Hindi ko matandaan kung 7 o 8 na ang idad ko ng maranasan ko ang laging pagsakit ng kaliwang hita ko malapit sa tuhod. Ang natatandaan ko sa tuwing sinusumpong ako ng pagkirot ng hita ko sabi ni tatay gely ito daw ay rayuma. Ang ginagawang panggamot ni Tatay Gely ay dinikdik na luya , nilalagyan ng langis ng niyog at ito ay itinatapal sa hita ko at binabalutan ng lampin para hindi mahulog ang luya. Yon lamang at ng lumaon ay nawala na ang kirot ng hita ko at sa pagkaalam ko napagaling ako ng tatay ko sa pamamagitan ng pagtapal ng luya nakaramdam ako ng ginhawa at matinding init.
Nitong may idad na ako Setyembre 16, 2014 hindi ko inaasahan na muli kong maramdaman ang sabi ng Tatay Gely ko na "rayuma" o atritis" dahil masakit at makirot ang aking kanang paa at nahirapan akong umakyat at bumababa ng hagdan , nadagdag pa dito ang pagsakit ng aking mga braso at lkod na tagos sa leeg , naramdaman ko din sa leeg na may tunog kapag iniikot ko ito.
Dahil sa mga nararamdaman ko nag pamasahe ako sa isang SPA center at nag pabendosa ko sa palagay ko ay makakapagbigay ng ginhawa sa pakiramdam. Naniniwala akong may lamig ako sa katawan kaya ako may masamang mga nararamdaman. Ilan sa mga natutukoy kong pinanggalingan ng lamig ay pagpapalamig sa aircon na kuwarto pagkatapos magluto, naglilinis ng bahay at kahit pagod naliligo ng tubig sa gripo. Iniwasan ko na ang sa tingin ko ay nagbibigay ng lamig sa katawan.
Ang ilang pananakit sa katawan ay nawala naman ngunit ang pananakit ng leeg ay hindi. Nagkakaroon ito ng pagkirot na tagos sa balikat at likod. Nabahala na ako dito kaya't naisip ko nang mag patingin sa U.S.T . binigyan ako ng gamot Norgesic Forte 50 mg 3 times a day ito ay muscle relaxant at pag alis ng kirot , pina xray din ako. Sa xray kinunan ang likod ng leeg, patagilid kanan at kaliwa. Ayon sa resulta ng x -ray ito ang naging clinical evaluation o impression;

straightened cervical alignment with narrowing of the C7-T1 on the left.
The rest of vertebral height and disk spaces are preserved.
no listhesis
no pravertebral soft tissue mass.
IMPRESSION;
SPONDYLOSIS ,C7-T1 ,left
at ng mabasa ni doctor ,nirekomenda na pumunta ako sa rehabilitaion at ako nagkaroon ng physical examinaton
Natukoy na may pamamaga na sa leeg at balikat , sinabi na kailangan kong mag parehab ng mga anim na beses at patuloy din na inumin ang gamot para maalis din ang pamamaga. Ang IMPRESSION na tinawag na SPONDYLOSIS ay isang sakit na ARTHRITIS sa leeg, Ito ay ang sakit ng dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo bagamat mas malala iyon. ( mababasa ang tungkol sa spondylosis dito sa SPH sa nakaraang artikulo).
Ito ang ginagawa sa theraphy , tawag ng duktor dito ay ultrasound , nilagyan ako ng aparato sa gitna ng likod ko , sa balikat at may mga wiring para ma- monitor ang init na ibibigay ng aparato. Kaya't maaring timplahin ang init na kakayanin na maaring i adjust dahil mayroon itong pindutan. Binalutan din ng makapal na tuwalya ang kaliwa at kanan kong balikat. Ang aparato ay nagbibigay ng matinding init na umabot ng mga 20 minuto. Pagkatapos nito ay minasahe ng duktor ang lugar na kung saan mayroong pamamaga. Ang theraphy na ito ay isasagawa pa ng limang beses para mabigyang lunas ang pamamaga at pananakit sa balikat at leeg.
Ang susunod na theraphy ay may pagitan pa na mga tatlong araw kung kaya't naimungkahi ng aking asawa na mag tapal na rin ng luya , para makatulong na rin sa pag alis ng pamamaga. Dahil pagkatapos ng theraphy ay nakaramdam ako ng pagsama din ng pakiramdam at pananakit ng leeg at likod ito naman ay sinabi ng duktor na mararanasan sa panahon ng therapy.
No comments:
Post a Comment