Tuesday, November 8, 2016

Pasma sa lamig ?

Sa nangyari sa aking pagsakit ng lower back na sa palagay ko ay pinasukan ng lamig , naging malaking katanungan sa akin ano ba talaga itong Pasma o lamig ?  Masasabing ang nangyari ay pasma sa lamig.  Dahil sa mayron na nga akong kahinaan sa lower back at nangyaring pagsakit ng bahaging ito nitong Nobyembre 1, 2016, masasabi ko ngang ito ay PASMA sa lamig? 



Muli nagsaliksik ako tungkol sa pasma para mas maunawaan ko ano itong paniniwalang ito at talaga namang nararanasan ko ? 


Mula sa Wikileaks ;

Pasma refers to a "folk illness" unique to the Filipino culture that is said to be most commonly brought about by exposure of "cold" and water in many forms: water is believed to facilitate the unhealthy coldness that enters the body in the Filipino culture. There are distinct signs, symptoms, perceived causes and treatments which are recognized in the folk medicine of the Philippines, but these are not described in medical textbooks, discussed in medical schools, or generally recognized by contemporary medical science. Although, these symptoms have been perceived and testified as verifiable by Filipinos who have experienced sickness after a long hard day of work and abruptly taking a cold shower. [1][2][3][4]
University of the Philippines anthropologist Michael Tan points out:[2]
I've been lecturing in several medical schools for several years now and I keep urging health professionals to be more inquisitive about these illnesses because even if these are not recognized by mainstream medicine, the ailments are very real as far as people are concerned, causing suffering and may even be cited as the cause of death, as in the case of "bangungot."
Alongside numerous diseases recognized by Filipino folk medicine, pasma is attributed to an interaction of "init" (heat) and "lamig" (cold).[4] Under certain conditions, the body's muscles (kalamnan) are said to be "hot" and should not be too quickly brought into contact with "cold," in this case usually meaning cold water or air conditioner.[1]

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mula sa datos na binabanggit ng wikileaks ,  ang PASMA ay isang unique na karamdaman , na sa nagmula sa mga paniniwala at karanasan ng mga Filipino , tila wala ito sa ibang mga bansa o lahi.  Dito binabanggit na sa mayroon nagagawang  sakit ang lamig o nanggagaling sa tubig na pumapasok sa katawan ng tao. ( ito ang nangyari sa akin , bagamat hindi tubig , ang lamig ang pumasok sa katawan at nagdulot ng sakit , sakit sa isang parte ng katawan na may kahinaan na) 



Binabanggit din na hindi ito matutunghayan sa libro o pagtuturo ng western medical schools at lalong hindi recogrnized itong kapaniwalaang ito at pag trato sa mga pasma at lamig na naging kasanayan na ng mga Pilipino. Kung susuriin ang kaalamang western kaugnay ng panggagamot , nakabatay ang western medicine na ang mga sakit ay galing sa mga mikrobyo at  mabibigyan ang nagiging sakit na dulot ng mikrobyo sa pamamagitan ng kemikal o gamot na sinusuri upang ipanlaban sa mga  mikrobyo,  kayat malaling diperensiya na  ang PASMA  na wala namang mikrobyo ay magdudulot ng sakit.  Kayat dahil lang dito ay  mahirap na ngang tanggapin na ang PASMA na dulot ng lamig at lumas dito ay tatanggapin ng western medicine.  


Binanggit din na dapat pag aralang mabuti at ikunsidera ang usapin tungkol sa PASMA  dahil sa tunay namang may mga pangyayaring dulot nito na nangyayari  at posible ring ito ang pagmulan ng kamatayan ... na hindi maipaliwanag din naman ng western medicine ,  halimbawang binanggit at  BANGUNGOT . 


Dagdag ko dito mayroon din akong nabasa na nagpapalaki ng katawan sa isang Gym at binabalewala ang dapat sunding pagpapahinga pagkatapos ng mga ensayo . Ang ginagawa nang taong ito ay naliligo kaagad at pagkatapos ay nagpapahinga pa sa isang malamig na lugar na bukas ang aircon.  Palagiang niya itong ginagawa  , hanggang umatake ang PASMA sa kanyang katawan at tuluyang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.  Kaya't  patunay ngang may sakit na PASMA , at ito rin ay nakakamatay.  Ang tanong ano ba itong PASMA , ito ba ay masamang hangin na nagdudulot ng sakit sa loob ng katawan. Sa totoo lang may mga masamang hangin na ating nalalanghap at ito ay nakakasama ng katawan,  ganito kaya itong PASMA . Isa kaya itong masamang enerhiya na kapag pumasok sa katawan ay nagdudulot ng sakit at kailangang maalis para hindi magpalala pa ng masamang kondisyon ng katawan.


Sa ngayon nakatulong ang paglalagay ng salonpas para mabawasan ang pananakit sa mababang likod (bagamat ito ay pansamantala lang) , tuloy tuloy din ang ehersisyo na aking ginagawa para maibsan din ang paninigas sa mababang likod.  Unti unti namang nagiging maayos na ang aking paglalakad na naapektuhan, bagamat mag isang linggo na rin, tanging ang RSNC clinic ang naniniwala sa pasma o mga natural na paggagamot at walang mga arbularyo dito na aking alam. 

 

No comments:

Post a Comment