Sa huling mga tatlong artikulo ay tinalakay ko ang naramdaman kong lamig na pumasok sa aking katawan at naapektuhan nito ang aking "lower back" . Ang naging epekto ng lamig ay halos nagpahirap sa akin sa pag lakad , kahit na sa paghiga at lalo na sa pagtayo mula sa pagkakaupo. So far ang nakatulong ay ang pagsisikap na maibalik ang dating sigla at maayos na magagawa sa araw araw. Ang paglalagay ng "salonpas" na nakita lang remedyo para maalwan lang ang sakit sa lower back ay nakatulong para maalis ang sakit na unti unting nawawala kasabay din nito ang ehersisyo na naimungkahi ni intern Kim Abiog ng RSNC . Ang mga ehersisyong ito ay ni research ay isinaayos ni intern Kim Abiog para lamang sa aking pangangailangan , malaki ang naitulong nito sa pag normalize ng lugar na tila nanigas na parte ng katawan sa likod.
Isinasagawa din ang pag mamasahe sa aking likod na ginagawa ng aking partner araw araw bago matulog at nilalagyan ng "castor oil" na alam naming nakakatulong din ang langis na ito laban sa inflammation. Ang rekomedasyon ding "magnesium" supplements at prostrate support supplement para sa akin ay tuloy tuloy namang iniinom sa araw araw.
Ang alam ko na mas mabilis na makakaalis ng lamig sa aking katawan ay ang "ventosa" ngunit dahil sa hirap ako sa pagtayo at paglakad hinintay ko lang ang aking inorder na "cupping " sa China. Ang cupping bottles naman ay dumating nito lamang Nobyembre 16/ kung kayat nagagamit na ito.
Isinasagawa din ang pag mamasahe sa aking likod na ginagawa ng aking partner araw araw bago matulog at nilalagyan ng "castor oil" na alam naming nakakatulong din ang langis na ito laban sa inflammation. Ang rekomedasyon ding "magnesium" supplements at prostrate support supplement para sa akin ay tuloy tuloy namang iniinom sa araw araw.
No comments:
Post a Comment