Thursday, October 2, 2014

Arthritis sakit na ng may idad

Isa sa sakit na ng may idad ay ang "arthritis" o rayuma sa tagalog. Isang uri ng karamdaman. Katangian ng sakit na ito ang pagkakaroon ng mga pamamaga sa mga kasu-kasuan na nagiging sanhi ng kawalan ng kakayahang maiunat o maibaluktot at paninigas ng bahaging ito ng katawan ng tao

Paglilinaw sa Termino ;
Sa larangan ng medisina, may pagkakaiba ang mga kapangalanang rayuma at artritis. Bagaman tila magkasingkahulugan ang salitang rayuma at artritis, partikular na tumukoy ang artritis sa mga pamamaga at pagkasira ng mismong mga kasu-kasuan,[3] o isang katayuan o kalagayan kapag namamaga ang lahat ng mga lamuymoy o tisyu ng isang kasu-kasuan. Maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng artritis ang gawt, rayumatismo, tuberkulosis, isang kapinsalaan sa katawan o bahagi ng katawan, at iba pang mga tagapagdulot nito.[4]

Samantalang isang malawak na kapangalanan o katawagan ang rayuma, na tinatawag ding kapansanang rayumatiko (kilala sa Ingles bilang rheumatic disorder), sa mga malawakang o di-mapantukoy (hindi-espesipiko) na suliraning pangkalusugan at gamutang nakakaapekto hindi lamang sa mga kasu-kasuan, kundi pati na rin sa puso, buto, bato, balat, at baga. Bilang sangay ng agham ng panggagamot, tinatawag na rayumatolohiya ang pag-aaral at pagbibigay lunas sa ganitong mga kapansanan.[3]

Ang mga larawan ay nagpapakita kung saan pangkaraniwang nararamdaman ang arthritis or rayuma ;

 
Isang uri ng arthritis na naging sakit ng dating Presidente Arroyo ;

Ano ba ang Cervical Spondylosis?
“Laging sinasabi Cervical Spondylosis pero ang common term nito ay arthritis. Kung cervical sa leeg, kung lumbar sa likod. Lahat halos ng Pinoy alam na ang arthritis sa tuhod o sa balakang lamang. Isipin niyo lang, ito yung arthritis sa leeg,” paliwanag ni Dr. Jose Pujalte, Chief of Clinics ng Philippine Orthopedic Center.
Sa larawang ito makikita ang tinatawag na “disc”. Habang tumatanda ang isang tao ito ay natutuyo. Ang joint naman napupudpod. Ito ang madalas niyong marinig na ‘wear and tear’.
Dagdag pa ni Dr. Pujalte, “Kapag tumanda at natuyo ang disc, itong dilaw na nakikita niyo sa larawan (sa baba) ay babagsak at maiipit. Ito ang tinatawag na pinched nerve.”
Sino ang mga nagkakaroon nito?
  • Matatanda
  • May degenerative joint disease
  • Naglalaro ng sobrang pisikal na sports
  • May history ng neck pain sa pamilya
  • May osteoporosis
  • Naninigarilyo
  • Naaksidente o na-trauma
  • Nagkaroon ng neck injury
  • Madaming neck motion ang trabaho
  • May depresyon
Sintomas
  • Pananakit at paninigas ng leeg
  • Pamamanhid at panghihina ng braso, kamay at daliri
  • Pananakit ng ulo at balikat
  • Hirap sa paglalakad at kawalan ng balanse
  • Spasm o panginginig ng kalamnan ng leeg at balikat
  • Ginigiling at lumalagutok na pakiramdam sa leeg
Mga Pagsusuri
  • X-rays - makikita ang pagbabago sa disc dala ng pagtanda
  • Magnetic resonance imaging (MRI)- makikita ang mas malinaw na imahe ng kalamnan, disks, nerves at spinal cord.
  • Computed tomography (CT) scans – ginagamit para tingnan ang buto at spinal canal
  • Myelography – paggamit ng dye sa pagsusuri ng spinal canal at nerve roots
  • Electromyography (EMG)- pag-eksamin sa sa nerve damage
Sanhi ng pagkakaroon ng Arthritis o Rayuma ;

Ang nakikitang sanhi ng arthritis ay sa sinasabing dalawang klase ang "osteoarthritis" ito ang tinatawag na "wear and tear" ibig sabihin sa dalas ng gamit at dahil sa katandaan nagkakaroon ng arthritis.  Ang isa naman ay tinatawag na "rheumatoid"arthritis ay dulot ng autoimmune disorder. Ibig sabihin kapag namaga ang lugar na kung saan may arthritis at ito ay namaga iyon ang pagkilos ng immune system bagamat hindi na kayanin ng sistema. Ang ibang sanhi naman ng arthritis ay mula sa "uric crystals, impeksyon at iba pang karamdaman kagaya ng lups at psoriasis.

Mga Gamutan
Walang operasyon
  • Physical therapy. Pinapalakas at binabanat ang nanghinang o apektadong kalamnan
  • Medications. Paggamit ng Acetaminophen, non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) at muscle relaxants
  • Soft Collars. Sandali lamang ang pagsusuot nito dahil nababawasan ang lakas ng neck muscles sa matagalang paggamit


No comments:

Post a Comment