Mula ng pagkabata naririnig ko na ang salitang "Lamig " sa katawan hanggang sa ako ay mag-tinedyer at natutunan ko sa aking mga kalapit na mga kaibigan ang pagtatanggal ng lamig ay sa pamamagitan lamang ng "Ventosa or cupping method".
Naniniwala ako dito, naranasan ko ang magkaroon ng lamig sa katawan at alisin ito sa pamamagitan ng "ventosa o cupping". Nang mabuo naming mag asawa ang blog na ito isa ang tungkol sa "Lamig o Pasma sa Katawan" ang nais kong mailathala at maibagi sa mga mambabasa sa internet.
Hindi ko alam na ang "lamig pala ay Pasma" din. Nalaman ko lang ito ng matunghayan ko ang artikulo ni Ronnie Bernardo na may malawak na kaalaman at karanasan kaugnay ng natural na paggagamot. Para sa kanya ang "lamig o pasma" heat and cold energy imbalance.
Ang paniniwalang ito na "lamig o pasma " ay paniniwalang Oriental na paggagamot. Ang western medicine na karaniwan at karaniwan nating alam ay hindi naniniwala sa teorya na ito "lamig o pasma".
Ano ang sintomas ng lamig o pasma?
Ang paulit ulit na migraine ( sakit ng ulo), pagpapawis ng mga kamay, kawalan ng pakiramdam ng mga palad at pananakit, maari din itong katulad ng sintomas ng diabetes, thyroid dysfunction, neurological, o di maipaliwanag na pananakit ng katawan.
Nangyari ito sa akin nuong mag trabaho ako bilang dishwasher. Winter nuon kaya pumapasok ako na makapal ang suot dahil sa malamig at pag nagtatrabaho ka na mainit naman ang pumapasok sa katawan ko. Kaya paglabas ng building malamig naman , ilang buwan ganun ang nangyayari hanggang isang araw ay hindi na ako makatayo para pumasok dahil masakit ang parte ng likod ko. Ang misis ko naman nagtatrabaho sa bahay, naglilinis, nagliligpit, naglalaba at pagkatapos maliligo ng malamig. Kinabukasan masama na ang katawan , masakit ang ulo at nananakit ang balikat pataas sa batok. Ang dalawang halimbawang ito ay sitwasyon kung paano namin nakukuha ang "lamig o pasma" Ang misis ko ang madalas na lang na masama ang katawan at masakit ang ulo.
Dahil sa hindi natin ang alam ang teorya ng "lamig o pasma" kadalasan gamot ang iinumin natin ngunit nagagawa ito pero ganunparin bumabalik lang ang sintomas. Ang kailangan lang ay nasa isip natin ang teorya ng "lamig o pasma". Kapag malamig kailangan natin ang pagkaing mainit tulat ng mga sopas o iba para mabalanse ang lamig sa katawan. Kung naman maiwasan ang mga cold foods katulad ng melon, citrus at apple uminom ng hot tea para mabawasan ang lamig. Kapag tag init naman ay kainin ang mga prutas na ayon sa panahon.
Ang isang analogy, hindi natin ginagawa na ang isang baso ng mainit na tubig ay ilalagay sa freezer dahil ito ay puputok. Nangyayari ito dahil sa matinding temperatura. katulad din ng baso ang ating katawan. Ito ay nagkakaroon ng shock dahil sa dalawang magkaibang temperatura.
Ano ang mga dapat gawin para maiwasan ang "lamig o pasma" sa katawan?
1. Nirekomenda ng sumulat na si Ronnie na kailangan ang Omega3 o fish oil, 1000 mg twice a day upang mabalanse ang lamig sa katawan. Ito ang sekreto ng mga isdang nasa malamig na tubig katulad ng salmon.
Ang isang epekto ng malamig na enerhiya ay ang patuloy na pananakit ng ulo. Ang Omega3 na mayaman sa fish oil ay nagpapaginhawa dito.
2. Iwasan ang uminom ng malamig na tubig. Kung sakaling nakasanayan na kumain ng mga cold fruits kailangang uminom ng hot tea para mabalanse ang lamig sa katawan.
3. Magkaroon ng regular na masahe dahil ang epekto ng lamig sa katawan ay ang di paglabas ng mga toxins at ito patuloy na nadadagdagan at namumuo. Ang di pag alis ng lamig na ito ang nagdudulot ng sakit ng katawan o parte ng katawan o mabigat na pakiramdam. Ang namumong toxins sa ating katawan ay tinatawag ng mga therapist na "nodules" ito ay mga basura na nararamdaman natin bilang isang maliit na bukol na kailangang durugin upang magbigay ginhawa.
4. Ventosa ( cupping method) ay ang paggamit ng mga cup o baso para masipsip ang lamit at toxins ng katawan na namuo. Kailangan din ang masahe pagkatapos nito.
5. Acupuncture ay isa rin sa pinamabisang paraan para maalis ang init / lamig sa loob ng katawan. Mayroong parte sa ilalim ng tuhod na kung saan nakalugar ang meridian para maalis ang lamig o pasma.
6. Tamang pagkain at iwasan ang pagkaing nagdudulot ng lamig katulad ng mga cold foods.
No comments:
Post a Comment