Showing posts with label allergy. Show all posts
Showing posts with label allergy. Show all posts

Monday, October 16, 2017

EO's (essential oil) mula sa YL ( Young Living)

At last dumating din ang pinakahihintay na YL 
( Young Living ) package o tinatawag na PSK 
( Premium Starter Kit) .Naglalaman ito ng mga EO's 
( Essential Oils ) at mga  babasahin na gabay kung ano ang YL at paano gamitin ang mga EO's.  

Bagamat ang PSK ay nasa Canada , masisimulan na ang paggamit nito at pagpapaunawa sa nakararaming Pilipino man o hindi ng tunkol sa EO. Pwede naman sa online at mga EO's kung gagamitin o halimbawa sa aktuwal mayroon sa aking anak ng mga EO's 

Marami na ang naalwan o naginhawahan   sa paggamit ng mga EO. Tunay at napatunayan na ang mga EO's na ito ay para sa nakararami , bata at matanda. #EO's4all, #EOil4all, #PSK, #YLEO's






 Alam kong maraming mambabasa ang nais na maunawaan at lalong maginhawahan kung ano mang dinaramdam nito sa pang araw araw, kaya maghintay lamang sa susunod kong blog EO's4all o kung nais na sumapi na at magkaroon na rin ng sariling YLEO's i klik lang ang EO's4all at magkita tayo sa YL .


Wednesday, January 11, 2017

Palagian na lang bara ang ilong o sinusitis

Ang pagbabara ng ilong sa inglis ay tinatawag na "sinusitis" at kung palagian na lang itong nararamdaman  masasabing ito ay "acute sinusitis".  Kapag mayroong sinusitis nahihirapan ang taong huminga , nanakit ang palagid ng ilong , mata , mukha at nagdudulot din ng sakit ng ulo. Ang pagbabara ng ilong o pamamaga ng mga sinus ay nanggagaling sa infection,  allergy at iritasyon ng mga sinuses. 



 Sa larawan makikita at mahahambing ang  natural na mga sinus  at mayroong sinusitis . Sa larawan sa itaas  makikita na walang sipon " mucus"  ngunit sa ibaba makikita na mayroon nang sipon at nagkakaroon na ng pagbabara sa daanan ng mga sinus . Ang pamumuo ng sipon 'o mucus"  ay dahil sa mga allergy na naaamoy at nagreresulta ng infection , ang pagkakaroon ng mucus ay natural na reaksyon ng sinus , pagkakaroon ng "mucus" o sipon para labanan ang infection na dulot ng bacteria. 

Ang pagkakaroon ng sinusitis ay hindi na bago sa aking asawa dahil sa Pilipinas ,  maliit pa siya ay sipunin na siya at masasabing "acute sinusitis" na ang kanyang karamdaman na ito.  Nagbago lang ito ng  mapunta siya dito sa Canada . Malaking epekto sa di na pagsumpong ng kanyang sinusitis ay ang magandang klima dito sa Canada , nabawasan ang kanyang allergy na siyang nagdudulot sa kanya ng sinusitis.   Bagamat masasabing malaking kabawasan na ang di niya pagkakaroon ng sinusitis hindi pa rin ito nawala ng tuluyan  dahil ngayong sa panahon ng tag lamig o winter , di maiiwasan ang pagbabara ng kanyang ilong o masasabing  sumusumpong na naman ang "sinusitis" . 

Kayat dahil nga dito  kailangan magkaroon ng lunas sa kanyang pagbabara ng ilong at sa pagsasaliksik  natunghayan ang mga sumusunod na  impormasyon na posibleng makatulong partikular sa  amin ang natural na pagbigay ng solusyon sa mga ganitong karamdaman ay kinakailangan dahil  dito kailangan mo pang makipag appoint sa duktor at bibili ka pa ng gamot kaya dagdag na gastos.  At sa paniniwala sa natural na paggagamot mas binibigyan namin ito ng prioridad dahil sa maraming bagay ; 


"Mula sa facebook  http://www.healthyfoodhouse.com/mix-2-ingredients-say-goodbye-sinusitis-phlegm-flu-rhinitis/

The most common of these is sinusitis that represents inflamed and swollen sinuses, triggered by an allergic, bacterial, fungal, and viral infection. The most frequent symptoms of this condition are thick nasal mucus, headaches, cough, congestion, clogged nose, fatigue, and facial pain.
To resolve this health issue, there is no need to over the counter drugs and antibiotics. You can simply turn to the natural remedies and learn how to deal with this unpleasant condition once and for all:
The two ingredient recipe to cure sinusitis, phlegm, flu, rhinitis and others:
  • 1 medium-sized ginger root
  • 200 ml/ 6.7 oz. Apple cider vinegar
Directions
First, grate the ginger and mix it with 2 dl. apple cider vinegar in a glass bowl. Pour mix in a glass jar and seal with a lid well. Store and keep it at a room temperature for ten days. Shake the remedy occasionally so you get best effects.
Consumption
To get the most favorable effects, place head over the jar and cover it with a towel. Start inhaling the mix’s aroma. Proceed for 5-10 min. Next, before going to bed, take a handkerchief, soak it in the mixture and place it on your neck.  Let the cloth sit overnight.
Repeat therapy for a couple of days until you witness positive effects.
And you are dealing with sinusitis, here is a second ginger recipe that will help you with it:
First, boil 50 grams of ginger root. Remove from heat and inhale with a towel over your head. The ginger spiciness will relieve the sinuses and help you with congestion problems.
Nothing works better than natural cures, so we strongly advise you to try these two recipes before anything prescribed.
Ayon sa impormasyon dalawang paraan ang maaring preparasyon para maginhawahan sa sinusitis ang una  ay ang paghahanda ng sangkap ng luya at apple cider vinegar sa isang jar na kailangang itabi pa ng 10 araw bago gamitin . Ang paggamit nito ay sa pamamagitan ng paglanghap ng aroma ng naihandang sangkap.  Ang ikalawa naman ay pagpapakulo ng luya at paglanghap din ng aroma ng pinakulong luya. Sana ay makapagbigay kayo ng  comments kung ang sakit na sinusitis ay inyong naranasan ,  at o ganito rin ang inyong naging solusyon o mayroong iba 

Friday, April 3, 2015

Napatunayan na walang vertigo at diabetes

Sa nakaraang mga artikulo naiambag namin dito  ang pagtalakay sa  mga nararamdamang sakit ng aking  asawa  katulad ng vertigo , allergy , diabetes at  athritis.  Sa patuloy na pagsubaybay , pagbibigay ng kaalaman tungkol  sa mga sakit at mga natural na paggamot   nalagpasan  ang ilan  katulad ng  vertigo , arthritis sa leeg at diabetes.

Ang vertigo  nuon  ay suspetsa na isa  sa pinagmumulan ng  pagkahilo ng aking  kabiyak.  Kasabay dito ang  pagsusuka at pagsama ng katawan,  kapag  nagbibiyahe sa sasakyang naka aircon o sarado Ang vertigo  ay di napatunayan sa ginawang eksamen ng duktor sa UST . Sa patuloy na pagsusuri sa ano ang pinagmumulan ng vertigo nasabi na lang ng duktor na mahina ang kanyang naturalesa katulad din ng nararamdaman nitong allergy. 

Sa aming pagsasaliksik  natuklasan namin na ang makakatulong sa pagkahilo  ay ang luya. Kung kayat dahil dito palagian na lang na umiinom ang aking kabiyak ng pinakulong luya o salabat para sa pagbibiyahe at ganun din para sa allergy.  Ito ay napatunanayang nakatulong dahil sa palagiang pagbibiyahe niya kasama ako nuon ay hindi niya naramdaman ang pagkahilo , pagsusuka at pagsama ng katawan.

Sa usapin naman ng athritis , natukoy na mayroong athritis ang aking kabiyak sa leeg , kung kayat ang naging remedyo dito ay ang isinagawang theraphy ng duktor at pinayong patuloy na mag ehersisyo.  Dagdag dito ay ang patuloy na pag iwas sa mga pagkaing magpapataas ng uric acid. Ang athritis naman ay nalagpasan at di na sumasakit ang kanyang batok , ngunit ang athritis ay tila di ganap na  naalis dahil sa mayroon din siyang nararamdaman sa tuhod , patuloy lang na ito rin ay nilalapatan ng  turmeric na iniinom.  

Tungkol naman sa diabetes  nagkaroon siya ng pagtatas ng glucose nuong mga nakaraang taon at na hospital din siya dahil dito.  Uminom siya nuon gamot na "metformin" hanggang sa sobrang bumababa naman ang kanyang glucose . Inalagaan din niya ang  kanyang pagkain  at umiwas sa mga pagkaing magpapatas ng kanya " blood sugar".  Nangyari na sa huling mga pag kunsulta niya sa duktor  binanggit ng duktor na  siya ay hindi na dapat uminom ng metformin dahil sa wala na nga siyang diabetes kung kayat  ito ay kanyang ginawa. 

Pinatunayan din sa  ilang laboratory examination na siya ay walang diabetes ayon sa resulta ng laboratory ayon sa duktor na bumasa ng resulta at nagbigay ng kanyang opinyon, ito ay isinagawa nitong Marso lamang 2015. 


              Ang pagsusuring ito ay mula sa resulta ng laboratory result , dalawa ang ginawang procedure
              una  ang pag kuha ng dugo sa kanya at pagsusuri sa blood sugar.  At ang ikalawa ay pagpa-
              painom sa kanya ng  juice  at pagkatapos nito ay ang pagkuha muli ng dugo para tingnan
              kung ano ang kanyang blood sugar  level. 

              Bago pa ang isinagawang dalawang tusok na tinatawag , mayroon nang resultang
              pinagbatayan ang duktor o endoctrinologist na ang blood sugar ng aking asawa ay 100 , ang
              ibig sabihin nito ay  nasa pre- diabetes siya o nasa middle, kung kayat  kakailanganin ang                     dalawang tusok na pagsusuri ng dugo para mapatunayan na mayron nga siyang diabetes.





               




 



Sa usapin ng diabetes napatunayan na sa pamamagitan ng herbal na paggagamot , pagiwas sa mga pagkaing matatamis  at pagkain ng gulay o isda ay maiiwasan ang diabetes , pero nandyan pa rin yan at posibleng bumalik kung ang dating lifestyle ay ibabalik.  Dahil sa pangyayaring nagkaroon na nga ng pagtaas ng sugar , sinasabi na ng katawan na may kahinaan na rin ito na kailangang mas lalong pangalagaan dahil ang mga organs o parte ng katawan na nag bibigay ng asukal na kailangan ng katawan ay  hindi na katulad ng dati na malakas pa ito,  kailangang tulungan na ito na hwag mahirapan sa pamamagitan ng pagkain ng tamang nutrisyon, ehersisyo at herbal na pagkaing katulong ng pag produce ng asukal para sa katawan. 


Mga personal na  maaring gamitin sa pag tingin kung mataas ang sugar level ;