Thursday, November 24, 2016

ventosa ang kailangan

Sa mga nakaraang artikulo aabutin na mga isang buwan na kung saan ay hinihintay kong maisaayos ang aking pakiramdam dahil sa nararamdaman kong lamig sa aking "lower back pain" . Sa kasalukuyan 24 ng Nobyemre naalis na ang pananakit sa aking lower back.  Maayos na rin akong nakakalakad ng normal na bumalik na sa mas maayos na paglakad na ng mayroong lamig  hirap na hirap akong tumayo at naka yuko ako dahil nga sa inaaalalayan ko ang aking lower back. 

Alam ko ang kailangan ko ay ang "ventosa" na magagawa sa RSNC dahil mayroon silang "theraphy cup" para sa ventosa.  bagamat ito ang kailangan para mas madaling maalis ang lamig sa katawan , nakapag hintay ako , nag ehersisyo at sa ikatlong linggo dumating din ang hinihintay kong order ng "cupping" para sa ventosa at isa ito sa lalong nagpabilis sa pag alis ng lamig sa aking katawan lalo na sa likod. 

Dati na akong nagsasagawa ng ventosa sa aking sarili nuon ay katulong ko ang aking pamangkin o kapatid para lang mailagay ang baso sa aking likod . Naghanap pa ako ng baso dito sa Canada para lang magawa ito. Dahil sa mayroon namang  klinika na gumagawa nito kaya kako di na kailangan ang sarili kong " mga cupping" , pero naisip ko rin na kakailangan ko na mayroon akong sarili at dito nga ako  umorder sa China kung saan mura ang halaga. Para sa mga di pa nakakaunawa tungkol sa ventosa , ito ang dapat ninyong malaman tungkol dito ; 


Ano ang ventosa ?  


Is a cupping therapy which is an ancient Chinese alternative treatment that uses local suctions on the skin to eliminate stagnation of the blood flow and promote healing for a variety of health conditions such as colds, bronchitis, pneumonia, body pain, swelling and gastrointestinal disorders. * Ang depinisyong ito ay pakahulugan ng mga duktor ng western medicine na kung saan ay tinatanggap na nila ang cupping theraphy na nakakatulong para sa mga sakit na pinagmumulan ng lamig na sa kanila ay hindi nabanggit

Sa aking  depinisyon  ang "ventosa" ay cupping theraphy , ibig sabihin gumagamit ito ng "cups' o  baso na kung saan hinihigop nito ang lamig sa parte na apektado . Ang lamig na ito ang pinagmumulan ng sakit na nakakaapekto sa pang araw araw na galaw na normal. Ang pagkakaroon ng lamig ay masasabing negatibong enerhiya na umaapekto sa normal na takbo ng katawan. 

Paano malaman may lamig sa katawan ?

Ang lamig sa katawan ay mararamdaman kapag di normal o may masakit na hindi maalis kahit na uminom ng anti biotic. Ang sakit na ito ay nakakapekto sa normal na aktibidad sa araw araw. Hindi rin masasabi ng duktor ng western medicine kung saan ito nanggagaling tanging dahil di makikita ito sa xray. Hindi rin maniniwala na dahil sa lamig na pumasok sa katawan ay makakapekto ito. 

Ako rin ay nagtatanong paano ba magkaroon ng lamig sa katawan? Dahil naranasan ko na ito , ang pinagkahuli ko ngang karanasan ay itong nakaraang tatlong linggo na kung saan , naghintay kami ng matagal sa bus at sa paghihintay ay naramdaman ko ang lamig na pumasok sa aking katawan. Dalawang beses ito , nang paalis at pagkatapos naming makapamili sa grocery parehong naramdaman ko ang lamig. Nang dahil dito , naapektuhan na ang aking lower back na dati nang mahinang parte ng aking katawan. 

Nagsaliksik din ako sa internet kaugnay ng paano malaman na mayroong lamig sa katawan at  natunghayan ko ang video na ito na ginagawa ng kapwa pinoy na masahista ; 


Sa video na ito na kung saan ay isang ventosa training , pinakikita dito kung paano gawin ang ventosa. Kung sa western medicine mayroong xray dito naman mayroong ding pag alam kung saan mayroong lamig at simple lang ginagamit , dahon ng saging na laganap sa Pilipinas, gamit din ay langis ng niyog . Ang ginagamit na "cup" ay mga basong makapal na mabibili din sa mga palengke. 


Dalawang klase ng cupping na ginagamit at pamamaraan 

Sa una kong pagka alam sa cupping theraphy ang ginagamit ko ay mga baso at ito ay inilalagay sa likod  kung kayat kailangan maraming baso na ilalagay sa likod para mahigop ang mga lamig , Itong video sa itaas , isang baso lang ang ginagamit at ito na rin ang minamasahe ng dahan dahan sa mga lugar na kung saan ay may lamig.  Ginagamit din dito ang  luya na kung saan ay nilalagyan ng kapirasong bulak at sinisindihan . Kapag nasindihan na at nailagay sa lugar na may lamig , tinatakpan na ito ng baso na kung saan ay nasisipsip naman ang lamig. 

Sa ikalawa , ang cupping na aking nabili o marahil ay mas produce na at conveniente ang paggamit ay tila suction cups . Nilalagay ito sa likod at  dahil may lugar na suction tip at pang suction , ito na ang humihigop sa lamig at inoorasan na lang ng mga 10 - 15 minuto hanggang masipsip na ang lamig. Nagiiwan ito ng pasa na bilog sa katawan , tanda kung saan sinisipsip ang lamig. 


Sa video na ito di na ginagamitan ng apoy at luya ang pag ventosa.  Kahit bata ay kayang gawin ang ventosa .  Mas simple, mas ligtas at  conveniente ang pag ventosang to. 


Ano man ang gamitin ninyo na cupping ay nasa sa inyo yon , pero kung nais ninyong malaman kung saan at paano makabili  ng plastic cups para sa ventosa , mag comment lang sa ibaba o magsabi lang . Maari ding bumili ng babasaging baso para sa ventosa o kung nagtitipid at di kayang makabili , sundin ang video na training ng mga nag bebentosa sa itaas.  


1 comment:

  1. My nakita po ako na gamit ngayun ay machine ok ba un.

    ReplyDelete