Apektado sa lower back , mula sa itaas ng ribs paibaba sa binti. Ang mababang likod ay ang dugtungan ng itaas na bahagi ng katawan at ng ibaba, na kung saan ito ang nagdadala ng bigat ng itaas. Kaya madaling mapinsala ang lugar na ito dahil sa mga aktibidad na patuloy mula sa pagbuhat at paggalaw sa araw araw.
Lower back pain can either be from strain or sprain . Symptoms can be from muscle spasm, cramping and stiffness. Pain can be mild or disabling and can also be felt at the back but sometimes it can radiate to the buttocks. It can come quickly or randomly and comes from episodes. Certain movements can aggravate the paid but doing some walking can make it better. Worst pain come from 48 to 72 hours and maybe followed in days or weeks with lesser pain.
Sanhi ng sakit sa likod ;
-pinsala o over use , katandaan, herniated disc, rayuma , compression or fractures, sakit ,
problema sa gulugod mula kapanganakan
-kadalasan hindi daw alam ng mga duktor kung saan nagmumula ang sakit sa likod . Ang Xray
o MRI ay hindi raw nakakatulong maliban na kung paulit ulit ang sakit ang mga resulta sa
mga instrumentong ito ay ginagamit.
-malaking bahagi na pinagmumulan ng sakit ay ang muscle or ligament strain , dulot ng
pagbuhat na mabigat na bagay na nasa maling posisyon, ang twisting o muscle
movement na ganito ay nag reresulta ng ligament stretch or develop microscopic tears.
Maari ding maipit ang mga nerves o magkaroon ng degenerative disc dahil sa pagtanda o
paggamit.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mula sa nabanggit sa itaas aking natutukoy na ang posibleng pagkakaroon ko ng sakit sa mababang likod ay ang nangyaring muscle strain o nagkaroon ng microscopic tears na nangyari nuon pang 2006 at ngayon ay 2016 . Sa matagal na panahon na ito ay hindi naman papalakas ang katawan kung hindi pahina . Hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na ipasuri sa duktor kung nagkaroon nga ng" microscopic tears" sa parte ng aking ligaments. Ngunit sa matagal na panahon hindi naman ako nagkaroon ng matinding pananakit sa lower back pero pagpasok ng lamig o pasma ay nangyari sa ibang parte ng katawan.
Ang hindi lang nabanggit sa pagtalakay sa usapin ng pinagmumulan ng sakit ay ang relasyon ng lamig sa mga parte ng katawan na mahina na nga katulad ng sa mababang likod. Bagamat alam na natin na nuon pa man ang nangyaring pananakit ng likod ay nag dulot na nang kahinaan sa parte na yon ng katawan at malaki ang posibilidad na ang pag pasok ng lamig sa katawan ay mag nagpapalala at lalong hindi nagpapahusay ng kondisyon ng katawan.
Paano ba nakakapekto ang lamig sa katawan ;
Maraming paraan na kung saan pumapasok ang lamig sa katawan. Posibleng exposed ang katawan natin sa mga bagay na nagpapasok ng lamig sa ating katawan , pwede sa pagkain o madalas na umiinom tayo ng malamig , trabaho natin na nasa kuarto tayong air con, o naka expose sa freezer, pagbabago din klima mula sa mainit tungo sa malamig, yong paliligo mula sa pag tatrabaho
Dito sa Canada naranasan ko ang pagpasok ng malamig sa aking katawan lalo na sa winter. Unang nangyari ito ng ako ay isang dishwasher , pumapasok ako na may yelo sa paligid sa mga dadaanan. Pagdating mo sa lugar na iyong trabaho , sa kusina kapag naghuhugas ka ng mga kasangkapan mainit ang iyong ginagamit tapos kapag lalabas ka na sa trabaho malamig na namang klima na siyang papasok sa iyong katawan. Sa pangyayaring pumasok ang lamig sa aking katawan , isang araw hindi ko na maigalaw ang isa kong braso at masakit ang aking likod. Dito na pinatunayan na pumasok na ang lamig sa aking katawan. At ang alam ko lang na magagawa ay alisin ang lamig sa pamamagitan ng ventosa o pag alis ng sakit pain killer isa na nga rito salonpas.
Ano ang nangyayari sa katawan sa usapin ng pagpasok ng lamig?
- Ang isang analogy, hindi natin ginagawa na ang isang baso ng mainit na tubig ay ilalagay sa freezer dahil ito ay puputok. Nangyayari ito dahil sa matinding temperatura. katulad din ng baso ang ating katawan. Ito ay nagkakaroon ng shock dahil sa dalawang magkaibang temperatura, ito ay paliwanag ni Ronnie na natunghayan kong sumulat ng tungkol sa lamig o pasma.
Sa pagpasok ng lamig sa katawan naiipon ang mga toxins sa katawan at kung hindi naaalis ang lamig dito nagsisimula ang iba pang mga sakit. Ang pagmamasahe ay isa sa pamamaraan kung paano maalis ang lamig. Ayon sa mga therapist ang mga namumuong toxins ay nodules, mga maliliit na bukol na kailangang durugin na nasimulan ng lamig at kung madurog ito ay duon makakaramdam ng ginhawa.
Mga paraan ng pag alis ng lamig o pasma sa loob ng katawan ;
Ventosa ( cupping method) ay ang paggamit ng mga cup o baso para masipsip ang lamit at toxins ng katawan na namuo. Kailangan din ang masahe pagkatapos nito
Acupuncture ay isa rin sa pinamabisang paraan para maalis ang init / lamig sa loob ng katawan. Mayroong parte sa ilalim ng tuhod na kung saan nakalugar ang meridian para maalis ang lamig o pasma.
Tamang pagkain at iwasan ang pagkaing nagdudulot ng lamig katulad ng mga cold foods.
Nirekomenda ng sumulat na si Ronnie na kailangan ang Omega3 o fish oil, 1000 mg twice a day upang mabalanse ang lamig sa katawan. Ito ang sekreto ng mga isdang nasa malamig na tubig katulad ng salmon.
Ang isang epekto ng malamig na enerhiya ay ang patuloy na pananakit ng ulo. Ang Omega3 na mayaman sa fish oil ay nagpapaginhawa dito.
No comments:
Post a Comment