Pulikat o cramps ay ang di inaasahang pag- contract ng mga masel sa larawan ito ay sa calf masel bagamat marami pa ring parte ng katawan na nararanasan ang pulikat.
Kailan lang ay naranasan ko ito mula sa paguwi mula sa bakasyon . Nakikita kong dapat na itong bigyan ng atensyon para maiwasan na maulit dahil sa katangiang ng bagong trabaho na mas madalas ang nakatayo at paglalakad. Sa aking pagsisiyasat ay natukoy na sa nagkakaidad ay mas mararanasan ang muscle cramps dahil sa normal muscle loss ( atrophy) na nagsisimula sa idad na 40. Kayat kung nagkakaidad na ang mga masel ay di na makapagtrabaho na katulad ng mas bata pa at ang katawan ay di nakakaramdam ng pagkauhaw at pag angkop sa pagbabago ng temperatura.
Sa usapin ng pulikat ito ay nararanasan din sa mga ibang masel ( di kasama ang puso, baga at masel sa gitna ng mga hita) Ang mga masel na naapektuhan ay ang ;
Likod ng masel sa ibaba ng binti / calf , Likod ng hita ( hamstrings) , Harap ng hita(quadriceps))
Maari ding pulikatin sa kamay , tiyan at likod
Hindi eksaktong alam ang dahilan ng pag-atake ng pulikat o cramps , ang ilang mga mananaliksik ay nagsasabing ang pulikat ay umaatake dahil sa kakulangan ng "stretching", pagkapagod na nagkakaroon ng abnormalites sa mekanismo na kumokontrol sa contraction ng masel. Ang iba namang dahilan ay ang pagtatrabaho sa mga lugar na sobrang init, dehydration at pagkaubos ng salt and minerals sa katawan ( electrolytes)
Ang mga buntis ay nakakaranas din ng pulikat dahil din sa nakukuha ng bata sa kanyang sinapupunan ang mga minerals na para sa ina. Ang atleta ay mas nakakaranas ng atake ng pulikat sa oras o tuloy tuloy na ehersisyo o pagtapos nito.
Pagiwas sa pag atake ng pulikat ;
1. Itigil ang mga aktibidad na pinagmumulan ng pulikat
2. I stretch o masahihin ang lugar na inatake ng pulikat, i stretch ang lugar na kung saang masel
umatake ito ( patulong sa isang kaibigan para magawa ito)
3. Maglagay ng mainit/ sa mga tight muscles o malamig sa mga sore/tender muscles.
Para maisawan pa rin ang atake regular na magkaroon ng flexibility exercises bago at pagkatapos ng pag tatrabaho sa lugar na kung saan mas posible ang atake ng cramping. Palagiang mag warm up bago mag stretching.
Iban pang dapat tandaan sa pag iwas sa atake ng pulikat
Iban pang dapat tandaan sa pag iwas sa atake ng pulikat
1. Palagiang uminom ng maraming tubig lalo na kung mayroong mga strenous activities
2. Uminom ng mga fresh fruit juices kung mag tatrabaho sa initin o mas mahabang oras ( ang pagkain din ng saging ay isang mabisang taktika dahil sa potassium na taglay nito )
Mga ehersisyo para sa masel sa calf at hamstrings
Pre ride stretch ( i repeat... before the ride ;D)
Calf muscle stretch: In a standing lunge with both feet pointed forward, straighten the rear leg. (Repeat with opposite leg.)
Hamstring muscle stretch: Sit with one leg folded in and the other straight out, foot upright and toes and ankle relaxed. Lean forward slightly, touch foot of straightened leg. (Repeat with opposite leg.)
Quadriceps muscle stretch: While standing, hold top of foot with opposite hand and gently pull heel toward buttocks. (Repeat with opposite leg.)
Read more: http://www.pinoymtbiker.org/forum/showthread.php?t=1353#ixzz3X5dI881Z

No comments:
Post a Comment