Stress o tensyon ay isa sa reaksyon na nangyayari sa katawan ng isang tao. Kapag ito ay di napanghawakan naaapektuhan ang kalusugan at lumalala ito at nagkakaroon pa ng ibang sakit kagaya ng sakit sa puso.
ANO BA ANG STRESS ( tensyon) ayon sa wikipedia ;
Ito ay isang pangyayari na kung saan ang isang organismo - tao o hayop -ay umaangkop ng tama sa emosyunal o bantang pisikal, ito man ay naiisip lang o aktuwal. Sa isang pangyayaring may tensyon nagaalarma ang katawan at nag -prodyus ng adrenaline bilang isang "coping mechanism". Nakikita din ang stress o tensyon sa pagkapagod, pagging irritable, tension ng mga parte ng katawan, di makapag pokus at iba pang reaksyong pisikal katulad ng pag sakit ng ulo at pagtaas ng pintig ng puso ( heart rate) .
Ang stress o tensyon ay natural na reaksyon ng katawan pisikal at emosyunal . Kaya't dahil ito ay bahagi ng isang pangyayari sa katawan ng tao ang kailangan dito ay i-manage. Kung walang stress o tensyon ang buhay ay mapanglaw at walang excitement. Ang stress ay isang pampalasa sa buhay, isang hamon at oportunidad. Subalit ang sobrang stress o tensyon ay nakakaapekto sa pisikal at mental na katayuan ng isang tao. Kung kayat dapat magamit mo ang stress para sa iyong katauhan at hindi stress ang sumira sa iyo.
Ang stress at tensyon ay ibat iba sa bawat isang tao. Maaring ang isang bagay ay nakaka- relaks sa iyo ngunit nakaka - stress naman sa iba. Halimbawa , sa isang executive na nasa beach ay nag rerelaks at nakakatulong ito sa kanya para maalis ang stress na nakukuha niya sa kanyang gawaing pang opisina. Ngunit kung sa iyo na wala namang trabaho , ang pagrerelaks sa beach ay maaring pagsasayanglang ng oras at nakaka - stress sa iyo dahil sa kawalan ng ginagawa kaya't apektado ka o "emotionally stress" ka. Ang sobrang "emotional stress" ay nagdudulot ng pisikal na sakit kagaya ng pagtaas ng presyon ng dugo, ulcers o sakit sa puso. Ang pisikal stress na gawain o pag eehersisyo ay di nagdudulot ng mga sakit na nabanggit. Ito ay nakakatulong para ma- relaks at mapanghawakan ang mental o emosyunal stress.
Para magamit ang "stress" para makinabang ang katawan at hindi maging "distress"dapat ay maging handa ang iyong reaksyon sa anumang magiging "stressful events". Ang katawan ay umaaksyon batay sa stress sa tatlong yugto

(1) alarma (2) pag laban o pagangkop (3) pagkapagod
Tingnan natin ang halimbawa sa isang ordinaryong nagmamaneho at pangkaraniwang dumadaan sa traffic lights. Kung may isang sasakyan na biglaan na lang tumigil sa harap niya, ang magiging alarma ng katawan ay pagkatakot sa aksidente, pagkagalit sa driver at pagkalumo (frustration). Ang kanyang katawan bilang reaksyon ay maglalabas ng "hormones" sa kanyang dugo kung saan ay mamula ang kanyang mukha, pagpapawisan siya, may maramdaman siya sa kanyang sikmura, at ang kanyang mga braso at mga binti ay maninigas.
Imposible na mabuhay ng wala ang stress o distress pero posible naman iwasan ang distress at iwasan na ito para mabawasan ang epekto nito sa katawan at kalusugan.
Tulungan ang sarili ;
a. Magkaroon ng ginagawa kung ikaw ay inaatake ng nerbiyos, galit o pagkalumo . Ilabas ang namumuong pressure sa sarili sa pamamagitan ng ehersisyo o aktibidad na pisikal. Pagtakbo, paglalakad, paglaro ng tennis o paggawa sa hardin ay ilan sa mga aktibidad na maaring gawin. Ang pageehersisyo ay nakakatulong sa lumuwag ang pakiramdam na naninikip o naninigas na mag kalamnan, nag paparelaks at pinapalitan ang nakasibangot na mukha ng pag- ngiti. Tandaan na ang katawan at isip ay nagtutulungan.

b. Humanap ng kausap para maibahagi ang nangyayaring "stress" . Maaari itong isang kaibigan, miyembro ng pamilya , guro o counselor. Maari ding sumangguni sa isang propesyunal na psychiatrist psychologist, social worker o mental health counselor para maiwasan na lumala pa ang problema.
c. Alamin o tantiyahin ang iyong limitasyon. Kung di mo maresolba ang problema sa kasalukuyan , tanggapin muna ito pansamantala at hintayin na maresolba ito sa mga susunod na araw huwag pilitin kung di naman kakayanin.
d. Alagaan ang sarili , magkaroon ng sapat na pahinga at pagkain. Kapag ikaw ay iritable at tensyonado dahil sa kulang ng tulog o kung kulang ka sa pagkain wala ka sa kondisyon na harapin ang mga sitwasyong magbibigay ng stress. Kung ang stress ay palagiang di ka pinatutulog kailangang isangguni mo ito sa duktor.
e. Magkaroon ng oras sa kasiyahan. Itakda ang oras para sa trabaho at recreation, Ang paglalaro ay dapat kasing importansiya ng iyong kalusugan katulad ng iyong trabaho. Isa sa nakakaalis ng pagkainip ay pagpunta na kung saan nanduon ang maraming tao at nagkakatuwaan. Ang pag iisa ay nagdudulot ng frustration, imbes na tingnan ang sarili na may kakulangan o nalulungkot makihalo sa ibang grupo at makisali. Sumali sa mga organisasyong tumutulong sa ibang tao ito ay makakatulong na may makilalang iba at masiyahan sa mga aktibidad.
f. Suriin ang iyong mga gawain, Ang naisin na gawin lahat ang mga gawain ng sabay sabay ay tila nakakabigla at posibleng mag resulta ito na hindi mo magawa at kahit anuman. Ang dapat ay magkaroon ng listahan ng mga gawain, at isagawa ito ng isa isa. Bigyan ng prioridad ang pinakaimportante at ito ang unang gawin.
g. Dapat ba na paligaan ka na lang tama? Kinaiinisan mo ba ang ibang tao? lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto mong mangyari. Dapat na subukan mo ang kooperasyon bago ang komprontasyon. Mas mainam ang palagiang nasa tama kaysa nakikipaglaban para sa tama.
Ang pagbibigayan ng bawat isa ay nakakabawas ng sigalot at nagresulta ng pagiging komportable sa isat isa.
h. Tama lang na umiyak, Ang pagiyak ay nagbibigay ginhawa para maalis ang pagduda at maari ding makaalis ng sakit ng ulo o sakit ng katawan. Ang paghinga ng malalim ay nakakaalis din ng tensyon. Paglaruin ang isip sa magagandang tanawin, maari ka ring pumunta sa ganitong lugar. Ang mga ito ay nakakatulong makaalis sa mga sitwasyong nakaka-stress. Maari ding magbasa ng mga libro o tumugtog ng musika upang makaramdam ng katahimikan at kapayapaan.

i. Iwasan ang paggamot sa sarili , bagamat mayroong nabibiling gamot para maalis ang tensyon, hindi ito nakakaalis ng pinagmulan ng tensyon. Maari pa ngang maging habit-forming ang pag inom ng binibiling gamot at di maging epektibo ito, na lalong mag bunga ng dagdag na "stress" kaysa makaalis. Dapat ay may payo ng mga duktor ang pag inom ng mga gamot.
No comments:
Post a Comment