Wednesday, November 2, 2016

Pag atake muli sakit ng lower back

 Ang pag manage ng lower back pain ko ay isinasagawa sa "naturapathic clinic" sa pamamagitan ng acupuncture/ ventosa at spinal manipulation.  Nuong huling pagtingin ko naramdaman ko na nangalay ang aking lower back marahil ay dahil sa "manipulation" tila naramdaman ko na may kulang dahil nga naging mabigat muli ito. 

Di kami nakabalik sa naturapathic clinic sa loob ng tatlong linggo dahil sa mga skedyul at budyet na rin.  Ang pakiramdam ko na palagiang nangangalay na lower back ay nuon pang huling patingin ko sa clinic at iniisip ko rin na posibleng ito ay dahil sa malambot na kutson na aking hinihigan dahil sa mga paggising ko ay hindi nawawala ang pagka ngalay. Ginagawa ko na lang ay mga ehersisyo at naiisip ko rin na sumali sa "taichi" program para tuloy tuloy ang aktibidad na makakatulong din sa aking kondisyon. 

Itong nakaraang Nobyembre 1/ 2016 , kami ay namili at sa paghihintay pa lang ng bus naramdaman na naming mag partner ang lamig sa pagpunta pa lang at lalo na nitong pag uwi.  Ang lamig ay tumatagos sa paa at partner ko ay sobrang lamig ng kamay.  Nakarating naman kami sa bahay at nakapagpalit ng mga damit at nag laundry pa nga ngunit  nitong matapos na ang laundry at nagtitiklop na kami ng mga damit ,  dito ko naramdaman nuong ako ay nakaupo na di nakasandal , na pagtayo biglang sumakit ang aking "lower back" na tila naramdaman ko uli yong una kong naramdaman nuong  nakuha ko ang saking na ito. 

Magdadalang araw na ang lower back pain na nararamdaman ko at ang pinagagawa ko lang sa aking partner ay imasahe ng coconut oil ang aking likod at lagyan ng  special na langis ang lugar na masakit.  Kailangan na ma ventosa ang aking lower back pero  di normal ang aking mga lakad dahil sa nararamdaman ngang sakit sa lower back. Naisip ko na posibleng first aid na remedyo ay maalis ang  pain , kun kayat ang aking naiisip lang na ilagay ang "salonpas"  ito ay nakakatulong na makaalis ng  pain dahil  ito ay " Methyl Salicylate"  ito ay patch na may  methyl salicylate " na tumatagos sa  balat at direktang tumatagos sa lugar na masakit. Ang salonpas ay hindi NSAID o non- steroidal , anti inflammatory drug. Sa mga nakaraan ay nagamit ko ito at napatunayan ko rin nakatulong bagamat  hindi nito tuluyang inaalis ang paglala o pagsakit ng lower back. Makakatulong ito sa maalis pansamantala ang sakit na nararamdaman.  Kung may nais tayong malaman tungkol sa SALONPAS , click lang ang SALONPAS 

Mayron namang mga panglunas sa sakit na nararamdaman sa lower back o likod na makikita link sa ibaba , bagamat hindi ko ito kabisado at sa palagay ko ako mismo ay dapat na maghanda nitong mga lunas na organic at hindi yong nabibili katulad ng Salonpas. 

Ang pangyayaring ito na hindi pa rin o patuloy pa rin ang sumpong na aking lower back pain, napapaisip tuloy ako na dahil sa aking idad ay patuloy ko itong mararamdaman ngunit kinakailangan lang na patuloy pa ring magpalakas at iwasan kung saan nagmumula ang pagsakit sa lower back.
Makakatulong ang link sa ibaba upang maunawaan ang tungkol sa lower back pain.
 
http://www.buhayofw.com/medical-advice/other-diseases-of-ofws/sakit-ng-likod-o-low-back-pain-ano-ang-dapat-gawin-at-lunas-52f0bbb523367
( ang puna ko lang sa link na ito, hindi binabanggit na ang lamig na pumapasok sa katawan ay nagiging sanhi din ng pagsakit)

  Sa partikular na pangyayaring pag sakit ng aking lower back nitong November 1/16 ang teorya ko ay pinasok muli ako ng lamig at inatake ang lugar na kung saan mayroon akong mahinang parte ng katawan , ito ngang lower back .  Napapaisip ako paano ba , inaatake ng lamig ang mga lugar na may kahinaan sa ating katawan,  paano ito iwasan at paano nawawala ang sakit kapag nawala na ang lamig? Kakailanganin ang pag sasaliksik dito para masagot at malaking  kalinawan ito sa usapin ng pagpasok ng lamig sa katawan,  sundan niyo ang resulta ng aking pagsasaliksik. 


No comments:

Post a Comment