Thursday, November 24, 2016

ventosa ang kailangan

Sa mga nakaraang artikulo aabutin na mga isang buwan na kung saan ay hinihintay kong maisaayos ang aking pakiramdam dahil sa nararamdaman kong lamig sa aking "lower back pain" . Sa kasalukuyan 24 ng Nobyemre naalis na ang pananakit sa aking lower back.  Maayos na rin akong nakakalakad ng normal na bumalik na sa mas maayos na paglakad na ng mayroong lamig  hirap na hirap akong tumayo at naka yuko ako dahil nga sa inaaalalayan ko ang aking lower back. 

Alam ko ang kailangan ko ay ang "ventosa" na magagawa sa RSNC dahil mayroon silang "theraphy cup" para sa ventosa.  bagamat ito ang kailangan para mas madaling maalis ang lamig sa katawan , nakapag hintay ako , nag ehersisyo at sa ikatlong linggo dumating din ang hinihintay kong order ng "cupping" para sa ventosa at isa ito sa lalong nagpabilis sa pag alis ng lamig sa aking katawan lalo na sa likod. 

Dati na akong nagsasagawa ng ventosa sa aking sarili nuon ay katulong ko ang aking pamangkin o kapatid para lang mailagay ang baso sa aking likod . Naghanap pa ako ng baso dito sa Canada para lang magawa ito. Dahil sa mayroon namang  klinika na gumagawa nito kaya kako di na kailangan ang sarili kong " mga cupping" , pero naisip ko rin na kakailangan ko na mayroon akong sarili at dito nga ako  umorder sa China kung saan mura ang halaga. Para sa mga di pa nakakaunawa tungkol sa ventosa , ito ang dapat ninyong malaman tungkol dito ; 


Ano ang ventosa ?  


Is a cupping therapy which is an ancient Chinese alternative treatment that uses local suctions on the skin to eliminate stagnation of the blood flow and promote healing for a variety of health conditions such as colds, bronchitis, pneumonia, body pain, swelling and gastrointestinal disorders. * Ang depinisyong ito ay pakahulugan ng mga duktor ng western medicine na kung saan ay tinatanggap na nila ang cupping theraphy na nakakatulong para sa mga sakit na pinagmumulan ng lamig na sa kanila ay hindi nabanggit

Sa aking  depinisyon  ang "ventosa" ay cupping theraphy , ibig sabihin gumagamit ito ng "cups' o  baso na kung saan hinihigop nito ang lamig sa parte na apektado . Ang lamig na ito ang pinagmumulan ng sakit na nakakaapekto sa pang araw araw na galaw na normal. Ang pagkakaroon ng lamig ay masasabing negatibong enerhiya na umaapekto sa normal na takbo ng katawan. 

Paano malaman may lamig sa katawan ?

Ang lamig sa katawan ay mararamdaman kapag di normal o may masakit na hindi maalis kahit na uminom ng anti biotic. Ang sakit na ito ay nakakapekto sa normal na aktibidad sa araw araw. Hindi rin masasabi ng duktor ng western medicine kung saan ito nanggagaling tanging dahil di makikita ito sa xray. Hindi rin maniniwala na dahil sa lamig na pumasok sa katawan ay makakapekto ito. 

Ako rin ay nagtatanong paano ba magkaroon ng lamig sa katawan? Dahil naranasan ko na ito , ang pinagkahuli ko ngang karanasan ay itong nakaraang tatlong linggo na kung saan , naghintay kami ng matagal sa bus at sa paghihintay ay naramdaman ko ang lamig na pumasok sa aking katawan. Dalawang beses ito , nang paalis at pagkatapos naming makapamili sa grocery parehong naramdaman ko ang lamig. Nang dahil dito , naapektuhan na ang aking lower back na dati nang mahinang parte ng aking katawan. 

Nagsaliksik din ako sa internet kaugnay ng paano malaman na mayroong lamig sa katawan at  natunghayan ko ang video na ito na ginagawa ng kapwa pinoy na masahista ; 


Sa video na ito na kung saan ay isang ventosa training , pinakikita dito kung paano gawin ang ventosa. Kung sa western medicine mayroong xray dito naman mayroong ding pag alam kung saan mayroong lamig at simple lang ginagamit , dahon ng saging na laganap sa Pilipinas, gamit din ay langis ng niyog . Ang ginagamit na "cup" ay mga basong makapal na mabibili din sa mga palengke. 


Dalawang klase ng cupping na ginagamit at pamamaraan 

Sa una kong pagka alam sa cupping theraphy ang ginagamit ko ay mga baso at ito ay inilalagay sa likod  kung kayat kailangan maraming baso na ilalagay sa likod para mahigop ang mga lamig , Itong video sa itaas , isang baso lang ang ginagamit at ito na rin ang minamasahe ng dahan dahan sa mga lugar na kung saan ay may lamig.  Ginagamit din dito ang  luya na kung saan ay nilalagyan ng kapirasong bulak at sinisindihan . Kapag nasindihan na at nailagay sa lugar na may lamig , tinatakpan na ito ng baso na kung saan ay nasisipsip naman ang lamig. 

Sa ikalawa , ang cupping na aking nabili o marahil ay mas produce na at conveniente ang paggamit ay tila suction cups . Nilalagay ito sa likod at  dahil may lugar na suction tip at pang suction , ito na ang humihigop sa lamig at inoorasan na lang ng mga 10 - 15 minuto hanggang masipsip na ang lamig. Nagiiwan ito ng pasa na bilog sa katawan , tanda kung saan sinisipsip ang lamig. 


Sa video na ito di na ginagamitan ng apoy at luya ang pag ventosa.  Kahit bata ay kayang gawin ang ventosa .  Mas simple, mas ligtas at  conveniente ang pag ventosang to. 


Ano man ang gamitin ninyo na cupping ay nasa sa inyo yon , pero kung nais ninyong malaman kung saan at paano makabili  ng plastic cups para sa ventosa , mag comment lang sa ibaba o magsabi lang . Maari ding bumili ng babasaging baso para sa ventosa o kung nagtitipid at di kayang makabili , sundin ang video na training ng mga nag bebentosa sa itaas.  


Saturday, November 19, 2016

Lamig nabawasan

Sa huling mga tatlong artikulo  ay tinalakay ko ang naramdaman kong lamig na pumasok sa aking katawan  at naapektuhan nito ang aking "lower back" . Ang naging epekto ng lamig ay halos nagpahirap sa akin sa pag lakad , kahit na sa paghiga at lalo na sa pagtayo mula sa pagkakaupo.  So far ang nakatulong ay ang pagsisikap na maibalik ang dating sigla at maayos na magagawa sa araw araw. Ang paglalagay ng "salonpas" na nakita lang remedyo para maalwan lang ang sakit sa lower back ay nakatulong para maalis ang sakit na unti unting nawawala kasabay din nito ang ehersisyo na naimungkahi ni intern Kim Abiog ng RSNC .  Ang mga ehersisyong ito ay ni research ay isinaayos ni intern Kim Abiog para  lamang sa aking pangangailangan , malaki ang naitulong nito sa pag normalize ng lugar na tila nanigas na parte ng katawan sa likod. 



Isinasagawa din ang pag mamasahe sa aking likod na ginagawa ng aking partner araw araw bago matulog at nilalagyan ng "castor oil" na  alam naming  nakakatulong din ang langis na ito laban sa inflammation.  Ang rekomedasyon ding  "magnesium" supplements at  prostrate support supplement para sa akin ay tuloy tuloy namang iniinom sa araw araw.

Ang alam ko na mas mabilis na makakaalis ng lamig sa aking katawan ay ang "ventosa" ngunit dahil sa hirap ako sa pagtayo at paglakad  hinintay ko lang ang aking inorder na "cupping " sa China. Ang cupping bottles naman ay dumating nito lamang Nobyembre 16/ kung kayat nagagamit na ito.

Tuesday, November 8, 2016

Pasma posibleng isang energy

 Pagkatapos kung mabasa ang artikulong ito na nakita ko sa Facebook ,  mas luminaw sa akin na ang PASMA o sinasabing  pumapasok na lamig sa katawan ay isang  "enerhiya" . Mayroong enerhiya ang lahat ng bagay , tao at hayop . Sa artikulong ito sinasabi sa isang pananaliksik na kayang mag- draw ang isang tao ng enerhiya mula sa iba, katulad din ng mga halaman.  

Ang isang halimbawang naranasan ko dito ay ang tinatawag na "usog" . Kapag naranasan mo ang "usog" mararamdaman mo na ikaw ay nanghihina na parang magkakasakit , masakit ang ulo at katawan na bigla na lang. Nangyari sa akin ito sa Pinas at dito rin sa Canada . Sa pinas may bumati sa akin at pag uwi ko nanghihina na ako. Dito naman sa Canada nakatalo ko ang isang tao at paguwi ko nagbago na ang kondisyon ko , na tila magkakasakit. Ang pakiramdam na ito ay nagpapakita na malakas ang taong humatak ng iyong enerhiya kung kayat ikaw o ako ay nanghina.  Ang pagsusuring ito na mula sa maka siyentipikong paraan ay magpapatunay sa mga di maipaliwanag na usapin sa Pasma o lamig, usog at marami pang ibang usapin sa pagagamot at mistisismo. 
 

Nov 22, 2012 by MICHAEL FORRESTER
People Can Draw Energy From Other People The Same Way Plants Do

A biological research team at Bielefeld University has made a groundbreaking discovery showing that plants can draw an alternative source of energy from other plants. This finding could also have a major impact on the future of bioenergy eventually providing the evidence to show that people draw energy from others in much the same way.



Members of Professor Dr. Olaf Kruse’s biological research team have confirmed for the first time that a plant, the green alga Chlamydomonas reinhardtii, not only engages in photosynthesis, but also has an alternative source of energy: it can draw it from other plants. The research findings were released this week in the online journal Nature Communications published by the renowned journal Nature.
Flowers need water and light to grow and people are no different. Our physical bodies are like sponges, soaking up the environment. "This is exactly why there are certain people who feel uncomfortable in specific group settings where there is a mix of energy and emotions," said psychologist and energy healer Dr. Olivia Bader-Lee.

Plants engage in the photosynthesis of carbon dioxide, water, and light. In a series of experiments, Professor Dr. Olaf Kruse and his team cultivated the microscopically small green alga species Chlamydomonas reinhardtii and observed that when faced with a shortage of energy, these single-cell plants can draw energy from neighbouring vegetable cellulose instead. The alga secretes enzymes (so-called cellulose enzymes) that ‘digest’ the cellulose, breaking it down into smaller sugar components. These are then transported into the cells and transformed into a source of energy: the alga can continue to grow. ‘This is the first time that such a behaviour has been confirmed in a vegetable organism’, says Professor Kruse. ‘That algae can digest cellulose contradicts every previous textbook. To a certain extent, what we are seeing is plants eating plants’. Currently, the scientists are studying whether this mechanism can also be found in other types of alga. Preliminary findings indicate that this is the case.

"When energy studies become more advanced in the coming years, we will eventually see this translated to human beings as well," stated Bader-Lee. "The human organism is very much like a plant, it draws needed energy to feed emotional states and this can essentially energize cells or cause increases in cortisol and catabolize cells depending on the emotional trigger."

Bader-Lee suggests that the field of bioenergy is now ever evolving and that studies on the plant and animal world will soon translate and demonstrate what energy metaphysicians have known all along -- that humans can heal each other simply through energy transfer just as plants do. "Human can absorb and heal through other humans, animals, and any part of nature. That's why being around nature is often uplifting and energizing for so many people," she concluded.

Here are five energy tools to use to clear your space and prevent energy drains while releasing people’s energy:

Stay centered and grounded. If you are centered within your spiritual self (instead of your analyzer or ego) you will sense right away when something has moved into your space. If you are fully grounded, you can easily release other people’s energy and emotions down your grounding cord with your intention.

Be in a state of non-resistance. What we resists sticks. If you feel uncomfortable around a certain person or in a group, don’t go into resistance as a way to protect yourself as this will only keep foreign energy stuck in your space. Move into a state of non-resistance by imagining that your body is clear and translucent like clear glass or water. This way, if someone throws some invalidation at you, it will pass right through you.

Own your personal aura space. We each have an energetic aura surrounding our body. If we don’t own this personal space we are vulnerable to foreign energy entering it. Become aware of your aura boundaries (about an arms length away from your body all the way around, above and below) as a way to own your personal space.

Give yourself an energy cleanse. The color gold has a high vibration which is useful for clearing away foreign energy. Imagine a gold shower nozzle at the top of your aura (a few feet above your head) and turn it on, allowing clear gold energy to flow through your aura and body space and release down your grounding. You will immediately feel cleansed and refreshed.

Call back your energy. When we have our energy in our own space there is less room for other’s energy to enter. But as we focus on other people and projects we sometimes spread our energy around. Create an image of a clear gold sun several feet above your head and let it be a magnet, attracting all of your energy back into it (and purifying it in the gold energy). Then bring it down through the top of your aura and into your body space, releasing your energy back into your personal space.

Michael Forrester is a spiritual counselor and is a practicing motivational speaker for corporations in Japan, Canada and the United States.

Sources:
ginigrey.com
nature.com
communication-sensible.com

Pasma sa lamig ?

Sa nangyari sa aking pagsakit ng lower back na sa palagay ko ay pinasukan ng lamig , naging malaking katanungan sa akin ano ba talaga itong Pasma o lamig ?  Masasabing ang nangyari ay pasma sa lamig.  Dahil sa mayron na nga akong kahinaan sa lower back at nangyaring pagsakit ng bahaging ito nitong Nobyembre 1, 2016, masasabi ko ngang ito ay PASMA sa lamig? 



Muli nagsaliksik ako tungkol sa pasma para mas maunawaan ko ano itong paniniwalang ito at talaga namang nararanasan ko ? 


Mula sa Wikileaks ;

Pasma refers to a "folk illness" unique to the Filipino culture that is said to be most commonly brought about by exposure of "cold" and water in many forms: water is believed to facilitate the unhealthy coldness that enters the body in the Filipino culture. There are distinct signs, symptoms, perceived causes and treatments which are recognized in the folk medicine of the Philippines, but these are not described in medical textbooks, discussed in medical schools, or generally recognized by contemporary medical science. Although, these symptoms have been perceived and testified as verifiable by Filipinos who have experienced sickness after a long hard day of work and abruptly taking a cold shower. [1][2][3][4]
University of the Philippines anthropologist Michael Tan points out:[2]
I've been lecturing in several medical schools for several years now and I keep urging health professionals to be more inquisitive about these illnesses because even if these are not recognized by mainstream medicine, the ailments are very real as far as people are concerned, causing suffering and may even be cited as the cause of death, as in the case of "bangungot."
Alongside numerous diseases recognized by Filipino folk medicine, pasma is attributed to an interaction of "init" (heat) and "lamig" (cold).[4] Under certain conditions, the body's muscles (kalamnan) are said to be "hot" and should not be too quickly brought into contact with "cold," in this case usually meaning cold water or air conditioner.[1]

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mula sa datos na binabanggit ng wikileaks ,  ang PASMA ay isang unique na karamdaman , na sa nagmula sa mga paniniwala at karanasan ng mga Filipino , tila wala ito sa ibang mga bansa o lahi.  Dito binabanggit na sa mayroon nagagawang  sakit ang lamig o nanggagaling sa tubig na pumapasok sa katawan ng tao. ( ito ang nangyari sa akin , bagamat hindi tubig , ang lamig ang pumasok sa katawan at nagdulot ng sakit , sakit sa isang parte ng katawan na may kahinaan na) 



Binabanggit din na hindi ito matutunghayan sa libro o pagtuturo ng western medical schools at lalong hindi recogrnized itong kapaniwalaang ito at pag trato sa mga pasma at lamig na naging kasanayan na ng mga Pilipino. Kung susuriin ang kaalamang western kaugnay ng panggagamot , nakabatay ang western medicine na ang mga sakit ay galing sa mga mikrobyo at  mabibigyan ang nagiging sakit na dulot ng mikrobyo sa pamamagitan ng kemikal o gamot na sinusuri upang ipanlaban sa mga  mikrobyo,  kayat malaling diperensiya na  ang PASMA  na wala namang mikrobyo ay magdudulot ng sakit.  Kayat dahil lang dito ay  mahirap na ngang tanggapin na ang PASMA na dulot ng lamig at lumas dito ay tatanggapin ng western medicine.  


Binanggit din na dapat pag aralang mabuti at ikunsidera ang usapin tungkol sa PASMA  dahil sa tunay namang may mga pangyayaring dulot nito na nangyayari  at posible ring ito ang pagmulan ng kamatayan ... na hindi maipaliwanag din naman ng western medicine ,  halimbawang binanggit at  BANGUNGOT . 


Dagdag ko dito mayroon din akong nabasa na nagpapalaki ng katawan sa isang Gym at binabalewala ang dapat sunding pagpapahinga pagkatapos ng mga ensayo . Ang ginagawa nang taong ito ay naliligo kaagad at pagkatapos ay nagpapahinga pa sa isang malamig na lugar na bukas ang aircon.  Palagiang niya itong ginagawa  , hanggang umatake ang PASMA sa kanyang katawan at tuluyang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.  Kaya't  patunay ngang may sakit na PASMA , at ito rin ay nakakamatay.  Ang tanong ano ba itong PASMA , ito ba ay masamang hangin na nagdudulot ng sakit sa loob ng katawan. Sa totoo lang may mga masamang hangin na ating nalalanghap at ito ay nakakasama ng katawan,  ganito kaya itong PASMA . Isa kaya itong masamang enerhiya na kapag pumasok sa katawan ay nagdudulot ng sakit at kailangang maalis para hindi magpalala pa ng masamang kondisyon ng katawan.


Sa ngayon nakatulong ang paglalagay ng salonpas para mabawasan ang pananakit sa mababang likod (bagamat ito ay pansamantala lang) , tuloy tuloy din ang ehersisyo na aking ginagawa para maibsan din ang paninigas sa mababang likod.  Unti unti namang nagiging maayos na ang aking paglalakad na naapektuhan, bagamat mag isang linggo na rin, tanging ang RSNC clinic ang naniniwala sa pasma o mga natural na paggagamot at walang mga arbularyo dito na aking alam. 

 

Wednesday, November 2, 2016

Pagsusuri sa sakit ng lower back


Apektado sa lower back , mula sa itaas ng ribs paibaba sa binti. Ang mababang likod ay ang dugtungan ng itaas na bahagi ng katawan at ng ibaba, na kung saan ito ang nagdadala ng bigat ng itaas. Kaya madaling mapinsala ang lugar na ito dahil sa mga aktibidad na patuloy mula sa pagbuhat at paggalaw sa araw araw.

Lower back pain can either be from strain or sprain . Symptoms can be from muscle spasm, cramping and stiffness.  Pain can be mild or disabling and can also be felt at the back but sometimes it can radiate to the buttocks. It can come quickly or randomly and comes from episodes. Certain movements can aggravate the paid but doing some walking can make it better. Worst pain come from 48 to 72 hours and maybe followed in days or weeks with lesser pain.

Sanhi ng sakit sa likod ;

  -pinsala o over use ,  katandaan, herniated disc,  rayuma ,  compression or fractures,  sakit ,
    problema sa gulugod mula kapanganakan


-kadalasan hindi daw alam ng mga duktor kung saan nagmumula ang sakit sa  likod . Ang Xray
    o MRI ay hindi raw nakakatulong  maliban na kung paulit ulit ang sakit ang mga resulta sa
    mga instrumentong ito ay ginagamit.

  -malaking bahagi na pinagmumulan ng sakit ay ang muscle or ligament strain , dulot ng
    pagbuhat na mabigat na bagay na nasa maling posisyon,  ang twisting o muscle
    movement na  ganito ay  nag reresulta ng ligament stretch or develop microscopic tears.
    Maari ding maipit ang  mga nerves o magkaroon ng degenerative disc dahil sa pagtanda o
    paggamit.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Mula sa nabanggit sa itaas aking natutukoy na ang posibleng pagkakaroon ko ng sakit sa mababang likod  ay ang nangyaring muscle strain o  nagkaroon ng microscopic tears na nangyari nuon pang 2006 at ngayon ay 2016 . Sa matagal na panahon na ito ay hindi naman papalakas ang katawan kung hindi  pahina . Hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na ipasuri sa duktor kung nagkaroon nga ng" microscopic tears" sa parte ng aking ligaments. Ngunit sa matagal na panahon hindi naman ako nagkaroon ng matinding pananakit sa lower back pero pagpasok ng lamig o pasma ay nangyari sa ibang parte ng katawan.                    

Ang hindi lang nabanggit sa pagtalakay sa usapin ng pinagmumulan ng sakit ay ang relasyon ng lamig sa mga parte ng katawan na mahina na nga katulad ng sa mababang likod.  Bagamat alam na natin na nuon pa man ang nangyaring pananakit ng likod ay nag dulot na nang kahinaan sa parte na yon ng katawan at malaki ang posibilidad na ang pag pasok ng lamig sa katawan ay mag nagpapalala at  lalong hindi nagpapahusay ng kondisyon ng katawan.

Paano ba nakakapekto ang lamig sa katawan ;

Maraming paraan na kung saan pumapasok ang lamig sa katawan.  Posibleng exposed ang katawan natin sa mga bagay na nagpapasok ng lamig sa ating katawan , pwede sa pagkain o madalas na umiinom tayo ng malamig ,  trabaho natin na nasa kuarto tayong air con,  o naka expose sa freezer, pagbabago din klima mula sa mainit tungo sa malamig, yong paliligo mula sa pag tatrabaho  

Dito sa Canada naranasan ko ang pagpasok ng malamig sa aking katawan lalo na sa winter.  Unang nangyari ito ng ako ay isang dishwasher , pumapasok ako na may yelo sa paligid sa mga dadaanan. Pagdating mo sa lugar na iyong trabaho , sa kusina kapag naghuhugas ka ng mga kasangkapan mainit ang  iyong ginagamit  tapos kapag lalabas ka na sa trabaho malamig na namang klima na siyang papasok sa iyong katawan.  Sa pangyayaring pumasok ang lamig sa aking katawan ,  isang araw hindi ko na maigalaw ang isa kong braso at masakit ang aking likod.  Dito na pinatunayan na pumasok na ang  lamig sa aking katawan.  At ang alam ko lang na magagawa ay alisin ang lamig sa pamamagitan ng ventosa  o pag alis ng sakit pain killer isa na nga rito salonpas.

Ano ang nangyayari sa katawan sa usapin ng pagpasok ng lamig?

- Ang isang analogy, hindi natin ginagawa na ang isang baso ng mainit na tubig ay ilalagay sa freezer dahil ito ay puputok. Nangyayari ito dahil sa matinding temperatura. katulad din ng baso ang ating katawan. Ito ay nagkakaroon ng shock dahil sa dalawang magkaibang temperatura, ito ay paliwanag ni Ronnie na natunghayan kong sumulat ng tungkol sa lamig o pasma. 

Sa pagpasok ng lamig sa katawan naiipon ang mga toxins sa katawan at kung hindi naaalis ang lamig dito nagsisimula ang iba pang mga sakit. Ang pagmamasahe ay isa sa pamamaraan kung paano maalis ang lamig. Ayon sa mga therapist ang mga namumuong toxins ay nodules, mga maliliit na bukol na kailangang durugin na nasimulan ng lamig at kung madurog ito ay duon makakaramdam ng ginhawa.

Mga paraan ng pag alis ng lamig o pasma sa loob ng katawan ; 

Ventosa ( cupping method)  ay ang paggamit ng mga cup o baso para masipsip ang lamit at toxins ng katawan na namuo. Kailangan din ang masahe pagkatapos nito

 Acupuncture ay isa rin sa pinamabisang paraan para maalis ang init / lamig sa loob ng katawan. Mayroong parte sa  ilalim ng tuhod na kung saan nakalugar ang meridian para maalis ang lamig o pasma. 

 Tamang pagkain at iwasan ang pagkaing nagdudulot ng lamig katulad ng mga cold foods.

Nirekomenda ng sumulat na si Ronnie na kailangan ang Omega3 o fish oil, 1000 mg twice a day upang mabalanse ang lamig sa katawan. Ito ang sekreto ng mga isdang nasa malamig na tubig katulad ng salmon.

Ang isang epekto ng malamig na enerhiya ay ang patuloy na pananakit ng ulo. Ang Omega3 na mayaman sa fish oil ay nagpapaginhawa dito.


Pag atake muli sakit ng lower back

 Ang pag manage ng lower back pain ko ay isinasagawa sa "naturapathic clinic" sa pamamagitan ng acupuncture/ ventosa at spinal manipulation.  Nuong huling pagtingin ko naramdaman ko na nangalay ang aking lower back marahil ay dahil sa "manipulation" tila naramdaman ko na may kulang dahil nga naging mabigat muli ito. 

Di kami nakabalik sa naturapathic clinic sa loob ng tatlong linggo dahil sa mga skedyul at budyet na rin.  Ang pakiramdam ko na palagiang nangangalay na lower back ay nuon pang huling patingin ko sa clinic at iniisip ko rin na posibleng ito ay dahil sa malambot na kutson na aking hinihigan dahil sa mga paggising ko ay hindi nawawala ang pagka ngalay. Ginagawa ko na lang ay mga ehersisyo at naiisip ko rin na sumali sa "taichi" program para tuloy tuloy ang aktibidad na makakatulong din sa aking kondisyon. 

Itong nakaraang Nobyembre 1/ 2016 , kami ay namili at sa paghihintay pa lang ng bus naramdaman na naming mag partner ang lamig sa pagpunta pa lang at lalo na nitong pag uwi.  Ang lamig ay tumatagos sa paa at partner ko ay sobrang lamig ng kamay.  Nakarating naman kami sa bahay at nakapagpalit ng mga damit at nag laundry pa nga ngunit  nitong matapos na ang laundry at nagtitiklop na kami ng mga damit ,  dito ko naramdaman nuong ako ay nakaupo na di nakasandal , na pagtayo biglang sumakit ang aking "lower back" na tila naramdaman ko uli yong una kong naramdaman nuong  nakuha ko ang saking na ito. 

Magdadalang araw na ang lower back pain na nararamdaman ko at ang pinagagawa ko lang sa aking partner ay imasahe ng coconut oil ang aking likod at lagyan ng  special na langis ang lugar na masakit.  Kailangan na ma ventosa ang aking lower back pero  di normal ang aking mga lakad dahil sa nararamdaman ngang sakit sa lower back. Naisip ko na posibleng first aid na remedyo ay maalis ang  pain , kun kayat ang aking naiisip lang na ilagay ang "salonpas"  ito ay nakakatulong na makaalis ng  pain dahil  ito ay " Methyl Salicylate"  ito ay patch na may  methyl salicylate " na tumatagos sa  balat at direktang tumatagos sa lugar na masakit. Ang salonpas ay hindi NSAID o non- steroidal , anti inflammatory drug. Sa mga nakaraan ay nagamit ko ito at napatunayan ko rin nakatulong bagamat  hindi nito tuluyang inaalis ang paglala o pagsakit ng lower back. Makakatulong ito sa maalis pansamantala ang sakit na nararamdaman.  Kung may nais tayong malaman tungkol sa SALONPAS , click lang ang SALONPAS 

Mayron namang mga panglunas sa sakit na nararamdaman sa lower back o likod na makikita link sa ibaba , bagamat hindi ko ito kabisado at sa palagay ko ako mismo ay dapat na maghanda nitong mga lunas na organic at hindi yong nabibili katulad ng Salonpas. 

Ang pangyayaring ito na hindi pa rin o patuloy pa rin ang sumpong na aking lower back pain, napapaisip tuloy ako na dahil sa aking idad ay patuloy ko itong mararamdaman ngunit kinakailangan lang na patuloy pa ring magpalakas at iwasan kung saan nagmumula ang pagsakit sa lower back.
Makakatulong ang link sa ibaba upang maunawaan ang tungkol sa lower back pain.
 
http://www.buhayofw.com/medical-advice/other-diseases-of-ofws/sakit-ng-likod-o-low-back-pain-ano-ang-dapat-gawin-at-lunas-52f0bbb523367
( ang puna ko lang sa link na ito, hindi binabanggit na ang lamig na pumapasok sa katawan ay nagiging sanhi din ng pagsakit)

  Sa partikular na pangyayaring pag sakit ng aking lower back nitong November 1/16 ang teorya ko ay pinasok muli ako ng lamig at inatake ang lugar na kung saan mayroon akong mahinang parte ng katawan , ito ngang lower back .  Napapaisip ako paano ba , inaatake ng lamig ang mga lugar na may kahinaan sa ating katawan,  paano ito iwasan at paano nawawala ang sakit kapag nawala na ang lamig? Kakailanganin ang pag sasaliksik dito para masagot at malaking  kalinawan ito sa usapin ng pagpasok ng lamig sa katawan,  sundan niyo ang resulta ng aking pagsasaliksik.