Wednesday, January 4, 2017

Masamang Amoy ng Katawan , paano iwasan


Ang masamang amoy ay resulta ng "fermentasyon o proseso" na nangyayari sa loob ng katawan kapag tayo ay nakakakain ng mga pagkaing hayop at mga "processed o refined" na mga pagkain . Kontra ito sa paniniwalang ang masamang amoy ay nanggagaling sa pawis , dahil ang natural na pawis ay walang amoy . 

Mayroong mga bacteria sa kili kili , "groin area", sa "hair follicles at scalp". Kapag nagkita ang pawis  na "produce ng  gland" ang nagiging resulta nito ay masamang amoy.  Ang katawan ay di natural na nangangamoy ( di ba pag namamatay kinakain ng bacteria ang katawan at ang bangkay ay nangangamoy) . 

Ang "bacteria"  ay nag react lamang kung ano ang pinakakain sa kanya. Ang amoy sa iyong kili kili ay hindi magiging masansang kung ito ay  nagpapawis lamang ng sobrang mineral at "metabolic waste" kaya lang magiging masama ang amoy nito kung ang nilalabas na mga "waste product" ay dulot ng pagkain ng "meat, processed at refined" na mga pagkain. 


AMOY NG KATAWAN  ay iba iba sa ibat ibang tao bagamat may mga amoy na nagpapatungkol sa pinanggagalingan ng sakit.  Kung ang amoy ay "bleach" nanggagaling ito sa sa kidney o atay. Sa mga "diabetic"  naman ang amoy ay amoy prutas.  Ang isang tao naman na may sakit na "trimethylaminuria" , may amoy na malansa o mula sa isda.  
Sa isang pagaaral naman na ginawa sa Geneva , Switzerland sinasabi may pagkakaiba ang amoy sa magkaibang "gender".  Ang mga kababaihan daw ay nagaamoy sibuyas dahil marami itong "sulphur" na nag react sa mga bacteria.  Sa mga kalalakihan naman daw ang pawis ng mga lalake ay mayaman sa " fatty acid" na nag react sa mga bacteria ay nangangamoy keso.
Ang amoy ng katawan ay di lamang usaping medical , ito ay isa rin ay problemang  psychological at sosyal. Madaling maramdaman o maamoy ay isang tao sa mga pag date, interbyu sa trabaho at sa mga kaswal na usapan,  Nakakabahala din ang sobrang pagpapawis lalo na kung may amoy ito dahil nakikita sa damit. 

Ano ang magagawa sa mga sitwasyong nakakabahala ?
Ang paggamit ng mga "anti perspirant" ay naglalapit lang sa pagkakaroon ng "Alzheimers" sabi ni Dr. Joseph Mercola.  Sa mga "anti perspirant" nakukuha ang "aluminum"  na kapag nakuha o pumasok sa katawan ay sumisira sa utak. Dapat na iwasan ang paggamit ng mga "anti perspirant" liban na lang kung may "anti perspirant" na walang aluminum. 
Paggamit ng mga antibacterial soaps ,  pero mas makabubuti kung regular na sabon , dahil ang mga " anti- bacterial soap" ay may "triclosan"  na aktibong laman ng mga "anti- bacterial soap"  na pumapatay sa " human cells."
Ang pagkakaroon ng masamang amoy ay hindi naman nakakamatay pero nakakasira ng pagkatao , kung kaya ang mga sumusunod ay maaaring gawin o gamitin para mabawasan ang masamang amoy ng katawan; 
Magpalit ng "diet"  - iwasan ang pagkain ng mga baboy , dahil ito ang pinakapinagmumulan ng masamang amoy ng katawan, kasama din ang mga pagkaing kulang sa "fibers" at mga gawa sa "hyrdrogenated Oils" , may asukal at arina.  Ang pagdaragdag ng mga gulay sa diet ay makakatulong sa "internal na deoderization" Subukang kumain ng gulay, sprouts and sariwang prutas. Ang mga mints, herbs, licorise, parsley, oregano, rosemary, cilantro at celery ay malaking tulong. 
Paggamit ng baking soda ,  kumuha ng isang kutsaritang "baking soda" at ilagay sa kamay basain ang  ulo at katawan hanggang mabasa ang kamay na may baking soda.  Ilagay ang nabasang baking soda sa kamay sa inyong kili kili . Kapag ito ay naipahid na , maari nang ipagpatuloy ang  shower. 
 
Mag take din ng chlorella at o probiotic na mga supplement,  ito ay nakakatulong na maka-
aalis ng masamang amoy , nakakatulong din ito sa pag freshen ng hininga at kalusugan
 
    
Gumamamit din ng "virgin coconut oil" sa balat . Ito ay may  "lauric acid" na may sangkap na  "anti bacterial"


Subukan ding palitan ang "deodorant" ng lemon juice -  tikman muna ang juice dahil sa "acidity" nito, dahil ito ang nakakatulong upang mawala ang mga maliit na "micro- organismo sa kili kili . Kung ang lemon juice ay sobra ang "acidity" baka masunog ito ng balat , kung mangyari man ito ulitin na lamang pagkatapos ng ilang araw. 


Maaari ding subukan ang mga sumusunod ; 
  • Coconut at Lavender Oil  Deodorant 
  • Simple Deodorant Recipe for Sensitive Skin 
  • Lemon and Coconut Oil Deodorant
SOURCES:
http://www.healthy-holistic-living.com/homemade-natural-deodorant.html?t=HHL&W=RF


No comments:

Post a Comment