Showing posts with label magnesium. Show all posts
Showing posts with label magnesium. Show all posts

Tuesday, January 3, 2017

Tuloy tuloy na pag inom ng supplement

Tuloy ang pag inom ng mga supplements kahit na di nakaka bisita sa  naturapathic medical clinic

Magdadalawang buwan na mula ng umatake ang "lamig" sa likod na sa unang mga araw ay halos di makabangon , di makahiga ng maayos.  Tuloy tuloy lang ininom ang supplements  na magnesium at prostrate support , ehersisyo . Unti unting nawawala ang sakit sa likod ,  hanggang dumating din ang order na  cupping glass at  mas nagpabilis ang pagka alis ng lamig dahil may ventosa nagagawa sa likod.

Ano ang magnesium ?              


 Ang magnesium ay isang importanteng mineral, at ang malaking bahagi nito ay matatagpuan sa mga buto. Ito ay kasangkapan sa mahigit na 300 enzymatic reactions sa katawan. Ang magnesium ay partikular na tumutulong sa maayos na pag-function ng mga masel at hormone, paggawa ng enerhiya, at pagproseso ng protein. 

Ang magnesium deficiency ay isang pangkaraniwang kundisyong pangmedikal. Sa katunayan, 15 hanggang 20% ng populasyon ang mayroon nito. Ayon sa mga pag-aaral, maraming sakit ngayon ang nag-uugat sa kakulangan sa magnesium. 

Sintomas ng kakulangan ng magnesium ;

Ang sintomas ng magnesium deficiency ay nahahati sa tatlong kategorya. Ang unang kategorya ay yaong mga sintomas na makikita sa early stage ng magnesium deficiency. Ito ay kinabibilangan ng pagkalito, matinding pagkapagod, insomnia, pagiging irritable, mahinang memorya, imboluntaryong paggalaw ng masel, at anorexia. Ang pangalawang kategorya ay binubuo ng mga sintomas sa moderate stage ng magnesium deficieny gaya ng pagbilis ng tibok ng puso at pagkakaroon ng mga cardiovascular problem. Ang malalang kaso ng magnesium deficieny ay may sintomas na muscle contraction, delirium, pamamanhid, at halusinasyon. Kapag hindi naagapan, ang severe magnesium deficiency at maaaring mauwi sa malubha at nakamamatay na sakit sa puso.

       Partikular sa aking kaso , kaya nairekomenda ito ay sa reklamo kong  palaging "cramps" sa aking mga binti ,  di regular na oras at di tuloy tuloy na pagtulog , pagiging irritable,  nararanasan ko din ang masel contraction  at minsan ay pamamanhid  sa ilang parte ng kamay o mga paa  kaya dapat lang na ito ay ipapatuloy ang pag inom . Ang patuloy pa rin na nararamdamang lower back pain ay isang kahinaan na rin ng gulugod o mababang bahagi ng likod at may relasyon din sa mga masel. 

Ang magnesium ay makukuha din sa mga pagkain gaya ng mga madadahong gulay, mani, kasoy, almond, black peas, soy, abokado, mais, at gatas. Ang tubig ay mayaman din sa magnesium. Bukod sa diyeta na mayaman sa magnesium, ang magnesium deficiency ay nalulunasan din sa pamamagitan ng supplements.

Ang link sa ibaba ay impormasyon ding mababasa kaugnay din magnesium.
http://juicing-for-health.com/excess-calcium-causes-inflammation-other-mineral-reverses.html?t=LT


Prostrate support supplement 

Natalakay ko sa nakaraang mga post ko na mayroon din akong  enlargement of the prostrate nuon pang 2003 pa na diagnose ngunit di ako nagtake nuon ng nirekomendang supplement o herbal dahil hindi ko ito nakita sa Pilipinas .  Ang tanging supplement na masabi kong na take nuon at hanggang sa ngayon ay  "red mushroom" mula sa DXN company. Sa partikular reishi mushroom coffee ang araw araw na aking iniiinom.  Kaya mula nuong 2003 hanggang 2016 nito lang mga ilang buwan nang nakaraan nairekomenda sa akin na uminom nitong " prostrate support" na ito.  Ang sa palagay kong tulong nito ay pag shrink ng prostrate at ang pag normalize ng pag ihi lalo na sa gabi.  Kung mayroon kang enlargement  di normal ang pagihi , mas nagiging madalas ang pagbisita sa washroom. Bibigyan ko nang mas malalim na pagpapaliwanag o pagtalakay ang tungkol sa  enlargement of the prostrate sa ibang artikulo . 


Saturday, October 1, 2016

Nagsimula Nov 2012 ngayon Oct 1/16

Ang ideya nuon na bumuo ng blog at mag post ng mga artikulo tungkol sa kalusugan ay naging matagumpay dahil umabot na ang blog na ito sa ika apat na taon. Nagsimula lang sa ideya na isulat ang mga pagsasaliksik  sa pagtukoy ng sakit at mga dapat gawin o ilunas ng ka partner sa mga nararamdaman nitong sakit nuong ito ay nasa Pilipinas. Ito ngayon  ay sumaklaw na rin sa  ibat ibang mga sakit at marami rami ding nagbabasa ng mga artikulo.  Ang intensyon nuon na para lamang maibahagi ang mga karanasan sa pagmentina ng kalusugan na nagawa naman para sa sarili at ka partner,  sa pagusad ng "blog"  natukoy na napakarami talagang nagnanais malaman ang dapat na paglunas sa mga sakit at pagmentina ng kalusugan.  Kahit hindi na namin matugunan ang ibang mga katanungan patuloy pa rin ang pagsubaybay ng mga mambabasa sa artikulo tungkol sa kalusugan. Hindi na rin namin mai-connect ang mga artikulong naka- post sa FB tungo sa "orihinal na blog" SPH ( Search for Personal Health). 


Bilang update nalampasan ng ka- partner ang natukoy na sakit nuon na diabetes,  nalaman na hindi nagtuloy ito at di lumalala ang diabetes,  ang tungkol naman sa "spondolosis" o athritis sa leeg ay nawala din. Ang sinasabing vertigo ay di naman napatunayan na isa sa sakit ng ka partner ngunit ito ay nanggaling sa mga "allergies" na nangyayari nang siya ay nasa Pilipinas pa. 

Malaki ang naging pagbabago ng ka partner ng ito ay napunta nang Canada bagamat sa unang mga linggo dumanas ito ng ilang episode na masasabing "asthma attack" na nabigyan naman ng lunas sa pagkunsulta sa duktor at pag inom ng gamot ,  dahil sa nawala naman di na tinuloy ang pag inom ng gamot sa asthma.  Ang nararanasan nuon na "allergies" sa Pilipinas ay unti unting nawala, marahil dahil sa iba ang klima at paligid dito sa Canada. Ang teorya namin ay matindi ang pollution sa  Tundo at marahil ito ang nag trigger ng mga atake ng asthma sa kanya.  


Sa pagpapatuloy ng pagmementina ng aming kalusugan napagkasunduan namin na mag asawa na magpamentina ng kalusugan sa "Naturapahic Clinic" at ito ay aming ginagawa . Lingguhan ito at umabot na kami ng isang buwan.  Iisang attendant at duktor ang tumitingin at nag aasikaso sa aming dalawa.  Sa panig ko isinangguni ko ang tungkol sa  "enlargement of the prostrate",  bloating at lower back pain.  Sa panig naman ng aking partner isinangguni nito ang pananakit ng kanyang binti. 
 
Iba ang pagsubaybay ng naturapathic practitioners sa mga pasyente inaalam ang kabuoan storya tungkol sa pagkakasakit at kinukuha ang lahat ng mga backgrounds para matukoy ang ugnayan ng mga ito sa mga nararamdamang mga sakit.  Ang una kaagad na isinasagawa ng mga practitioner ay ang "acupuncture" para sa pasyente . Ang pagkakapaliwanag tungkol sa acupuncture ay isa itong paraaan para matulungan ang katawan na maibalik ang tuloy tuloy na daloy ng enerhiya sa katawan, kaya  sa kada punta namin kami ay isinasalang sa "acupuncture" . Mayron ding payo sa kung ano ang dapat na kainin , ito ay mas sa gulay , prutas, gulay at isda bawas sa mga baboy, recommended din ang multiple grains sa tinapay at brown rice sa kanin. Hindi mahirap na kausap ang "naturapath" dahil siya ay Pilipina at tagalog ang aming usapan.  Mayroon ding nirekomenda sa aming dalawa na mga  herbal supplements , sa akin para sa prostrate problem at sa ka partner para sa pananakit ng binti , pareho din kaming binigyan ng "magnesium" supplement. Dito ko lamang nalaman ang kahalagahan ng "magnesium" na di ko alam na malaki palang tinutulong nito sa katawan. 


Tuloy tuloy na pagbisita sa naturapath ang isa sa aming aktibidad lingo lingo para sa acupuncture, ginamitan din ako ng chiropractic manipulation para sa  aking lower back pain at nirekomenda din ang mga ehersisyo na dapat gawin. Kayat  sa bawat linggo ay may mga nakatakdang dapat na gawin, kainin at inuming supplement. Sa mga susunod na linggo at mga buwan maibabahagi namin ang maging resulta ng mga kunsultasyon at gamutang ito.