Tuesday, September 30, 2014

Gamot sa ubo at sipon

Nitong nakaraang Huwebes (Setyembre 25/)
naramdaman ko ang pag ubo. Masikip ang  aking pag - ubo at nasundan pa ito ng pagbabara ng aking ilong,  sinisipon na rin ako.  Inisip ko kung saan ko kaya nakuha itong pag-ubo at sipon.  

Ito kaya ay galing sa pagbabago ng klima, dahil dito sa Canada tapos na ang summer at lumamig na rin mula sa 10- 15 degrees pero umiinit pa rin kaya baba at taas pa rin ang temperatura kaya't isa ito sa posibleng pagmulan ng ubo at sipon. Naisip ko rin na na- puwesto ako sa aking trabaho nuon pang nakaraang sabado at linggo  sa paradahan ng TTC buses at marahil nalanghap ko ang usok at posibleng may mga chemikal na aking nalanghap at hindi ito kaagad naalis, kung kaya't nuon pa ay may naramdaman na akong paninikip. 

Naisip ko na kailangan mawala ang masikip na pag-ubo at sipon dahil may dadaluhan kaming party kinabukasan at kung di mawawala ito di na ako makakasama dahil palagian na lang akong uubuhin sa party. Kaya't pinag isipan ko ang dapat na inumin tumingin ako sa hanay ng aking nasaliksik na at natunghayan ko nga ang natural na paggagamot na available na sa bahay at di na kailangan pang lumabas at bumili. 

Mga iinumin para sa Ubo at Sipon; 


1. Magdikdik ng ilang pirasong bawang, ilagay ito sa kutsara at lagyan ng isang kutsaritang honey at ito ay inumin. Magsisilbi ang bawang na "antibiotic" dahil sa sangkap ng bawang

2. Magpakulo ng isang pirasong luya kasinlaki ng daliri sa dalawang tasang tubig. Pagkatapos pakuloan, palamigin at ito ay haluan ng
kalamansi at ito ay inumin. Gawin ito hanggang lumuwag ang masikip na ubo. Magsisilbi itong expectorant para matunaw ang plema at lumuwag ang pag-ubo. 

3. Kung mayroon "virgin coconut oil" magbabad ng isang kutsaritang "virgin coconut oil" sa bibig at ibabad ito ng 15 minuto. Ang plema sa lalamunan ay kumakapit sa VCO at makalipas ang 15 minuto maaari nang idura ang VCO.


Ang nasaad na pamamaraan ay aking ginawa at sa loob ng dalawang araw ay naramdaman ko na ang pagbabago, kaya tinuloy ko ito hanggang sa mawala nang tuluyan ang ubo at sipon. Nakadalo din ako sa party sa araw ng Sabado. 

Kaya't mahusay ang natural na paraan, mura na sigurado pa. Kaya kung mayron kayong karanasan o mairekomendang mga solusyon sa ordinaryong sakit magkomentaryo lang po dito sa "SPH" para mailathala natin ito. 

NATURAL NA ANTI- BIOTIC MULA SA ISANG CONTRIBUTOR SA FACEBOOK -  winter sore throat tea 

.....makes about 2 cups

1. Two lemons thoroughly cleaned and sliced
2. Two piece of ginger about the size of your pointer and middle finger together sliced into coin size pieces
3. Honey (about 1 cup or Your preferences)
(I also add ground cinnamon- about a teaspoon)
In a 12-16 oz. jar combine lemon slices and sliced ginger.
Pour honey (organic is best) over it slowly. This may take a little time to let the honey sink down and around the lemon and ginger slices. Make sure when the honey has filled in all the voids, there is enough to cover the top of the lemon slices.
Close jar and put it in the fridge, it will form into a "jelly". To serve: Spoon jelly into mug and pour boiling water over it.
Store in fridge 2-3 months.



Thursday, September 25, 2014

Test Result sa Vertigo

Ang sakit na "vertigo" ay nilathala dito. Ipinaliwanag sa sulatin na ito ito ay isang pakiramdam na umiikot ang paligid at nawawalan ng balanse ang katawan. Ito ay inuugnay sa diperensiya sa loob ng tenga or "vestibular" nerves.

Matagal na akong nakakaramdam ng pagkahilo, pagsusuka at pagsama ng katawan kapag ako ay nasa loob ng kulob na sasakyan. Kaya't ang hinila namin ng aking asawa ako ay may "vertigo" kaya dito sa eksamen gamit ang ibat ibang test nalaman ko ang problema. 


Sa naunang artikulo "pagpapatest sa sakit na vertigo" sinabi nating i- popost ko ang resulta ng vertigo test sa akin kaya't  nandito ang detalye ; 

Unang eksamen;  Tympanogram

Habang naka upo ako ay nagpasok ng instrumento  sa kanan tenga at  test ito para may ugong na maririnig ang doktor at pagkatapos ang kaliwang tenga naman ang pinakinggan. 


Pangalawang eksamen ;  Audiometric examination
Pinagsuot ako ng headset na nakaugnay sa isang aparato na kung may maririnig akong mga tunog,huni at iba"ibang tunog mula sa mahina ,katamtaman at malakas ay akin pipindutin ang aparato , ginawa ito sa magkabilang tenga 

Tympanogram at Audiometric examination ay normal hearing thresholds on the  left ear. Mild conductive hearing loss on the right ear.

Pangatlong eksamenVideonystagmography


Evaluation of eye movement as well as analysis of nystagmus was performed using a battery of test which includes 3 main evaluative test for balance namely:OCULAR MOTOR,POSITIONAL and CALORIC TEST


Pinagsuot ako ng goggle na salamin sa mata pinahiga ako at may nakaharap na isang malaking screen na white kung saan mapapanood ko at makikita ang mga bilog na kulay green na ilaw at susundan ko ng mata lang ang gumagalaw at di dapat kumukurap .

Sumunod naman ang checkered na color black and white ang susundan ng mata ko na di kumukurap ,,simula sa mabagal hanggang sa pabilis ng pabilis.


Sandali ako pinapipikit at muli ididilat ang mata ko.


Sumunod naman ay ang pinasukan ako ng instrumento sa tenga ..nakasuot pa rin ang gaggle sa mata ko at nilagyan ng takip ..pero kailangan nakadilat pa rin ang mata ko habang may hangin mainit na pumapasok sa tenga ko una sa kanan tenga  


Dito nakaramdam na ako ng sobrang pagkahilo ,pagsama ng pakiramdam na parang nasusuka ako at parang natatae at sumakit ang kalamnan ko at nararamdaman ko na nanunuot sa loob ng ulo ko ang mainit na hangin sa loob ng tenga ko .

Sumunod naman ay sa kaliwang tenga naman ginawa ang ganoon paraan na labis ng kinasama at hilo na ako at medyo nakakaramdam na ako ng sakit sa loob ng kaliwang tenga ko habang dapat dilat bawal ang laging pagkurap ng mata.


Rest ng ilan sandali lamang at pinapaiwas na pumikit .

Sumunod naman ganoon paraan pa rin kaya lang malamig na hangin naman ang ipapasok sa loob ng tenga kanan muna at pagkatapos ay kaliwa naman .

Halos masama -masama na ang pakiramdam ko sa mga examination pinagdaanan ko .

ang huling ginawa sa akin na suot ko pa rin ang gaggle na may takip ..na nakadilat ang mata ko kahit nakatakip ang mata ko ..namomonitor ng doktor ang ginagawa sa akin sa pamamagitan ng computer na pinapanood nila ng isang kasama namin saloob ng examination area na isang doktor din na babae.

habang nakahiga ako na medyo nakalawit ng kaunti ang ulo ko sa higaan ng kama ..na nakadilat ang mata ay ako ay paupong binangon sa kaliwa.


ganoon din ang paraan na ginawa ng bandang kanan naman ako paupo ,habang kahiga ng nakalawit ng kaunti ang ulo sa kama.


Matapos ang huling session na eksamen  sumama ang pakiramdam ko.  Ang naramdaman ko ay pagkahilo, parang masusuka  at parang madudumi at lahat ng kalamnan ay masasakit. Kung kaya't pagdating sa bahay ay  nagpahinga ako , natulog at  bumangon pagkatapos ng isang oras ganun pa rin ang pakiramdam. Naalala ko ang duktor na nagsabing dapat hwag ipikit ang mga mata, kung kaya't nagpahinga na lang ako. 

Ang mga sumusunod ay ang naka sulat na dokumento ng mga resulta ng eksamen; 

Sept.24 ,2014 

Ayon sa duktor na bumasa ng findings normal ang naging resulta nakita lang na mahina ang pandinig ng aking kanang tainga. Dagdag ay mahina din daw ang naturalisa ko sa pagbiyahe kung kaya't ako ay nahihilo. Nagbigay din ng libro ang duktor para sa mga ehersisyo para sa pagkakaroon ng hilo.



Wednesday, September 17, 2014

Stress o tensyon at paano ito panghawakan

Stress o tensyon ay isa sa reaksyon na  nangyayari sa katawan ng isang tao. Kapag ito ay di napanghawakan naaapektuhan ang kalusugan  at lumalala ito at nagkakaroon pa ng ibang sakit kagaya ng sakit sa puso.
 

ANO BA  ANG STRESS ( tensyon) ayon sa wikipedia ;

Ito ay isang pangyayari na kung saan ang isang organismo - tao  o hayop -ay umaangkop ng tama sa emosyunal o bantang pisikal,  ito man ay naiisip lang o aktuwal.  Sa isang pangyayaring may  tensyon nagaalarma ang katawan at nag -prodyus ng adrenaline bilang isang "coping  mechanism". Nakikita din ang stress o tensyon sa pagkapagod,  pagging irritable,  tension ng mga parte ng katawan,  di makapag pokus at iba pang reaksyong pisikal katulad ng pag sakit ng ulo at pagtaas  ng  pintig ng puso ( heart rate) .

Ang stress o tensyon ay natural na reaksyon ng katawan pisikal at emosyunal . Kaya't dahil ito ay bahagi ng isang pangyayari sa katawan ng tao ang kailangan dito ay i-manage. Kung walang stress o tensyon  ang buhay ay mapanglaw  at walang excitement.  Ang stress ay isang pampalasa sa buhay, isang hamon at   oportunidad.  Subalit ang sobrang stress o tensyon ay nakakaapekto sa  pisikal at mental na katayuan ng isang tao. Kung kayat dapat magamit mo ang stress para sa iyong  katauhan at hindi stress ang sumira sa iyo.

Ang stress at tensyon ay ibat iba sa bawat isang tao.  Maaring ang isang bagay ay nakaka- relaks sa iyo ngunit  nakaka - stress naman sa iba.  Halimbawa , sa isang executive na nasa beach ay nag rerelaks at nakakatulong ito sa kanya para maalis ang stress na nakukuha niya sa kanyang gawaing pang opisina.   Ngunit kung sa iyo na wala namang trabaho , ang pagrerelaks sa beach ay maaring  pagsasayanglang ng oras at nakaka - stress sa iyo dahil sa kawalan ng ginagawa kaya't apektado ka o  "emotionally stress" ka.  Ang sobrang "emotional stress" ay nagdudulot ng pisikal na sakit kagaya  ng pagtaas ng presyon ng dugo,  ulcers o sakit sa puso.  Ang pisikal stress na  gawain o pag  eehersisyo ay di nagdudulot ng mga sakit na nabanggit.  Ito ay nakakatulong para ma- relaks at mapanghawakan ang mental o emosyunal stress.

Para magamit ang "stress" para makinabang ang katawan at hindi maging "distress"dapat ay maging handa ang iyong reaksyon sa anumang magiging "stressful events". Ang katawan ay umaaksyon batay sa stress sa tatlong yugto

(1) alarma  (2) pag laban o pagangkop  (3)  pagkapagod

    Tingnan natin ang halimbawa sa  isang ordinaryong nagmamaneho at pangkaraniwang dumadaan sa traffic lights. Kung may isang sasakyan na biglaan na lang tumigil sa harap niya, ang magiging alarma ng katawan ay pagkatakot sa aksidente,  pagkagalit sa driver at pagkalumo (frustration).  Ang kanyang   katawan bilang reaksyon ay maglalabas ng "hormones" sa kanyang dugo kung saan ay mamula ang kanyang mukha, pagpapawisan siya,  may maramdaman siya sa kanyang sikmura, at ang kanyang mga braso at mga binti ay maninigas.
Imposible na mabuhay ng wala ang stress o distress pero posible naman iwasan ang distress at iwasan na ito para mabawasan ang epekto nito sa katawan at kalusugan.
Tulungan ang sarili ;

a.  Magkaroon ng ginagawa kung ikaw ay inaatake ng nerbiyos, galit o pagkalumo . Ilabas ang namumuong pressure sa sarili sa pamamagitan ng ehersisyo o aktibidad na pisikal. Pagtakbo, paglalakad, paglaro ng tennis o paggawa sa hardin ay ilan sa mga aktibidad na maaring gawin. Ang pageehersisyo ay nakakatulong sa lumuwag ang pakiramdam na naninikip o naninigas na mag kalamnan,  nag paparelaks at pinapalitan ang nakasibangot na mukha ng pag- ngiti. Tandaan na ang katawan at isip ay nagtutulungan. 

b. Humanap ng kausap para maibahagi ang nangyayaring "stress" . Maaari itong isang kaibigan, miyembro ng pamilya , guro o counselor. Maari ding sumangguni sa isang propesyunal na psychiatrist psychologist, social worker o mental health counselor para maiwasan na lumala pa ang problema.
c.  Alamin o tantiyahin ang iyong limitasyon. Kung di mo maresolba ang problema sa kasalukuyan , tanggapin muna ito pansamantala at hintayin na maresolba ito sa mga susunod na araw huwag pilitin kung di naman kakayanin.
d.  Alagaan ang sarili , magkaroon ng sapat na pahinga at pagkain. Kapag ikaw ay iritable at tensyonado dahil sa kulang ng tulog o kung kulang ka sa pagkain wala ka sa kondisyon na harapin ang mga sitwasyong magbibigay ng stress. Kung ang stress ay palagiang di ka pinatutulog kailangang isangguni mo ito sa duktor. 
e.  Magkaroon ng oras sa kasiyahan. Itakda ang oras para sa trabaho at recreation,  Ang paglalaro ay dapat kasing importansiya ng iyong kalusugan katulad ng iyong trabaho. Isa sa nakakaalis ng pagkainip ay pagpunta na kung saan nanduon ang maraming tao at nagkakatuwaan. Ang pag iisa ay nagdudulot ng frustration, imbes na tingnan ang sarili na may kakulangan o nalulungkot makihalo sa ibang grupo at makisali. Sumali sa mga organisasyong tumutulong sa ibang tao ito ay makakatulong na may makilalang iba at masiyahan sa mga aktibidad.
f.  Suriin ang iyong mga gawain, Ang naisin na gawin lahat ang mga gawain ng sabay sabay ay tila nakakabigla at posibleng mag resulta ito na hindi mo magawa at kahit anuman. Ang dapat ay magkaroon ng listahan ng mga gawain, at isagawa ito ng isa isa. Bigyan ng prioridad ang pinakaimportante at ito ang unang gawin.

g.  Dapat ba na paligaan ka na lang tama?  Kinaiinisan mo ba ang ibang tao? lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto mong mangyari. Dapat na subukan mo ang kooperasyon bago ang komprontasyon. Mas mainam ang palagiang nasa tama kaysa nakikipaglaban para sa tama. 
Ang pagbibigayan ng bawat isa ay nakakabawas ng  sigalot at nagresulta ng pagiging komportable sa isat isa. 

h.  Tama lang na umiyak,  Ang pagiyak ay nagbibigay ginhawa  para maalis ang pagduda at maari ding makaalis ng  sakit ng ulo o sakit ng katawan. Ang paghinga ng malalim ay nakakaalis din ng tensyon. Paglaruin ang isip sa magagandang tanawin, maari ka ring pumunta sa ganitong lugar. Ang mga ito ay nakakatulong makaalis sa mga sitwasyong nakaka-stress. Maari ding magbasa ng mga libro o tumugtog ng musika upang makaramdam ng katahimikan at kapayapaan.
i. Iwasan ang paggamot sa sarili , bagamat mayroong nabibiling gamot para maalis ang tensyon, hindi ito nakakaalis ng pinagmulan ng tensyon. Maari pa ngang maging habit-forming ang pag inom ng binibiling gamot at di maging epektibo ito, na lalong mag bunga ng dagdag na "stress" kaysa makaalis. Dapat ay may payo ng mga duktor ang pag inom ng mga gamot.

Friday, September 12, 2014

Lamig o Pasma sa Katawan


Mula ng pagkabata naririnig ko na ang salitang "Lamig " sa katawan hanggang sa ako ay mag-tinedyer at natutunan ko sa aking mga kalapit na mga kaibigan  ang pagtatanggal ng lamig ay sa pamamagitan lamang ng "Ventosa or cupping method". 


Naniniwala ako dito, naranasan ko ang magkaroon ng lamig sa katawan at alisin ito sa pamamagitan ng "ventosa o cupping". Nang mabuo naming mag asawa ang blog na ito isa ang tungkol sa "Lamig o Pasma sa Katawan" ang nais kong mailathala at maibagi sa mga mambabasa sa internet.

Hindi ko alam na ang "lamig pala ay Pasma" din. Nalaman ko lang ito ng matunghayan ko ang artikulo ni Ronnie Bernardo na may malawak na kaalaman at karanasan kaugnay ng natural na paggagamot. Para sa kanya ang "lamig o pasma" heat and cold energy imbalance.

Ang paniniwalang ito na "lamig o pasma " ay paniniwalang Oriental na paggagamot. Ang western medicine na karaniwan at karaniwan nating alam ay hindi naniniwala sa teorya na ito "lamig o pasma". 

Ano ang sintomas ng lamig o pasma? 

Ang paulit ulit na migraine ( sakit ng ulo), pagpapawis ng mga kamay, kawalan ng pakiramdam ng mga palad at pananakit, maari din itong katulad ng sintomas ng diabetes, thyroid dysfunction, neurological, o di maipaliwanag na pananakit ng katawan. 

Nangyari ito sa akin nuong mag trabaho ako bilang dishwasher. Winter nuon kaya pumapasok ako na makapal ang suot dahil sa malamig at pag nagtatrabaho ka na mainit naman ang pumapasok sa katawan ko. Kaya paglabas ng building malamig naman , ilang buwan ganun ang nangyayari hanggang isang araw ay hindi na ako makatayo para pumasok dahil masakit ang parte ng likod ko.  Ang misis ko naman nagtatrabaho sa bahay, naglilinis, nagliligpit, naglalaba at pagkatapos maliligo ng malamig. Kinabukasan masama na ang katawan , masakit ang ulo at nananakit ang balikat pataas sa batok.  Ang dalawang halimbawang ito  ay sitwasyon kung paano namin nakukuha ang "lamig o pasma" Ang misis ko ang madalas na lang na masama ang katawan at masakit ang ulo. 

Dahil sa hindi natin ang alam ang teorya ng "lamig o pasma" kadalasan gamot ang iinumin natin ngunit nagagawa ito pero ganunparin bumabalik lang ang sintomas. Ang kailangan lang ay nasa isip natin ang teorya ng "lamig o pasma". Kapag malamig kailangan natin ang pagkaing mainit tulat ng mga sopas o iba para mabalanse ang lamig sa katawan. Kung naman maiwasan ang mga cold foods katulad ng melon, citrus at apple uminom ng hot tea para mabawasan ang lamig. Kapag tag init naman ay kainin ang mga prutas na ayon sa panahon. 

 Ang isang analogy, hindi natin ginagawa na ang isang baso ng mainit na tubig ay ilalagay sa freezer dahil ito ay puputok. Nangyayari ito dahil sa matinding temperatura. katulad din ng baso ang ating katawan. Ito ay nagkakaroon ng shock dahil sa dalawang magkaibang temperatura. 

Ano ang mga dapat gawin para maiwasan ang "lamig o pasma" sa katawan? 

1. Nirekomenda ng sumulat na si Ronnie na kailangan ang Omega3 o fish oil, 1000 mg twice a day upang mabalanse ang lamig sa katawan. Ito ang sekreto ng mga isdang nasa malamig na tubig katulad ng salmon.

Ang isang epekto ng malamig na enerhiya ay ang patuloy na pananakit ng ulo. Ang Omega3 na mayaman sa fish oil ay nagpapaginhawa dito.

2. Iwasan ang uminom ng malamig na tubig. Kung sakaling nakasanayan na kumain ng mga cold fruits kailangang uminom ng hot tea para mabalanse ang lamig sa katawan. 

3. Magkaroon ng regular na masahe dahil ang epekto ng lamig sa katawan ay ang di paglabas ng mga toxins at ito patuloy na nadadagdagan at namumuo. Ang di pag alis ng lamig na ito ang nagdudulot ng sakit ng katawan o parte ng katawan o mabigat na pakiramdam. Ang namumong toxins sa ating katawan ay  tinatawag ng mga therapist na "nodules" ito ay mga basura na nararamdaman natin bilang isang maliit na bukol na kailangang durugin upang magbigay ginhawa. 

4. Ventosa ( cupping method)  ay ang paggamit ng mga cup o baso para masipsip ang lamit at toxins ng katawan na namuo. Kailangan din ang masahe pagkatapos nito. 

5. Acupuncture ay isa rin sa pinamabisang paraan para maalis ang init / lamig sa loob ng katawan. Mayroong parte sa  ilalim ng tuhod na kung saan nakalugar ang meridian para maalis ang lamig o pasma.

6. Tamang pagkain at iwasan ang pagkaing nagdudulot ng lamig katulad ng mga cold foods.


Thursday, September 11, 2014

Pagpapa- test sa sakit na vertigo



Isa sa paksa na aming nilathala dito ay ang tungkol sa "pagkahilo tuwing magbibiyahe". Sa paksa ay tinalakay natin  na ang isang dahilan ng pagkahilo sa pagbibiyahe o tinatawag na " motion sickness" ay balance disorder at ang isa sa nakabilang dito ay ang vertigo. 
----------------------------------------------------------------------------

Vertigo /ˈvɜː(ɹ)tɨɡoʊ/ (from the Latin vertō "a whirling or spinning movement"[1]) is a subtype of dizziness, where there is a feeling of motion when one is stationary.[2] The symptoms are due to an asymmetric dysfunction of the vestibular system in the inner ear.[2] It is often associated with nausea and vomiting as well as a balance disorder, causing difficulties standing or walking. 

There are three types of vertigo: (1) Objective[3]− the patient has the sensation that objects in the environment are moving; (2) Subjective[3]− patient feels as if he or she is moving; (3)Pseudovertigo[4]− intensive sensation of rotation inside the patient's head. While appearing in textbooks, this classification has little to do with pathophysiology or treatment.

Dizziness and vertigo rank among the most common complaints in medicine, affecting approximately 20%-30% of the general population.[5] Vertigo may be present in patients of all ages. However, it is rarely a primary concern amongst children, and becomes more prevalent with increasing age.[5] The most common causes are benign paroxysmal positional vertigoconcussion and vestibular migraine while less common causes include Ménière's disease and vestibular neuritis.[2] Excessive consumption of ethanol (alcoholic beverages) can also cause notorious symptoms of vertigo. (For more information see Short term effects of alcohol). Repetitive spinning, as in familiar childhood games, can induce short-lived vertigo by disrupting the inertia of the fluid in the vestibular system.

Balance problems and a constant feeling that you are spinning make it necessary to find treatment. One form of the condition, positional vertigo, is the most commonly treated.

Read more: What Are the Treatments for Positional Vertigo? | eHow.com http://www.ehow.com/way_5371200_treatments-positional-vertigo.html#ixzz2EVHJ5ZUv

Positional vertigo, which is often called benign paroxysmal positional vertigo or BPPV, creates dizziness for sufferers because of the debris that collects in the inner ear. The debris, called otoconia, are hardened crystals of calcium carbonate that come from the area of the ear canal called the utricle. Damage to the utricle in the form of a head injury, infection or other ear disorder can cause the debris to reach parts of the inner ear that are highly sensitive. "
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa mga sakit na aking nadarama isa ang pagkahilo sa biyahe ang hindi ko pa natutulaksan kung saan ba nanggaling  nitong huli ng magkaroon ako ng  pagtaas ng blood sugar tiningnan ko na ito ay nanggaling sa "pagtaas ng blood sugar". Nagpatingin na rin ako nuon sa EENT nqunit sabi wala daw akong diperensiya sa tainga. 

Kung  kaya't para makatiyak kung  may problema din ako sa  "balance disorder" , vertigo na  nitong huling pagsasaliksik ay mas nakikita na  pinagmumulan ng pagkahilo  pinagkaisahan naming mag asawa na magpatingin na sa espesyalista . Ang pinamalapit  na pinupuntahan namin ay ang University of  Sto Tomas Hospital , service ward.  Sa hospital ito mismo ay sa Department of Otorhinolarngology, Hearing and Dizziness Center. 

Pang-unang eksamin: 

. sinilip ang 2 butas ng ilong ko at may pinasok na instrumento para makitang mabuti ang loob.

.  iniksamen din ang dalawang tainga at pinasukan ng instrumento, sa isang tainga may sinasabing may narinig ang duktor na ugong sa loob ng tainga.

. pinasundan ng doctor ang isa sa kanyang daliri, pinapunta sa kanan at kaliwa.  Dito medyo nakaramdam na ako ng hilo ng nadalas na ang pagsunod ko sa pagtingin sa kanyang daliri 

Itinakda na ang buong pag eksamen ay gagawin sa Setyembre 23, 2014 at aabutin ng maghapon, may babayaran mga P4000.  Kakailanganing mayroon kasama  para mag asisti sa akin para sa buong test at eksamen. Nagbigay din ng  dokumentong  sasagutan bago ang test at  tagubiling di dapat kainin at paghahandang gagawin bago pumunta sa eskamen. 



Ang susunod na paksa ay ang tungkol sa kabuoang  eksamen at resulta. 




Wednesday, September 3, 2014

Bakit ba my blog na SPH?


Hello , Ito ang SPH  tunog PGH hindi pa naman hospital pero kung di ninyo aalamin ano itong SPH malamang  madala kayo sa  PGH ( Pilipinas lang ito).  Sa itaas nakikita ninyo Search for Personal Health o  S. P. H.  Ito ay isang titulo ng "BLOG" baka bago sa pandinig  hindi ' BULAG"  kundi  'BLOG"  B - kinuha sa salitang  WEB at  L - kinuha sa salitang  LOG. Pag pinagsama  BLOG, ang blog ang katawagan ay  pagtatala o paglalagay ng mga paksa balita , komentaryo o artikulo o parang diary sa Website. Kadalasan ito ay teksto , pero pwede rin ang video, musika , art, mga larawan  o podcast .





Pinagkaisahan naming mag -asawa na buoin ang SPH nuon pang 2012 sa dahilang  nais naming malaman ang kadahilanan ng mga karamdaman na nagsimula nuong   ako mismo ang maospital dahilan sa napakasamang pakiramdam na natuklasan naming "diabetic" pala ako.  Kaya't mula nuon ano mang bagay na nagiging sakit ko , nagsasaliksik kami at inaalam ano ang sanhi nito at paano i- manage. 


Eh kung tutuusin , di na naman kailangang ilagay pa sa "blog" eh bakit nga ba nasa "blog" pa?  


Dahil sa pamamagitan nito marami ang makakabasa at makapagbigay din ng  tulong kaalaman sa sakit at kalusugan.  Makihikayat  din ito ng ibang nakakabasa na makiisa at mag-komentaryo o mag ambag ng karanasan tungkol sa kalusugan at karamdaman.  Pareho kaming mag- asawa nasa FB , maaari ding maging imbakan ng mga paksa ang SPH  na nakaparami sa Facebook at nawawala na lamang. Kung nai- save siya maibabalik ,mababasa at kapulutan ng aral.  Isa din itong  paglilingkod sa ka-barangay lalo na't ako ay kagawad pa rin ng barangay at katuwang ko dito sa "SPH"  dating Chairman ng ating lugar.


Bakit ba kayang mag-sulat ng ating dating Chairman?


Kahit sino naman pwedeng mag sulat ng blog basta't  maayos at may direksyon ang pinapaksa. Sa totoo lang ang  aking kabiyak siya ay dating kasama sa mga non profit organization at bahagi ng kanyang karanasan sa pagpapatakbo ng samahan ay  pag susulat . Dagdag dito ay nakapag tapos din siya ng "Caregiver course dito sa Maynila, Philippines at yon din ang kanyang background kung bakit siya napunta ng Canada kayat  pinag aralan din nila ang tungkol sa mga sakit at paano i manage ang mga ito. May background siya ng electronics dahil natapos niya BSREE.

Kaya't mag-like, basahin, magkomentaryo at o magbahagi sa SPH...Salamat Po..Ha !!!