Saturday, August 30, 2014

Nahihilo kapag nagbibiyahe

Isa sa nararanasang problema ng marami ay " Nahihilo kapag nagbibiyahe".  Nararanasan din ito ng aking kabiyak  at matagal tagal na rin niya itong sakit  na kapag nagbibiyahe siya ay "nahihilo siya at nagsusuka.  Bagama't natutunan na niya na kapag siya ay mag bibiyahe nag hahanda na siya ng gamot na babawas o kokontra sa kanyang pagkahilo at tuloy hindi rin siya masuka iniinom niya ay "bonamine".

Bagama't  may gamot na alam niyang kanyang iinumin kapag siya ay magbibiyahe hindi rin kabuoang  kalutasan  sa  pangamba sa biyahe ,  ito ay pansamantalang remedyo lamang kung kaya't nais niyang maunawaan "bakit ba nahihilo kapag siya ay nagbibiyahe at nagsusuka pa" ? Mayroong bang ganap na remedyo para hindi na maranasan ang motion sickness.

Ayon sa aking research ang pangyayaring pagkahilo at  tuluyang pagsusuka kapag nagbibiyahe ay  isa sa sakit na tinatawag na  "balance disorder "

 "A balance disorder may be caused by viral or bacterial infections in the ear, head injuries, or blood circulation disorders that affect the inner ear or brain. Many people experience problems with their sense of balance as they age. Balance problems and dizziness also can result from taking certain medications. Problems in the nervous and circulatory systems can be the source of some posture and balance problems. Problems in the skeletal or visual systems, such as arthritis or eye muscle imbalance, also may cause balance problems. However, many balance disorders can begin very suddenly with no obvious cause."

Mga tipo ng sakit na nakabilang sa balance disorder :  Vertigo
    Benign paroxysmal positional vertigo (BPPV)
    Labyrinthitis
    Meniere’s disease
    Vestibular neronitis
    Perilymph fistula
    Mal de debarquement syndrome (MdDS)

Batay sa nabanggit sa itaas, pwedeng  viral or bacterial infections sa tenga o may tama ang ulo o problema sa sirkulasyon ng dugo. Ang tao kapag nagkakaidad ay nagkakaproblema sa  "sense of balance". 

Malaki ang kaugnayan ng pagkahilo o balance disorder sa loob ng tenga dahil isa sa bahagi nito ang gumagampan ng pagbabalanse na kailangan ng ating katawan. Ito ang labyrinth. Ano ang labyrinth ??

"Our sense of balance is primarily controlled by a maze-like structure in the inner ear called the labyrinth, which is made of bone and soft tissue. The semicircular canals and otolithic organs within the labyrinth help maintain our balance. The cochlea within the labyrinth enables us to hear. "




Ang sakit na sa pagbibiyahe na pagkahilo " ay tinatawag na motion sickness" , tinatawag din itong "sea sickness" or "car sickness". Ito ay isang karaniwang gumagambala sa loob ng tenga na kadalasang paulit ulit na galaw, kung nasa dagat ay parang alon, galawa ng sasakyan, o ang galaw ng hangin sa eroplano. Ang mga sintomas ng "motion sickness" ay pagkahilo at pagsusuka, pagpapawis at masamang pakiramdam.  Ang nangyayaring ito ay sanhi ng problema sa "inner ear" ( labyrinth) na nagkakaroon ng pagbabago sa pagbabalanse ng katawan sa paligid.

DAHILAN NG "MOTION SICKNESS" - mayroong signal na iba iba na natatanggap ng utak, ng mata at ng "inner ear" ( semi-circular canals). Kapag hindi mo nakikita ang galaw na dapat na nararamdaman din ng katawan o kapag hindi nararamdaman ng katawan ang nakikita ng mata, siguradong ang utak ay makakatanggap ng iba ibang signal kaya't ang isang tao ay magkakaroon ng sintomas ng "motion sickness".. 

Batay sa research sa web matagalan ang maging proseso upang matuklasan kung paano tuluyang maaalis ang "motion sickness" kung kaya't ilang remedyo lamang ang mga mungkahi para mabawasan ang mga sintomas ng "motion sickness" 

REKOMENDASYON; 

  1. Kapag nagbibiyahe palagiang tiyakin na nakikita ng mata ang galaw na nararamdaman ng katawan at inner ear. 
  2. Sa kotse , umupo sa harapan at tingnan ang malayong tanawin kapag nagbibiyahe na.
  3. Sa barko o sasakyang pandagat pumunta sa taas o deck at pag masdan ang galaw na tinutungo ng sinasakyan.  
  4. Sa eroplano umupo sa tabi ng bintana at tumingin sa labas. Pwede ding umupo malapit sa pakpak ng eroplano na kung saan ang galaw ay di gaanong naramdaman.   
  5. Huwag magbabasa habang nagbibiyahe at huwag umupo sa sasakyan na nakatalikod sa tunguhin ng sasakyan.  
  6. Huwag tingnan o  makipagusap sa isang taong mayroon ding sakit na motion sickness. 
  7. Iwasan ang malakas o matitingkad na amoy gaya ng spicy o ma grasang pagkain na ayaw mo (bago at sa oras na ikaw ay nagbibiyahe)  
  8. Ang medical research ay sinusuri pa ang mga nakakatulong daw sa motion sickness katulad ng "soda crackers", 7 up or cola syrup. Ganundin ang "luya" ay isa rin daw na nakakatulong. 
  Bukod dito kakailanganin pa rin ang gamot na    irerekomenda ng duktor bago magbiyahe. 

No comments:

Post a Comment