao,at sa bawat lutuin ko kagaya ng menudo ,kaldereta,mechado ,naglalagay ako ng 2 kutsarang asukal.,at sa adobo. at di rin ako mahilig mag excercise at di naman ako palalabas ng bahay ,palengke ang madalas kong napupuntahan .
Karamihan ng duktor ay hindi ipinaliliwanag ang tungkol sa sakit mo, hindi mo malalaman kung ano ang nangyayari sa katawan mo . Halimbawa sa diabetes basta sinasabi lang na mataas ang sugar mo, ito ang kailangan mong gamot , ilang beses ang inom, ano ang dapat kainin. at kailan ang balik mo. Ang gamot na binibigay bilang rekomendadong remedyon sa sakit ay parang eksperimento din, dahil kapag hindi umubra o may ibang epekto , papalitan lang ng panibagong gamot , parang ibig sabihin ay mali yong unang gamot, di pala sigurado.
Ibat iba ang mga duktor at iba iba ang binibigay na gamot dahil iba ibang ahente ang kausap ng mga duktor na gustong ma -promote ang kanilang brand ng gamot. Iba iba din ang pag tingin ng mga duktor sa kanilang pag susuri. Katulad ng isang duktor surgeon na aking pinuntahan na rekomendado ng aking kamag anak. Nangyari ito dahil sa may naramdaman din akong bukol sa aking suso , ito ay naalis naman at nakitang benign ang cyst na nakita. Sa kanya ko nalaman na sabi niya wala akong diabetes, kakailanganin lang daw na patuloy akong nag eehersisyo.
Ang sinabi ng surgeon na ito ay nagpaniwala sa akin na wala nga akong diabetes kung kaya't balik ako sa normal na mga pagkain na gustong gusto ko. Ngunit mali din ang nasabing ito at nagpaniwala sa akin dahil sa nasabi ko na sa itaas nuong Agosto 2012 , naramdaman ko ang dating sintomas na sinasabing sintomas na "diabetec" ang isang tao, ito ang madalas na pagihi, pagkauhaw at pagsama ng pakiramdam. Ang paniniwalang dala ng binanggit ng surgeon na wala naman akong diabetes ang nagbigay ng lakas ng loob na kumain ako ng mga bawal sa isang "diabetec" nang magkakasunod sunod ang mga okasyon . Sarap na sarap ako sa inihaw na baboy, kaldereta, kare- kare mga pagkaing may taba. Di ba masarap din ang spaghetti, cake, ice cream at mga pagkaing matatamis kagaya ng pinya, papaya, at manggang hinog
Ang mga pagkaing bawal sa diabetec ang nagtulak para lalo tumaas ang blood sugar ko na inakala ko ay trangkaso lang . Wala sa paniniwala ko na inaatake na pala ako ng diabetes, nag patingin pa ako sa duktor at binigyan lang ako ng paracetamol para sa Urinary Tract Infection.
Sa ikatlong araw ,tumitindi pa ang nararamdaman kong sama ng katawan ,,halos di ko ng nakakayanan kumilos pa at lagi na akong nakahiga at masakit na masakit ang ulo ko at sakit ng binti at paa,,at di na ako nakakakain kaya lalo akong naghihina ,,kaya napilitan na akong magpadala ulit sa doktor at kailangan obserbahan ako. Nilagyan na ako ng dextrose at ginawa ang blood test ng lipid profille at fbs ,at ginamitan ako ng glucose meter 172 ang naging result ng glocuse ko at ang taas ng fbs ko at cholesterol.
Dalawang linggo akong nagkasakit ,,di nawawala ang sakit ng ulo ,panghihina at pagkahilo ,sakit ng binti at paa. pasalamat naman ako at wala ang dating doktor ko ,,kaya ibang doktor ang napuntahan ko ,at mas naging malinaw sa akin ,na diabetic na talaga ako at pinaliwanag ano ang dapat gawin at di dapat kainin ,at pinaiinom ako ng 2 beses ng metformin kada araw at simvastatin ng 2 linggo ,,halos yun 2 linggo na yun nanatili akong mahina ang nag ingat na ako sa mga kinakain ko.. after 2 weeks ,,blood test na naman ako ng lipid profile at fbs ,at naging maganda naman ang result ,,isang beses na lang inom ko ng
metformin 500 kada araw ,pero nilinaw sa akin ng bagong doktor ko na ,diabetic na ako ,,at pinagiingat na sa pagkain ko .aral sa akin ,,na dapat matanong ka sa doktor ,kung di sya mahilig magpaliwanag ,napakatagal na panahon na di ko seryoso ang pagsama ng pakiramdaman ,,na sintomas na pala na diabetic na ako, mas nauunawaan ko ngayon na diabetic na ako ,dahil sa naging karanasan ko at sa pagpapaliwangan ng bago kong doktor at sa tulong na rin ng akin asawa ,na kahit malayo ,patuloy syang nagrersearch ukol sa sakit na diabetis na binabahagi nya sa akin ,,ang asawa ko pa rin ang nurse ko ,,patuloy pa rin syang nangangalaga sa kalusugan ko ,,kahit magkalayo kami. Now I know I am diabetec .
Sana ay may matutunan ang ibang makababasa nito, ang pagiging diabetec sa paningin ng aking asawa ay bunga ng di normal na trabaho ng " pancreas" at iba pang organ ng katawan na di nagbibigay ng normal na insulin sa katawan. kaya itong sakit na ito ay bahagi na ng buhay isang hamon paano mamentina ang kalusugan.
No comments:
Post a Comment