Saturday, May 2, 2015

Karanasan sa Walk In Clinic

Ang karanasang ito sa walk in clinic ay nangyari  sa akin.  Nais ko lang isulat ang karanasang ito upang masuri ng mga mambabasa ang sa palagay ko ay isang kahinaan sa sistema ng pagpapatingin sa walk in clinic. 

Nangyaring  nagpunta ako sa walk in clinic  dahilan sa sumasakit ang kanang parte ng aking tuhod. Ang aktuwal na sumasakit ay ang gilid sa kanan na kung saan nanduon ang tendons ng parte ng ating katawan sa binti ;  

















Sa larawan sa itaas  makikita  na ang parte na may nararamdamang sakit ay ang "Tendons"     

Ang pagsakit ng kanang paa sa may lugar ng " tendons" ay nangyayari  lamang sa tuwing malayo na ang  aking paglalakad.  Ang trabaho ko ay  pag -estimate at paglalagay ng quotation sa mga bahay . Ang quotation ay tungkol sa paglilinis ng  mga " salaming bintana" at mga gutter . Nararamdaman ko ang pagsakit ng tuhod  kapag umabot na ang paglalakad sa ika - limang oras ibig sabihin ay marami nang bahay ay naikot at nabigyan ng quotation. 


Isinagawa ko ang pagkunsulta  sa "walk in " doctor para maikunsulta ang pananakit na ito. Sa aking pagkunsulta ay kinuwento ko at sinabi ang dahilan ng pagkunsulta  at paano ko nararamdaman ito. Sinabi ko rin na kapag napahinga na  nawawala na ang pagsakit. 

Ang ginawa ng duktor ay  tiningnan ang  kanang tuhod , tiningnan ang lugar na masakit . Sabi niya ay nasa lugar naman daw  ang tendons. Kaya ang sabi niya ay bibigyan ako ng gamot , hindi naman daw ito matapang at kailangang  inumin ng dalawang linggo.  Kakailanganin lang na bumalik ng pagkatapos ng isang linggo  para malaman kung ano na ang development.  Ang gamot na ibinigay ng duktor  ay  " co- meloxicam " . 

May pagdududa na ako sa gamot na ibinigay  kaya para masiguro ay nag online ako at hinanap kung ano ba itong gamot na "co-meloxicam" at nakita ko na ito nga ay anti inflammation drug o paglaban sa pamamaga  ngunit ito ay mas pa binibigay sa may  "osteo athritis o rheumatoid athritis" . bukod dito  may mga side effects ito sa liver at kidney , bawal din sa may dating sakit sa liver at high blood pressure.  

Sa  pangyayaring ito na aking pagkunsulta at  sa ibinigay na gamot napatunayan ko na may kulang sa pag eksamen ng duktor  una , paano niya na siguro na mayroon akong athritis  ni wala namang laboratory man lang  at yung gamot  na ibinigay ay ayon sa kanyang  konklusyon na ang masakit sa akin  ay dahil sa athritis.  Sa pagbibigay ng gamot , hindi rin niya alam na mayroon akong high blood at  may dating naging sakit sa liver , eh di parang lihis  o  pagkita lamang ang pakay niya at hindi pagpapagaling sa pasyente. 

Kung hindi ako conscious sa  aking kalusugan at di mapagsuri sa  mga pagtingin , resulta at ibinibigay ng  duktor  mas lalo akong magkakasakit .  Dahil dito hindi ko iniinom ang gamot mas duon na ako sa  pagkain na  magpapalakas at tutugon sa parte ng katawan na mahina sa akin kaysa magsapalaran  sa  isang gamot na ibinigay na walang batayan.  


No comments:

Post a Comment