Thursday, May 14, 2015

Paghina o paglabo ng mga mata

Lahat tayo ay papunta sa pagtanda  at sa yugtong ito ng buhay may mga mararamdaman ka nang malaking pagbabago sa iyong katawan.  Bagama't  may ibat ibang lakas ang bawat isa sa kanyang pangangatawan  mayroong idad 60 , 70 o 80 na  malalakas pa.  Mayroon pa ngang lola na ay nakakatakbo pa sa mga marathon.  Idad na 75 na nag- babaras pa , 100 push ups.  Pero mayroong mga  50 pa lang ay hindi na makatayo  o kailangang akayin pa.  Iba iba nga ang DNA o komposisyon ng mga pangangatawan ng bawat isang tao. 

Ang partikular na bibigyan ko ng pansin ay ang aking mga natutukoy na mga kahinaan. Ano ang mga pagsusuri sa  kalagayang ito  at paano i-manage sa sarili kong pagtingin ; 
  •  Paghina ng paningin - ang mata ay isa sa pinakamahalagang parte ng katawan dahil sa ito ay nagbibigay sa iyo ng  kumpiyensa sa sarili na kung wala kang nakikita  marahil ay palagi kang nasa depresyon .  Ang pag tingin sa mga bagay- bagay , mga tao at paligid ay nagbibigay sa iyo ng kabuoan  dahil sa nakikita mo ang kulay , laki , texture at iba t ibang karakter ng isang bagay. Nabubuo sa iyo ang larawan , na kung di mo ito nakikita marahil malaki ang magiging kulang sa iyong isipan kung ano ang bagay na iyong mahahawakan lang.  Ang pagkakaroon ng mata na iyong nagagamit  ang tumutulong sa iyo sa pang araw araw na iyong gawain.  Tila ang hirap isipin na kung nasanay  ka na gamit ang iyong mata  ay bigla na lang itong mawawala o  unti unti itong lumalabo hanggang mawalan ka ng paningin. 

Sa aking pagsusuri malaki ang naging epekto ng pag bawas ng aking 20 -20 vision sa paggamit ng computer.   Nararamdaman ko ang paglabo nito sa batayang  kailangan nang mag suot ng "eye glasses" na may grado.  Sa taon taon ay kakailanganin mong magpalit ng salamin dahil sa tumataas ang grado nito.  Lalo na't hindi mo maiiwasan na kailangang gumamit ng computer dahil sa pangangailangan.

Sa aking pagka idad tila huli na para bigyang pansin na dapat na ibalik ang sigla ng aking pananaw na kung maari nga ay maging 20 - 20 vision uli.  Pero kailangan ngang  bigyan ng pansin ang pagpapalakas ng pananaw ng mga mata kahit  may idad ka o bata ka pa.  Ang mahalaga ay isaayos ang pagtingin , palakasin ang kakayahan pa ng mata at maiwasan ang mga sakit na maaring lumabas sa panghina ng mga mata katulad ng katarata at glaucoma. 

Sa aking kondisyon wala pa namang pagsasabi ang duktor na ako ay magkakaroon ng katarata, bagamat may nagsabi na posible ang glaucoma. 

( Ang glaucoma ay isang kondisyon na pagkasira ng mga optic nerves sa mga mata. Ito ay inuugnay sa pagtaas ng presyon sa loob ng mata. Kapag tumaas ang presyon nasisira ang mga optic nerves. Ang mga optic nerves ang nagpapadala ng mga imahen sa ating mga utak. Kapag hindi naagapan ang presyon sa loob ng mata, ito ang nagreresulta ng pagkabulag.)

Nagkakaroon ng pagtaas ng presyon sa mga mata kapag ang likido na dumadaloy sa mata na tinatawag na "aquoes humor" ay nagkakaroon ng bara dito nagkakaroon ng glaucoma. Ayon sa mga duktor di alam ang sanhi, dahil pwede daw itong minana, nagkaroon ng impeksyon ang mga mata, nagbara ang mga ugat sa mata,o dahil sa pagkakaroon ng operasyon ang mga mata. At ayon sa mga duktor ito ay maaring maayos sa pagpatak ng mga eye drops, laser surgery at micro surgery. 

Sa usapin ng panggagamot ng natural may rekomendasyon na gumamit ng gingko biloba o medical marihuana. Sinasabi ding ang mg anti-oxidants na mga pagkain galing sa mga prutas at gulay ay makakatulong sa glaucoma ngunit di raw ang maiwasan ang pagkabulag. 

Paano ko i-manage ang nararamdaman ko nang pagkahina o paglabo ng mga paningin ng mata;

1. Tulong ng pagsasaliksik  Sinasabi sa ilang mga artikulo na hindi nakakatulong ang pagpapalit ng salamin kada pagbisita sa mga optometrist dahil hindi binibigyang solusyon ang paghina ng paningin. Tinutukoy nito na ang mata ay dumadaan sa "macular degeneration" na nagreresulta ng pagkabulag ito ay sinasabi na dahilan ng kakulangan ng "saffron" kung kayat nirerekomenda nito ang Saffron supplement para sa kalusugan ng mata..
http://livingtraditionally.com/5-ways-corrective-lenses-break-eyesight-improve-vision-naturally-1/

2. May mga artikulo din na nagsasabi na ang paghina ng mga paningin ay sa dahilang paghina ng mga masel sa mga mata kung kaya't may pangangailangan na palakasin ang mga masel ng mga mata para di tuluyan itong humina. http://buynongmoseeds.com/how-to-see-without-glasses-no-matter-how-bad-your-vision-is/ 

3.  Ang ilan sa mga tips para sa pangkaraniwang pangangalaga sa mga mata. http://www.healthdigezt.com/tips-in-handling-common-eye-injuries/ 
  
4. May mga prutas , gulay at mga herbs na maaring kainin para sa kalusugan ng mga mata. 
 http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2014/05/05/foods-eyesight-improvement.aspx


Bilang pagsusuma  ang mga nasaliksik na mga "sites" ay makakatulong sa pag aalaga sa mga mata para maiiwas ito sa macular degeneration, katarata at maging sa glaucoma.  Pero mahalaga sa lahat ay  kumunsulta sa espesyalista sa mga mata.  Kahit wala pa ang pag kunsulta sa mga espesyalista ay maaari rin naman na  gabayan ang sarili sa mga tamang pangangalaga sa mata at ang pagkain na  tiyak na pagpapalakas ng paningin at mag protekta sa mga mata.


 
     

Saturday, May 2, 2015

Karanasan sa Walk In Clinic

Ang karanasang ito sa walk in clinic ay nangyari  sa akin.  Nais ko lang isulat ang karanasang ito upang masuri ng mga mambabasa ang sa palagay ko ay isang kahinaan sa sistema ng pagpapatingin sa walk in clinic. 

Nangyaring  nagpunta ako sa walk in clinic  dahilan sa sumasakit ang kanang parte ng aking tuhod. Ang aktuwal na sumasakit ay ang gilid sa kanan na kung saan nanduon ang tendons ng parte ng ating katawan sa binti ;  

















Sa larawan sa itaas  makikita  na ang parte na may nararamdamang sakit ay ang "Tendons"     

Ang pagsakit ng kanang paa sa may lugar ng " tendons" ay nangyayari  lamang sa tuwing malayo na ang  aking paglalakad.  Ang trabaho ko ay  pag -estimate at paglalagay ng quotation sa mga bahay . Ang quotation ay tungkol sa paglilinis ng  mga " salaming bintana" at mga gutter . Nararamdaman ko ang pagsakit ng tuhod  kapag umabot na ang paglalakad sa ika - limang oras ibig sabihin ay marami nang bahay ay naikot at nabigyan ng quotation. 


Isinagawa ko ang pagkunsulta  sa "walk in " doctor para maikunsulta ang pananakit na ito. Sa aking pagkunsulta ay kinuwento ko at sinabi ang dahilan ng pagkunsulta  at paano ko nararamdaman ito. Sinabi ko rin na kapag napahinga na  nawawala na ang pagsakit. 

Ang ginawa ng duktor ay  tiningnan ang  kanang tuhod , tiningnan ang lugar na masakit . Sabi niya ay nasa lugar naman daw  ang tendons. Kaya ang sabi niya ay bibigyan ako ng gamot , hindi naman daw ito matapang at kailangang  inumin ng dalawang linggo.  Kakailanganin lang na bumalik ng pagkatapos ng isang linggo  para malaman kung ano na ang development.  Ang gamot na ibinigay ng duktor  ay  " co- meloxicam " . 

May pagdududa na ako sa gamot na ibinigay  kaya para masiguro ay nag online ako at hinanap kung ano ba itong gamot na "co-meloxicam" at nakita ko na ito nga ay anti inflammation drug o paglaban sa pamamaga  ngunit ito ay mas pa binibigay sa may  "osteo athritis o rheumatoid athritis" . bukod dito  may mga side effects ito sa liver at kidney , bawal din sa may dating sakit sa liver at high blood pressure.  

Sa  pangyayaring ito na aking pagkunsulta at  sa ibinigay na gamot napatunayan ko na may kulang sa pag eksamen ng duktor  una , paano niya na siguro na mayroon akong athritis  ni wala namang laboratory man lang  at yung gamot  na ibinigay ay ayon sa kanyang  konklusyon na ang masakit sa akin  ay dahil sa athritis.  Sa pagbibigay ng gamot , hindi rin niya alam na mayroon akong high blood at  may dating naging sakit sa liver , eh di parang lihis  o  pagkita lamang ang pakay niya at hindi pagpapagaling sa pasyente. 

Kung hindi ako conscious sa  aking kalusugan at di mapagsuri sa  mga pagtingin , resulta at ibinibigay ng  duktor  mas lalo akong magkakasakit .  Dahil dito hindi ko iniinom ang gamot mas duon na ako sa  pagkain na  magpapalakas at tutugon sa parte ng katawan na mahina sa akin kaysa magsapalaran  sa  isang gamot na ibinigay na walang batayan.  


Saturday, April 18, 2015

Sakit sa Tuhod

Sa mga nakaraang artikulo nilathala natin ang athritis bilang isa sa nagiging sakit sa tuhod ngunit mayroon ding sakit sa tuhod na dulot naman ng paglalakad o pagtakbo.  Ang pagsakit ng tuhod na aking sinasabi ay dulot ng sobrang paglalakad dahil sa  ito ay kailangan na bahagi ng trabaho na aking ginagawa sa ngayon.  Mas partikular ang pagsakit ng tuhod sa gilid ng tuhod , tingnan ang larawan sa ibaba; 








Partikular sa gilid ng kanang tuhod ko nararamdaman ang discomfort at hindi naman masakit ngunit posibleng lumalala ito kung hindi bibigyan ng panggagamot.   Sa larawan makikita na mayroong mga "tendons" na nakakabit sa mga buto , kayat ang posibleng pinagmumulan ng sakit o discomfort ay pagkiskis ng tendons sa mga buto. 


Sa aking pagsasaliksik sa mga posibilidad na pinagmumulan ng pananakit ay ; 


Iliotibial Band Syndrome -   ang sakit na ito ay ang sobrang gamit sa "tendons" na mas nararanasan ng mga cyclist, runners at ang mga long distance walkers. Ang sakit ay nararamdaman sa gilid o labas ng tuhod na nasa ibabaw ng joint. 
Ang discomfort na dulot ng sakit ay pumipigil sa partisipasyon ng sinumang mayroong ITB . 



Ano ba ang Illiotibial Band Syndrome ? 

Ang ITB ay mahabang tendon ( litid ) ito ang nagdudugtong ng masel sa buto. Nakadugtong ito mula sa itaas ng pelvis (balakang) na tinatawag na tensor fascial lata. Ang ITB ay nasa gilid ng hita at naka konekta sa labas na nasa gilid ng tibia na nasa gitna ng knee joint.  Kapag nakabaluktot ang tuhod o diretso , dumadaosdos ang tendons sa gilid ng "female condyle" . Ang bursa ay tila isang lalagyan ng mayroong "fluid" na nagpapadulas upang maiwasan ang pagkiskis o friction. Ang bursa ay nasa pagitan ng femoral condyle at ITB. 



Paano nagkakaroon ng ITB?

Ang ITB ay normal na nagpabalik balik sa lugar ng femoral condyle kapag ang tuhod ay nakabalutot at nakadiretso.  Nagkakaroon ng problema ang bursa o nagkakaroon ng "inflammation" kapag ang ITB ay nagsimulang lumagotok 
sa tuloy tuloy na paggalaw mula sa paglalakad, pagtakbo at pagbibisikleta. 

Sinasabi din ng mga eksperto na nararanasan ang ITB kapag mayroong ang mga sapatos ng mga runners ay tumatakbo sa mga "rugged terrain"  na kung saan ay di pantay ang mga tinatakbuhan. Mayroon ding tinatawag na foot pronation na nagdudulot ng ITB ( Pronation ng paa ay nangyayari kapag ang arch ng paa ay nagiging flat)

Ano ang maaring gawin na hindi surgical sa ITB ?
Ang kadalasang ginagawa kapag nararanasan ang ITB ay ang paglalagay ng  hot or cold compressed. Maari ding gamitin ang ultrasound para maalis ang sakit at pamamaga. 
Ang mga duktor ay magrerekomenda din ng "physical theraphy" na kung saan aalamin ang mga sintomas , history at  bigyan ng ebalwasyon.  Ang "stretching o pagpapatibay na ehersisyo at ang kumbinasyon na paggamit ng mga knee brace, kneecap taping o paglalagay ng shoe inserts para magkaroon ng balanse at join alignment ay malaking tulong,  Maari ding magpayo ang duktor tungkol sa  aktibidad na pag warm up at pageehersisyo, sapatos na dapat gamitin at pagpipili ng mga terrain na dapat na gamitin. 
Ang pinaka - worse na maaring irekomenda ng duktor ay ang injection ng cortisone. Isa itong anti inflammatory injection para maalis ang sakit at pamamaga. 
        

Sunday, April 12, 2015

Atake ng Pulikat o Cramps


Pulikat o cramps ay ang di inaasahang pag- contract ng mga masel sa larawan ito ay sa calf masel bagamat marami pa ring parte ng katawan na nararanasan ang pulikat. 

Kailan lang ay naranasan ko ito mula sa paguwi mula sa bakasyon .  Nakikita kong dapat na itong bigyan ng atensyon para maiwasan na maulit dahil sa katangiang ng bagong trabaho na mas madalas ang nakatayo at paglalakad.  Sa aking pagsisiyasat ay natukoy na sa nagkakaidad ay mas mararanasan ang muscle cramps dahil sa normal muscle loss ( atrophy) na nagsisimula sa idad na 40. Kayat kung nagkakaidad na ang mga masel ay di na makapagtrabaho na katulad ng mas bata pa at ang katawan ay di nakakaramdam ng pagkauhaw at pag angkop sa pagbabago ng temperatura. 

Read more: http://www.pinoymtbiker.org/forum/showthread.php?t=1353#ixzz3X5blHRW4"


Sa usapin ng pulikat ito ay nararanasan din sa mga ibang masel ( di kasama ang puso, baga at masel sa gitna ng mga hita)  Ang mga masel na naapektuhan ay ang ; 


Likod ng masel sa ibaba ng binti / calf , Likod ng hita ( hamstrings) , Harap ng hita(quadriceps))
Maari ding pulikatin sa kamay , tiyan at likod

Hindi eksaktong alam ang dahilan ng pag-atake ng pulikat o cramps  ,  ang ilang mga mananaliksik ay nagsasabing ang pulikat ay umaatake dahil sa kakulangan ng "stretching", pagkapagod na nagkakaroon ng abnormalites sa mekanismo na kumokontrol sa contraction ng masel.  Ang iba namang dahilan ay ang pagtatrabaho sa mga lugar na sobrang init, dehydration at pagkaubos ng  salt and minerals sa katawan ( electrolytes) 

Ang mga buntis ay nakakaranas din ng pulikat dahil din sa nakukuha ng bata sa kanyang sinapupunan ang mga minerals na para sa ina.  Ang atleta ay mas nakakaranas ng  atake ng pulikat sa oras o tuloy tuloy na ehersisyo o pagtapos nito. 


Pagiwas sa pag atake ng pulikat ; 

1. Itigil ang mga aktibidad na pinagmumulan ng pulikat  

2. I stretch o masahihin ang lugar na inatake ng pulikat,  i stretch ang lugar na kung saang masel
  umatake ito (  patulong sa isang kaibigan para magawa ito) 

3. Maglagay ng mainit/ sa mga tight muscles o  malamig sa mga sore/tender muscles. 

Para maisawan pa rin ang atake  regular na magkaroon ng  flexibility exercises bago at pagkatapos ng  pag tatrabaho sa lugar na kung saan mas posible ang atake ng cramping.  Palagiang mag warm up bago  mag stretching. 

Iban pang dapat tandaan sa pag iwas sa atake ng pulikat 

1. Palagiang uminom ng maraming tubig lalo na kung mayroong mga strenous activities 
  
2.  Uminom ng mga fresh fruit juices kung mag tatrabaho sa initin o mas mahabang oras ( ang pagkain din ng  saging ay isang mabisang  taktika dahil sa potassium na taglay nito ) 


Mga ehersisyo para sa  masel sa calf at hamstrings 


Pre ride stretch ( i repeat... before the ride ;D)
Calf muscle stretch: In a standing lunge with both feet pointed forward, straighten the rear leg. (Repeat with opposite leg.) 

Hamstring muscle stretch: Sit with one leg folded in and the other straight out, foot upright and toes and ankle relaxed. Lean forward slightly, touch foot of straightened leg. (Repeat with opposite leg.) 

Quadriceps muscle stretch: While standing, hold top of foot with opposite hand and gently pull heel toward buttocks. (Repeat with opposite leg.) 



Read more: http://www.pinoymtbiker.org/forum/showthread.php?t=1353#ixzz3X5dI881Z



Friday, April 3, 2015

Napatunayan na walang vertigo at diabetes

Sa nakaraang mga artikulo naiambag namin dito  ang pagtalakay sa  mga nararamdamang sakit ng aking  asawa  katulad ng vertigo , allergy , diabetes at  athritis.  Sa patuloy na pagsubaybay , pagbibigay ng kaalaman tungkol  sa mga sakit at mga natural na paggamot   nalagpasan  ang ilan  katulad ng  vertigo , arthritis sa leeg at diabetes.

Ang vertigo  nuon  ay suspetsa na isa  sa pinagmumulan ng  pagkahilo ng aking  kabiyak.  Kasabay dito ang  pagsusuka at pagsama ng katawan,  kapag  nagbibiyahe sa sasakyang naka aircon o sarado Ang vertigo  ay di napatunayan sa ginawang eksamen ng duktor sa UST . Sa patuloy na pagsusuri sa ano ang pinagmumulan ng vertigo nasabi na lang ng duktor na mahina ang kanyang naturalesa katulad din ng nararamdaman nitong allergy. 

Sa aming pagsasaliksik  natuklasan namin na ang makakatulong sa pagkahilo  ay ang luya. Kung kayat dahil dito palagian na lang na umiinom ang aking kabiyak ng pinakulong luya o salabat para sa pagbibiyahe at ganun din para sa allergy.  Ito ay napatunanayang nakatulong dahil sa palagiang pagbibiyahe niya kasama ako nuon ay hindi niya naramdaman ang pagkahilo , pagsusuka at pagsama ng katawan.

Sa usapin naman ng athritis , natukoy na mayroong athritis ang aking kabiyak sa leeg , kung kayat ang naging remedyo dito ay ang isinagawang theraphy ng duktor at pinayong patuloy na mag ehersisyo.  Dagdag dito ay ang patuloy na pag iwas sa mga pagkaing magpapataas ng uric acid. Ang athritis naman ay nalagpasan at di na sumasakit ang kanyang batok , ngunit ang athritis ay tila di ganap na  naalis dahil sa mayroon din siyang nararamdaman sa tuhod , patuloy lang na ito rin ay nilalapatan ng  turmeric na iniinom.  

Tungkol naman sa diabetes  nagkaroon siya ng pagtatas ng glucose nuong mga nakaraang taon at na hospital din siya dahil dito.  Uminom siya nuon gamot na "metformin" hanggang sa sobrang bumababa naman ang kanyang glucose . Inalagaan din niya ang  kanyang pagkain  at umiwas sa mga pagkaing magpapatas ng kanya " blood sugar".  Nangyari na sa huling mga pag kunsulta niya sa duktor  binanggit ng duktor na  siya ay hindi na dapat uminom ng metformin dahil sa wala na nga siyang diabetes kung kayat  ito ay kanyang ginawa. 

Pinatunayan din sa  ilang laboratory examination na siya ay walang diabetes ayon sa resulta ng laboratory ayon sa duktor na bumasa ng resulta at nagbigay ng kanyang opinyon, ito ay isinagawa nitong Marso lamang 2015. 


              Ang pagsusuring ito ay mula sa resulta ng laboratory result , dalawa ang ginawang procedure
              una  ang pag kuha ng dugo sa kanya at pagsusuri sa blood sugar.  At ang ikalawa ay pagpa-
              painom sa kanya ng  juice  at pagkatapos nito ay ang pagkuha muli ng dugo para tingnan
              kung ano ang kanyang blood sugar  level. 

              Bago pa ang isinagawang dalawang tusok na tinatawag , mayroon nang resultang
              pinagbatayan ang duktor o endoctrinologist na ang blood sugar ng aking asawa ay 100 , ang
              ibig sabihin nito ay  nasa pre- diabetes siya o nasa middle, kung kayat  kakailanganin ang                     dalawang tusok na pagsusuri ng dugo para mapatunayan na mayron nga siyang diabetes.





               




 



Sa usapin ng diabetes napatunayan na sa pamamagitan ng herbal na paggagamot , pagiwas sa mga pagkaing matatamis  at pagkain ng gulay o isda ay maiiwasan ang diabetes , pero nandyan pa rin yan at posibleng bumalik kung ang dating lifestyle ay ibabalik.  Dahil sa pangyayaring nagkaroon na nga ng pagtaas ng sugar , sinasabi na ng katawan na may kahinaan na rin ito na kailangang mas lalong pangalagaan dahil ang mga organs o parte ng katawan na nag bibigay ng asukal na kailangan ng katawan ay  hindi na katulad ng dati na malakas pa ito,  kailangang tulungan na ito na hwag mahirapan sa pamamagitan ng pagkain ng tamang nutrisyon, ehersisyo at herbal na pagkaing katulong ng pag produce ng asukal para sa katawan. 


Mga personal na  maaring gamitin sa pag tingin kung mataas ang sugar level ;

                      
       


Wednesday, April 1, 2015

Pagkatapos ng 'RASPA" pinapasukan ba ng lamig?

Mayron din katagalan na di  kami nakapag lathala ng artikulo dito sa "Search for Personal Health" dahil  sa  kami ay nasa bakasyon.  Sa muling pagbalik aral sa mga artikulong nailathala dito isang  ambag, komentaryo o tanong  ang nakatawag sa amin ng pansin at ito ay ang tungkol sa "raspa"

Ito ang komentaryo ng isa sa ating mambababasa ;


Artheza Zafico

1 week ago  -  Shared publicly
Hi po. Share ko lng . Kase i was preggy pero na radpa ako one month ago na .. after nun page nako nilalamigan . Di ko maintidihan pakiramdam super crapms ung puson ko after ko maligo pag labas ko banyo masakit n . Sabi nmn ng doc ko di daw ung kabag kase malayo po ang bituka sa ovary pero ung sakit nia po kakaiba di n ko maka exhale masakit ung buong taun ko hagang sikmura tpos pag pinapahirapan ko po ng oil mejo nawawala tpos massage po pababa pag nag buburf po ako and ng lalabas ng gas or (utot) po umiimpis po ung skit nia. San ko po ba nakuha un pasma po ba ung katawan ko di nmn po ako ganito date masakit po ulo tpos masakit po sa balakang na parang na poo poo po ako pero gas lng po lumalabas parang paro paro umiikot ung hangin sa loob ng tyan ko pag tinatapi ko po ung likod ko ng buburf po ako . Once i tried to drink sprite para mag burf ako di po xa malamig kaso wala pren po . Di rin po ako umiinom ng cold o kumakain . Actually sa morning warm water with lemon pa po ung water ko .... nag sauna po ako nging ok po xa pero may araw po na ganun xa lalo n po kapag naka open aitocon or fan .... :( nag pa cehck up nko kaso di nmn po advice ung buscupan ;( 


Bilang paglilinaw  nais  po ni Artheza Zafico na maintindihan kung ano ang nangyayari sa  kanyang katawan na pagkagaling sa "pagkakaraspa"  ay lumabas na ang mga pananakit,  paging kabagin at di niya  malaman ang  kanyang gagawin. 

Ang  mga artikulo dito sa "Search for Personal  Health"  ay  hango sa mga aktuwal na mga  karanasan at hindi mga payong bilang duktor o  naghahatol ng mga gamot , kung  kaya't   dapat kumunsulta sa  dalubhasa o mga duktor kaugnay ng anumang nararamdaman  sa katawan na nagbibigay ng pahirap, sakit at pagdududa.  


Kung  kayat  ang  aming  maibabahagi  ay kaalamang nabababasa na rin sa mga libro at internet dagdag lang dito ay  mga karanasan na  maaring  kapulutan  ng aral , dahil batay sa karanasan. 

    Ano ang Raspa  ?  refers to the dilation (widening/opening) of the cervix and surgical removal of part of the lining of the uterus and/or contents of the uterus by scraping and scooping (curettage





Batay sa  depinisyon ng raspa  , ito ay ang paglilinis o pagtatanggal ng isang bagay na nasuri ng duktor  sa loob ng "uterus " na  makakaapekto sa kalusugan ng babae o katawan sa kabuoan. 
Ang raspa  ay  masasabi ring katulad ng panganganak  dahil sa kailangang ibuka ang cervix na kung saan dumadaan ang bata na  dito man ay  magkakaroon ng  surgery o pagtanggal ng bagay sa lining ng uterus o pag scrape o pag scoop.  


Kaya kung nanganak ka o na raspa , ayon sa karanasan na ginagawa ng mga matatanda na ang bagong  panganak ay dapat hindi naliligo sa loob ng siyam na araw  at ang pinanghuhugas sa "puke"  ay  pinakulong dahon ng bayabas at ang iniinom ay  maligamgam na tubig.  Kaya mainit na tubig  ay dahil sa papasukan  ang katawan ng lamig.  Pagkatapos  ng  siyam na araw  maari na siyang maligo ng  pinakuluang dahon ng bayabas at  sinusuob ang babae  na ginagamitan ng singaw ng pinakuluang dahon ng bayabas.   Ang ibig sabihin  ng suob ay paglalalagay ng balde ng  pinakuluang  dahon ng bayabas  sa ilalim ng upuan na butas na kinalulugaran ng babae. 

Ang sumusunod sa pagliligo at pagsusuob  hinihilot naman ang katawan lalo na sa puson. Ang paghihilot ay mula ulo hanggang pababa at  mas binibigyan pansin  ang balakang at puson. Ayon sa  matatanda ay binabalik ang dating hugis ng balakang.  

Sa naging karanasan ng ating mambabaasa  dapat lang na tuloy tuloy pag suob  para maiwasan ang lamig na  sa kanyang naikuwento  tila nagpasuob na rin siya sa sauna . Ito ang lumilitaw na modernong  paraan ng "pagsusuob"    na  kung saan  ay nakaupo ka ng ilang oras at mayroong lumalabas na usok o singaw ng mainit  na  nagpapasingaw sa iyong katawan para ikaw pagpawisan  o ilabas ang toxic  sa katawan. Tandaan pa rin na huwag unimom ng tubig na malamig o ipalit ay mga "tea" para sa  pag alis pa rin ng lamig sa katawan. 

Kung kakayanin at nais na personal na magkaroon ng sariling sauna sa bahay maaring bumili ng 
mga portable sauna isa itong halimbawa