Showing posts with label rayuma. Show all posts
Showing posts with label rayuma. Show all posts

Monday, October 6, 2014

Rayuma o Atritis nuong bata pa ako at ngayon

                                                                                                                                                             Hindi ko  matandaan kung 7 o 8 na ang idad ko ng maranasan ko ang laging pagsakit ng kaliwang hita ko malapit sa tuhod.   Ang natatandaan ko sa tuwing sinusumpong ako ng pagkirot ng hita ko sabi ni tatay gely ito daw ay rayuma.  Ang ginagawang panggamot ni Tatay Gely ay  dinikdik na luya , nilalagyan ng langis ng niyog at  ito ay itinatapal sa hita ko at binabalutan ng lampin para hindi mahulog ang luya.  Yon lamang at ng lumaon ay nawala na ang  kirot ng hita ko at sa pagkaalam ko napagaling ako ng tatay ko sa pamamagitan ng pagtapal ng luya nakaramdam ako ng ginhawa at matinding init. 

Nitong may idad na ako Setyembre 16, 2014 hindi ko inaasahan na muli kong maramdaman ang sabi ng Tatay Gely ko na "rayuma" o atritis" dahil  masakit at makirot ang aking kanang paa at nahirapan akong  umakyat at bumababa ng hagdan , nadagdag pa dito ang pagsakit ng aking mga braso at lkod na tagos sa leeg , naramdaman ko din  sa leeg na may tunog kapag iniikot ko ito. 

Dahil sa mga nararamdaman ko nag pamasahe ako sa isang SPA center at nag pabendosa ko sa palagay ko ay makakapagbigay ng ginhawa sa pakiramdam.  Naniniwala akong may lamig ako sa katawan kaya  ako may masamang mga nararamdaman. Ilan sa mga natutukoy kong pinanggalingan ng lamig  ay pagpapalamig sa aircon na kuwarto pagkatapos magluto,  naglilinis ng bahay at kahit pagod naliligo ng tubig sa gripo. Iniwasan ko na ang sa tingin ko ay nagbibigay ng lamig sa katawan.

Ang  ilang pananakit sa katawan ay nawala naman ngunit ang  pananakit ng leeg ay hindi.  Nagkakaroon ito ng  pagkirot na tagos sa balikat at likod.  Nabahala na ako dito kaya't  naisip ko nang mag patingin sa  U.S.T . binigyan ako ng gamot Norgesic Forte 50 mg 3 times a day ito ay muscle relaxant at pag alis ng kirot , pina xray din ako. Sa xray kinunan ang likod ng leeg, patagilid kanan at kaliwa. Ayon sa resulta ng x -ray ito ang naging clinical evaluation o impression;





 CERVICAL SPINE ( APLO)
 straightened cervical alignment with narrowing of the C7-T1 on the left.
The rest of vertebral height and disk spaces are preserved.
no listhesis
no pravertebral  soft tissue mass.

IMPRESSION;
 SPONDYLOSIS ,C7-T1 ,left
at ng mabasa ni doctor ,nirekomenda na pumunta ako sa rehabilitaion at ako nagkaroon ng physical examinaton 

Natukoy na may pamamaga na sa leeg at balikat , sinabi na kailangan kong mag parehab ng mga anim na beses at patuloy din na inumin ang gamot para maalis din ang pamamaga. Ang IMPRESSION na tinawag na SPONDYLOSIS ay isang sakit na ARTHRITIS sa leeg, Ito ay ang sakit ng dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo bagamat mas malala iyon. ( mababasa ang tungkol sa spondylosis dito sa SPH sa nakaraang artikulo).

Ito ang ginagawa sa theraphy , tawag ng duktor dito ay ultrasound , nilagyan ako ng aparato sa gitna ng likod ko , sa balikat  at may mga wiring para ma- monitor ang init na ibibigay ng aparato. Kaya't maaring timplahin ang init na kakayanin na maaring i adjust dahil mayroon itong pindutan. Binalutan din ng makapal na tuwalya ang kaliwa at kanan kong balikat.  Ang aparato ay nagbibigay ng matinding init na umabot ng mga 20 minuto. Pagkatapos nito ay minasahe ng duktor ang lugar na kung saan mayroong pamamaga. Ang  theraphy na ito ay isasagawa pa ng limang beses para mabigyang lunas ang pamamaga at pananakit sa balikat at leeg.

Ang susunod na theraphy ay may pagitan pa na mga tatlong araw kung kaya't naimungkahi ng aking asawa na mag tapal na rin ng luya , para makatulong na rin sa pag alis ng pamamaga. Dahil pagkatapos ng theraphy ay nakaramdam ako ng pagsama din ng pakiramdam at pananakit ng leeg at likod ito naman ay sinabi ng duktor na mararanasan  sa panahon ng therapy. 


Thursday, October 2, 2014

Arthritis sakit na ng may idad

Isa sa sakit na ng may idad ay ang "arthritis" o rayuma sa tagalog. Isang uri ng karamdaman. Katangian ng sakit na ito ang pagkakaroon ng mga pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito ng katawan ng tao

Paglilinaw sa Termino ;
Sa larangan ng medisina, may pagkakaiba ang mga kapangalanang rayuma at artritis. Bagaman tila magkasingkahulugan ang salitang rayuma at artritis, partikular na tumukoy ang artritis sa mga pamamaga at pagkasira ng mismong mga kasu-kasuan,[3] o isang katayuan o kalagayan kapag namamaga ang lahat ng mga lamuymoy o tisyu ng isang kasu-kasuan. Maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng artritis ang gawt, rayumatismo, tuberkulosis, isang kapinsalaan sa katawan o bahagi ng katawan, at iba pang mga tagapagdulot nito.[4]

Samantalang isang malawak na kapangalanan o katawagan ang rayuma, na tinatawag ding kapansanang rayumatiko (kilala sa Ingles bilang rheumatic disorder), sa mga malawakang o di-mapantukoy (hindi-espesipiko) na suliraning pangkalusugan at gamutang nakakaapekto hindi lamang sa mga kasu-kasuan, kundi pati na rin sa puso, buto, bato, balat, at baga. Bilang sangay ng agham ng panggagamot, tinatawag na rayumatolohiya ang pag-aaral at pagbibigay lunas sa ganitong mga kapansanan.[3]

Ang mga larawan ay nagpapakita kung saan pangkaraniwang nararamdaman ang arthritis or rayuma ;

 
Isang uri ng arthritis na naging sakit ng dating Presidente Arroyo ;

Ano ba ang Cervical Spondylosis?
“Laging sinasabi Cervical Spondylosis pero ang common term nito ay arthritis. Kung cervical sa leeg, kung lumbar sa likod. Lahat halos ng Pinoy alam na ang arthritis sa tuhod o sa balakang lamang. Isipin niyo lang, ito yung arthritis sa leeg,” paliwanag ni Dr. Jose Pujalte, Chief of Clinics ng Philippine Orthopedic Center.
Sa larawang ito makikita ang tinatawag na “disc”. Habang tumatanda ang isang tao ito ay natutuyo. Ang joint naman napupudpod. Ito ang madalas niyong marinig na ‘wear and tear’.
Dagdag pa ni Dr. Pujalte, “Kapag tumanda at natuyo ang disc, itong dilaw na nakikita niyo sa larawan (sa baba) ay babagsak at maiipit. Ito ang tinatawag na pinched nerve.”
Sino ang mga nagkakaroon nito?
  • Matatanda
  • May degenerative joint disease
  • Naglalaro ng sobrang pisikal na sports
  • May history ng neck pain sa pamilya
  • May osteoporosis
  • Naninigarilyo
  • Naaksidente o na-trauma
  • Nagkaroon ng neck injury
  • Madaming neck motion ang trabaho
  • May depresyon
Sintomas
  • Pananakit at paninigas ng leeg
  • Pamamanhid at panghihina ng braso, kamay at daliri
  • Pananakit ng ulo at balikat
  • Hirap sa paglalakad at kawalan ng balanse
  • Spasm o panginginig ng kalamnan ng leeg at balikat
  • Ginigiling at lumalagutok na pakiramdam sa leeg
Mga Pagsusuri
  • X-rays - makikita ang pagbabago sa disc dala ng pagtanda
  • Magnetic resonance imaging (MRI)- makikita ang mas malinaw na imahe ng kalamnan, disks, nerves at spinal cord.
  • Computed tomography (CT) scans – ginagamit para tingnan ang buto at spinal canal
  • Myelography – paggamit ng dye sa pagsusuri ng spinal canal at nerve roots
  • Electromyography (EMG)- pag-eksamin sa sa nerve damage
Sanhi ng pagkakaroon ng Arthritis o Rayuma ;

Ang nakikitang sanhi ng arthritis ay sa sinasabing dalawang klase ang "osteoarthritis" ito ang tinatawag na "wear and tear" ibig sabihin sa dalas ng gamit at dahil sa katandaan nagkakaroon ng arthritis.  Ang isa naman ay tinatawag na "rheumatoid"arthritis ay dulot ng autoimmune disorder. Ibig sabihin kapag namaga ang lugar na kung saan may arthritis at ito ay namaga iyon ang pagkilos ng immune system bagamat hindi na kayanin ng sistema. Ang ibang sanhi naman ng arthritis ay mula sa "uric crystals, impeksyon at iba pang karamdaman kagaya ng lups at psoriasis.

Mga Gamutan
Walang operasyon
  • Physical therapy. Pinapalakas at binabanat ang nanghinang o apektadong kalamnan
  • Medications. Paggamit ng Acetaminophen, non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) at muscle relaxants
  • Soft Collars. Sandali lamang ang pagsusuot nito dahil nababawasan ang lakas ng neck muscles sa matagalang paggamit