Saturday, February 25, 2017

Tungkol sa "fatty liver" art 1

Karamihan sa mamamayan o pinoy ay wala o kulang ang pangunawa sa usapin ng kalusugan. Kung mayroon mang alam , ito ay ang kinagisnan o ang komersiyalisadong panggagamot o di natural. Bagamat mayroon nang nalalaman kaugnay ng isang sakit o naranasan na patuloy pa rin na ginagawa kung ano ang bawal, sa paniniwalang di siya magkakasakit. Tila naniniwala ding sa panalangin o paniniwala sa diyos hindi siya dadapuan ng sakit.    Ang pinanggagalingan ng sakit ay galing sa mateyal na  kinakain o anumang pinapasok sa katawan ,  mga gawi o lifestyle na ginagawa sa araw araw na pinagmumulan ng sakit at  DNA na nagpapakita na mahinang parte nito sa ating katawan. 

Di rin ganuon ka seryoso ang gobyerno at umiiral na sistema ng lipunan para matutukan at maging malusog ang mamamayan. Komersiyalisado ang pangunahin sa usapin ng kalusugan , kulang o walang edukasyon para sa mamamayan sa usapin ng kalusugan.  Kaugaliang umiiral di alintana kung magkakasakit , hal. pwedeng mag inuman dahil iinom naman ng gamot para sa sakit. 

Kung mayroon isang sakit , mahalagang maunawaan ang mga sumusunod

-  Ano ang parte ng katawan ang apektado ?
-  Ano ang " function" ng parte ng katawan na ito ?
-  Ano ang sakit ?  saan nakukuha ang sakit ?
-  Ano  ang mungkahing  "management " sa sakit na ito ?

Sa artikulong ito tatalakayin natin ang tungkol sa "fatty liver " sa tagalog may taba sa liver ang ibig din sabihin na hindi nakakagalaw ng tama ang liver o atay sa dapat niyang trabaho para sa katawan.

Ano ang atay o liver at ano ang trabaho nito para sa katawan o kalusugan ng isang tao?


Ayon sa wikipedia ;

The liver is a vital organ of vertebrates and some other animals.[2] In the human, it is located in the upper right quadrant of the abdomen, below the diaphragm. The liver has a wide range of functions, including detoxification of various metabolitesprotein synthesis, and the production of biochemicals necessary for digestion.[3]
The liver is a gland and plays a major role in metabolism with numerous functions in the human body, including regulation of glycogen storage, decomposition of red blood cellsplasma protein synthesis, hormone production, and detoxification.[3] 
It is an accessory digestive gland and produces bile, an alkaline compound which aids in digestion via the emulsification of lipids. The gallbladder, a small pouch that sits just under the liver, stores bile produced by the liver.[4] The liver's highly specialized tissue consisting of mostly hepatocytes regulates a wide variety of high-volume biochemical reactions, including the synthesis and breakdown of small and complex molecules, many of which are necessary for normal vital functions.[5] Estimates regarding the organ's total number of functions vary, but textbooks generally cite it being around 500.[6]
There is currently no way to compensate for the absence of liver function in the long term, although liver dialysis techniques can be used in the short term. Artificial livers are yet to be developed to promote long term replacement in the absence of the liver. As of now,[8] liver transplantation is the only option for complete liver failure.

Ano ang trabaho ng atay ? 

Sa loob ng katawan , ang atay ay gumagampan parang isang kumplikadong "chemical factory" sa loob ng  24 oras ,  pino proseso niya ang lahat ng ating kinakain, hinihinga at nakakaskas sa ating mga balat.   Sa ilang detalye ;  

 *  Ang atay ay naglilinis ng dugo  - sinisira nito ang mga lason sa katawan , isinasaayos ang metabolismo ng alcohol at ibang kemikal sa katawan.

*  Iaayos ang supply ng pangangailangan pagkain ng katawan -  magbuo, mag imbak at mag suppy ng glucose upang maging alerto ang pag iisip at maging masigla ang katawan,  pagpapalabas ng mga taba

* Nagmamanupaktura ng mga kakailanganing mga protina para sa pagtransport ng sustansiya sa dugo,  pamumuo ng dugo , paglaban sa impeksyon

* Isaayos ang pag balanse ng mga "hormones" - hormon sa sex,  hormon sa thyroid, hormon sa cortisone at adrenal

*Nagsasaayos ng "cholesterol"  -  nag produce din ang atay ng cholesterol na kung saan maari itong mga  mabuti o masama  

*Isinasaayos din niya ang mga mahahalagang bitamina at mineral 

* Nag produce ito ng "bile juice" na  iniimbak sa gallbladder na tumutulong sa pag digest ng mga taba at tumutulong din ito sa pag alis ng mga lason sa katawan

Kung susuriin napakahalaga ng trabaho ng ating atay sa buong katawan dahil dito pino proseso ang lahat ng ating kinakain , hinihinga at pumasok sa ating mga balat.  Kapag ito ay di na normal ang trabaho , hindi nito magagampanan ang kanyang gawain  at buong katawan ay apektado dahil ang kanyang pino proseso ay kaialgan ng buong katawan at pinadadaloy ito sa ating mga ugat sa porma ng dugo. 

Ano ang "FATTY LIVER" 

Kung pagbabatayan natin ang mga impormasyon nakalahad sa itaas , sinasabing isang trabao ng atay ay  mag produce din ng taba at i balance din ito sa  "good" at  "bad cholesterol.  Di ba taba din ito ngunit iba ang "FATTY LIVER "  
Ayon sa wikipedia , ang " Fatty liver" ay isang condition na kung saan masyadong maraming taba ang nasa atay ( tawag dito ay vacuoles of triglyceride)  Dahil sa ibat ibang dahilan ito ay isang sakit na kung saan ang dahilan ay sa sobrang pagpasok ng alcohol sa katawan at obese ( mayron o walang resistensiya sa insulin) . Ang kondisyon ay sinasabing may kaugnayan din sa metabolismo, Kapag naapektuhan ang metabolismo sa fats, maaring magkaroon ng sobrang taba sa atay. 

( Obese ay isang kondisyong medikal na kung saan ang sobrang taba sa katawan ay nagdudulot na ng ibang epekto sa katawan.  Sinasabing obese kapag ang BMI ( body mass index) ay masasabing overweight batay sa kanyang idad at pangangatawan,  ) 

Non Alcoholic Fatty Liver  -  ibig sabihin  pagkakaroon ng fatty liver ay hindi sa alcohol . Ang taong may fatty liver ay nakakaramdam ng  pagod at pananakit ng tiyan. Ang sobrang taba ay nagbubunga ng " pamamaga ng atay" , kung kayat  nararamdaman ay "poor appetite, pagbaba ng timbang, pananakit ng tiyan, panghihina at  pagkabahala. 

                        Alin sa ibaba ang gusto natin ? 


                                 A                               B 
                      Ito sabi ng isang duktor , pinoy ito 

FATTY LIVER: ALAGAAN ANG IYONG ATAY
By Dr. Willie T. Ong (Share and TAG a friend)

Ang fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver ka, kadalasan ay mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, blood sugar at uric acid. Malamang ay sobra ka din sa timbang at malapad ang tiyan.
Malalaman na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng Ultrasound ng atay o Ultrasound of the Whole Abdomen. Minsan ay lumalala ang fatty liver at umaabot sa pamamaga ng atay at liver cirrhosis.
Para maagapan ang fatty liver, sundin ang mga payong ito:
1. Itigil ang pag-inom ng alak. Kahit isang patak ng wine, beer or hard drinks ay huwag nang subukan pa. Ihinto na rin ang paninigarilyo.
2. Magpapayat kung sobra ka sa timbang. Kapag nagbawas ka ng timbang, puwedeng mabawasan din ang taba sa iyong atay.
3. Umiwas sa pagkain ng matataba (oily) at matatamis na pagkain. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka. Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea.
4. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng maberdeng gulay at isda. Puwedeng kumain ng prutas pero huwag din sosobrahan ito dahil ito’y matamis din.
5. Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo. Kapag nabawasan ang taba sa iyong katawan, mababawasan din ang taba sa atay.
6. Kung ikaw ay may diabetes, gamutin ito. Kumonsulta sa inyong doktor.
7. Kung mataas ang iyong kolesterol sa dugo, ibaba ito sa pamamagitan ng diyeta at gamot.
8. Kumain ng yogurt. Ayon sa isang pagsusuri, may tulong ang good bacteria sa yogurt sa paggamot sa fatty liver. Hindi pa ito tiyak pero pwede ninyong subukan.
9. Huwag basta-bastang uminom ng kahit anong tableta, supplements o vitamins. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Itanong muna sa inyong doktor kung makasasama ba ito sa iyong atay.
Sadyang dyeta, exercise at paggamot sa diabetes at mataas na kolesterol ang lunas sa fatty liver. Alagaan natin ang ating atay.

Para sa TIPS, paki-LIKE ang aking ENGLISH page - Dr Willie Ong's Health Tips

Imumungkahi din ng "Search for Personal Health" ang diet na mag detoxify sa atay , magpapalakas ng atay , mga gawi na dapat sundan para mapangalagaan ang atay at herbal na gamot di gamot na gawa sa di natural o may halong kemikal..