Friday, December 23, 2016

Diskolarasyon sa balat pagkatapos isagawa ang cupping

Sa patuloy na pagtalakay tungkol sa cupping  nais ko lang na idagdag na sa natalakay ko sa mga nakaraan di nabigyan ng diin na mayroong diskolarasyon na nangyayari sa balat kapag ginagawa ang cupping .  




Sa  larawan sa itaas makikita ang mga  kulay ng balat , kapag naisagawa ang cupping sa balat . Makikita dito mula sa normal at healthy  blood ciculation  tungo sa  kakulanagan ng Qi o dugo. 

Sa pinaka - severe stagnation isinasagawa ang tinatawag na wet cupping na kung saan inaalis ang mga patay na dugo sa pamamagitan ng pagbutas ng maliliit sa balat upang maipalabas ang maruming dugo na di dumadaloy sa balat. 



Sa larawan ito yong resulta  pagkatapos na isagawa ang cupping sa likod . Dito makikita ang mga ibat ibang kulay ng balat na resulta ng cupping . Ang mga kulay na ito ay nawawala naman pagkatapos ng ilang minuto o sa loob ng isang araw.  


 Ang video sa itaas ay pinakikita naman ang tinatawag na wet cupping o hajima.  Dito  kahit hindi matindi ang blood stagnation  na kulay sa balat ay isinasagawa at pumapayag naman ang pasyente. 

Sa kabuoan ang cupping ay nakakatulong na mahusay na daloy ng dugo at nagpapa relax sa mga lugar na stiff ang balat o mga masel ng katawan.  


No comments:

Post a Comment