Tuloy ang pag inom ng mga supplements kahit na di nakaka bisita sa naturapathic medical clinic
Magdadalawang buwan na mula ng umatake ang "lamig" sa likod na sa unang mga araw ay halos di makabangon , di makahiga ng maayos. Tuloy tuloy lang ininom ang supplements na magnesium at prostrate support , ehersisyo . Unti unting nawawala ang sakit sa likod , hanggang dumating din ang order na cupping glass at mas nagpabilis ang pagka alis ng lamig dahil may ventosa nagagawa sa likod.
Ano ang magnesium ?
Ang magnesium ay isang importanteng mineral, at ang malaking bahagi nito ay matatagpuan sa mga buto. Ito ay kasangkapan sa mahigit na 300 enzymatic reactions sa katawan. Ang magnesium ay partikular na tumutulong sa maayos na pag-function ng mga masel at hormone, paggawa ng enerhiya, at pagproseso ng protein.
Ang magnesium deficiency ay isang pangkaraniwang kundisyong pangmedikal. Sa katunayan, 15 hanggang 20% ng populasyon ang mayroon nito. Ayon sa mga pag-aaral, maraming sakit ngayon ang nag-uugat sa kakulangan sa magnesium.
Sintomas ng kakulangan ng magnesium ;
Ang sintomas ng magnesium deficiency ay nahahati sa tatlong kategorya. Ang unang kategorya ay yaong mga sintomas na makikita sa early stage ng magnesium deficiency. Ito ay kinabibilangan ng pagkalito, matinding pagkapagod, insomnia, pagiging irritable, mahinang memorya, imboluntaryong paggalaw ng masel, at anorexia. Ang pangalawang kategorya ay binubuo ng mga sintomas sa moderate stage ng magnesium deficieny gaya ng pagbilis ng tibok ng puso at pagkakaroon ng mga cardiovascular problem. Ang malalang kaso ng magnesium deficieny ay may sintomas na muscle contraction, delirium, pamamanhid, at halusinasyon. Kapag hindi naagapan, ang severe magnesium deficiency at maaaring mauwi sa malubha at nakamamatay na sakit sa puso.
Partikular sa aking kaso , kaya nairekomenda ito ay sa reklamo kong palaging "cramps" sa aking mga binti , di regular na oras at di tuloy tuloy na pagtulog , pagiging irritable, nararanasan ko din ang masel contraction at minsan ay pamamanhid sa ilang parte ng kamay o mga paa kaya dapat lang na ito ay ipapatuloy ang pag inom . Ang patuloy pa rin na nararamdamang lower back pain ay isang kahinaan na rin ng gulugod o mababang bahagi ng likod at may relasyon din sa mga masel.
Ang magnesium ay makukuha din sa mga pagkain gaya ng mga madadahong gulay, mani, kasoy, almond, black peas, soy, abokado, mais, at gatas. Ang tubig ay mayaman din sa magnesium. Bukod sa diyeta na mayaman sa magnesium, ang magnesium deficiency ay nalulunasan din sa pamamagitan ng supplements.
Ang link sa ibaba ay impormasyon ding mababasa kaugnay din magnesium.
http://juicing-for-health.com/excess-calcium-causes-inflammation-other-mineral-reverses.html?t=LT
Prostrate support supplement
Natalakay ko sa nakaraang mga post ko na mayroon din akong enlargement of the prostrate nuon pang 2003 pa na diagnose ngunit di ako nagtake nuon ng nirekomendang supplement o herbal dahil hindi ko ito nakita sa Pilipinas . Ang tanging supplement na masabi kong na take nuon at hanggang sa ngayon ay "red mushroom" mula sa DXN company. Sa partikular reishi mushroom coffee ang araw araw na aking iniiinom. Kaya mula nuong 2003 hanggang 2016 nito lang mga ilang buwan nang nakaraan nairekomenda sa akin na uminom nitong " prostrate support" na ito. Ang sa palagay kong tulong nito ay pag shrink ng prostrate at ang pag normalize ng pag ihi lalo na sa gabi. Kung mayroon kang enlargement di normal ang pagihi , mas nagiging madalas ang pagbisita sa washroom. Bibigyan ko nang mas malalim na pagpapaliwanag o pagtalakay ang tungkol sa enlargement of the prostrate sa ibang artikulo .

No comments:
Post a Comment