Hello , Ito ang SPH tunog PGH hindi pa naman hospital pero kung di ninyo aalamin ano itong SPH malamang madala kayo sa PGH ( Pilipinas lang ito). Sa itaas nakikita ninyo Search for Personal Health o S. P. H. Ito ay isang titulo ng "BLOG" baka bago sa pandinig hindi ' BULAG" kundi 'BLOG" B - kinuha sa salitang WEB at L - kinuha sa salitang LOG. Pag pinagsama BLOG, ang blog ang katawagan ay pagtatala o paglalagay ng mga paksa balita , komentaryo o artikulo o parang diary sa Website. Kadalasan ito ay teksto , pero pwede rin ang video, musika , art, mga larawan o podcast .
Pinagkaisahan naming mag -asawa na buoin ang SPH nuon pang 2012 sa dahilang nais naming malaman ang kadahilanan ng mga karamdaman na nagsimula nuong ako mismo ang maospital dahilan sa napakasamang pakiramdam na natuklasan naming "diabetic" pala ako. Kaya't mula nuon ano mang bagay na nagiging sakit ko , nagsasaliksik kami at inaalam ano ang sanhi nito at paano i- manage.
Eh kung tutuusin , di na naman kailangang ilagay pa sa "blog" eh bakit nga ba nasa "blog" pa?
Dahil sa pamamagitan nito marami ang makakabasa at makapagbigay din ng tulong kaalaman sa sakit at kalusugan. Makihikayat din ito ng ibang nakakabasa na makiisa at mag-komentaryo o mag ambag ng karanasan tungkol sa kalusugan at karamdaman. Pareho kaming mag- asawa nasa FB , maaari ding maging imbakan ng mga paksa ang SPH na nakaparami sa Facebook at nawawala na lamang. Kung nai- save siya maibabalik ,mababasa at kapulutan ng aral. Isa din itong paglilingkod sa ka-barangay lalo na't ako ay kagawad pa rin ng barangay at katuwang ko dito sa "SPH" dating Chairman ng ating lugar.
Bakit ba kayang mag-sulat ng ating dating Chairman?
Kahit sino naman pwedeng mag sulat ng blog basta't maayos at may direksyon ang pinapaksa. Sa totoo lang ang aking kabiyak siya ay dating kasama sa mga non profit organization at bahagi ng kanyang karanasan sa pagpapatakbo ng samahan ay pag susulat . Dagdag dito ay nakapag tapos din siya ng "Caregiver course dito sa Maynila, Philippines at yon din ang kanyang background kung bakit siya napunta ng Canada kayat pinag aralan din nila ang tungkol sa mga sakit at paano i manage ang mga ito. May background siya ng electronics dahil natapos niya BSREE.
Kaya't mag-like, basahin, magkomentaryo at o magbahagi sa SPH...Salamat Po..Ha !!!
No comments:
Post a Comment