Friday, March 31, 2017

Thursday, March 30, 2017

Tungkol sa kulani o lymph nodes 1

Sa aking pagsasaliksik sa mga usaping pangkalusugan inaalam ko ang mga parte ng aking katawan na dapat na bigyan ng pansin at mula sa artikulong ito  ay maaaring humango ang iba ng aral at tuloy matutunan din kung paano gumalaw ang isang parte ng ating katawan, ano ang nagiging sakit nito at paano lunasan. Karaniwan na kapag maysakit , duktor ang  kagyat na  ating pinupuntahan dahil yon na ang ating nakagisnan ngunit  pinakamahalaga pa rin na mayroon tayong nauunawaan sa usapin ng ating katawan , paano dapat itong maging malusog at  mga natural na paraan upang maiwasan ang mga sakit at lunasan kung mayron mang sakit bago pa man sumangguni sa mga duktor. 

Kulani o lymph nodes ; http://health.wikipilipinas.org/index.php/Kulani

Ang kulani o lymph node ay grupo ng mga tisyu na matatagpuan sa mga lymph vessels ng katawan. Trabaho ng mga lymph vessels na ito na panatilihin ang balanse ng interstitial fluids ng katawan. Tumutulong din ito sa pagbibigay ng proteksyon laban sa impeksyon at mikrobyo sa pamamagitan ng paggawa ng lymphocyte. Ang lymphocyte ang gumagawa ng mga protinang sumusugpo sa mga mikrobyo at virus na napupunta sa dugo

 Ang kulani ay kadalasang natatawag na glandula. Ito ay hugis buto at kadalasan ay kasinglaki lang ng munggo o mas maliit pa. Hindi ito mapapansin o makakapa sa balat kung ito ay hindi namamaga o sumasakit. Aking idaragdag  ang KULANI  ay isang "warning system" ng katawan na magbibigay ng alarma kapag may problema sa isang parte ng katawan,  trabaho nito ang magbigay ng proteksyon laban sa impeksyon at mikrobyo sa paggawa ng lymphocite .  Ang warning sign na may impeksyon at di kinaya na bigyan ng solusyon ang mga mikrobyo at virus ay ang pamamaga nito. 


 Lokasyon

Ang lokasyon ng kulani ay nagsisilbing palatandaan kung nasaan ang impeksyon sa ating katawan. Ang mga namamagang kulani ay kadalasang matatagpuan sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:
  • Cervical region - Sa ibaba ng panga, sa harap o likod ng mga tainga, o sa leeg.
  • Axillary region - Sa bandang kili-kili , sa paligid ng dibdib, o sa itaas na bahagi ng tiyan.
  • Inguinal region - Sa ibabang bahagi ng tiyan o sa bandang puson.
  • Pelvic cavity – Sa singit o sa paligid ng ari.
  • Abdominal cavity – Sa paligid ng abdominal aorta o sa baywang.
  • Thoracic cavity - Sa gitna ng iyong dibdib at sa paligid ng windpipe at baga
 Sanhi

Kadalasang namamaga ang mga kulani kung may impeksyon sa katawan lalo na kung ito ay sanhi ng virus, mikrobyo o mga parasitiko.
  Mga palatandaan

Kapag mayroong namamagang kulani, nangangahulugan lang na may mali o may problema sa katawan. Dahil dito, mahalagang alamin ang mga sintomas ng namamagang kulani.
  • Maliit na bukol na kadalasan ay kasinglaki lamang ng munggo (Maari ring mas maliit o mas malaki pa, depende sa uri ng iyong impeksyon at kung malala ba ito).
  • Maaaring masakit ang bukol at ang paligid nito.
  • Pamamaga o panunuyo ng lalamunan
  • Sipon at ubo
  • Pamamaga ng mga biyas.
  • Lagnat
  • Night sweats o labis na pagpapawis sa gabi

 Ang sistemang limpatiko at ang cardiovascular system ay mga istrukturang magkalapit sapagkat pinagdudugtong ito ng capillary system. Ang sistemang ito ng katawan ay mahalaga sapagkat tumatayo itong defense mechanism. Sinasala nito ang mga organismong nakakapagdulot ng mga sakit, nakakatulong sa pagpoprodyus ng puting dugo, at bumubuo ng mga antibodies. Mahalaga din ito sa distribusyon ng sustansya sa katawan habang sinasala nito ang mga protina at likido upang maiwasan ang pamamaga ng tisyu.

 Ang sistemang limpatiko ay binubuo ng mga organs, ducts, at nodes. Dinadala nito ang likidong parang gatas na tinatawag na lymph. Ang fluid na ito ay tumutulong sa distribusyon ng mga immune cells sa buong katawan. Ito ay naglalaman din ng mga immune cells na tinatawag na lymphocytes na nagbibigay proteksyon sa katawan laban sa mga bakterya at bayrus na maaaring makakapagdulot ng mga sakit.

 Ang pangunahing trabaho ng sistemang limpatiko ay ang pagkukolekta at pagsasauli ng mga interstitial fluid kabilang ang plasma protein upang maikalat ito sa buong katawan kasama ng dugo. Tumutulong din ito sa pagpoprotekta ng katawan laban sa mga sakit sa pamamagitan ng mga nabubuong lymphocytes. Sinisipsip din nito ang mga lipids mula sa mga bituka at dinadala ang mga ito sa dugo.

Ang mga organ na kabilang sa sistemang limpatiko ay kinabibilangan ng bone marrow, lymph nodes, spleen, at thymus.

[baguhin]Bone marrow

Ang mga selula sa bone marrow ay nagpoprodyus ng mga lymphocytes na tinatawag na B-cells o B-lymphocytes. Ang mga ito ay nahihinog sa bone marrow samantalang ang isang uri ng lymphocyte na tinatawag na T-cells ay nahihinog sa thymus.

[baguhin]Lymph nodes

Ang lymph nodes ay halos gamunggo ang laki o maaaring may sukat na ilang milimetro mula isa hanggang dalawang sentimetro sa normal state nito. Maaari itong lumaki sanhi ng tumor o impeksyon. Ang mga puting dugo o white blood cells ay kadalasang matatagpuan sa mga lymph nodes at kung ang mga ito ay lumaki, ito ay dahil sa pagkakaroon ng sobrang dami ng mga selula at pagkakabiyak ng mga selulang T at B.

[baguhin]Spleen

Ang spleen ay makikita sa lahat ng hayop. Sa mga tao, ito ay makikita sa kaliwang bahagi ng abdomen. Tinatanggal nito ang mga tumatandang pulang dugo habang nagsisilbing storage ng bagong dugo lalo na kapag nagkakaroon ng hemorrhagic shock.

[baguhin]Thymus

Pinoprodyus ng thymus ang T-lymphocytes na mahalaga sa adaptive immune system at sa produksyon at sikresyon ng thymosin. Ang pinakaimportanteng gawain ng thymus ay ang induction ng central tolerance.


 Tandaan na ang sistemang limpatiko o  "lymph system" ay isang depensang mekanismo at taga signal din para hindi tayo magkasakit .  Pero ano ang tungkulin natin sa sistemang limpatiko  kailangan nating alagaan ito na gawing ang trabaho niya sa pamamagitan ng tamang pagkain at tulungang hindi ito mahirapan sa paggampan ng kanyang trabaho .  Sa usapin ng pagtulong  sa sistimang limpatiko kakailanganing  tulungan natin ang sistema na  ma- drain ang sistema para ito hindi magbara .


tungkol sa diabetes ., hpv anti cervical cancer



http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2012/11/now-i-know-i-am-diabetic.html
- Artikulo na sinasabing mayroon siyang DIABETES

http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2012/12/what-is-diabetes.html
- Artikulo nagpapaliwanag "Ano ang DIABETES? "  bagamat sa english at galing sa wikipedia hindi tinalakay saan  galing o paano nagkakaroon ng diabetes

http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2012/12/can-diabetes-cause-vertigo.html
- artikulo tumutukoy na sa kanyang karanasan na pagkahilo ay posibleng may relasyon sa diabetes

 http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2013/03/episodes-of-high-and-low-blood-sugar.html
- artikulo na tumutukoy sa pag taas at pagbaba ng blood sugar dulot ng mga aktibidad at research sa mga gamot na iniinom

 http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2015/04/napatunayan-na-walang-vertigo-at.html
- bahagi sa artikulo ang pagsusuma na nalagpasan ang diabetes dahil pagbabago ng diet , di na paginom ng metformin  bagamat posibleng bumalik ang diabetes kapag bumalik sa dating diet

 http://www.telegraph.co.uk/news/health/news/6178045/Two-thousand-schoolgirls-suffer-suspected-ill-effects-from-cervical-cancer-vaccine.html

 http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2013/09/03/hpv-vaccine-anti-cancer-vaccine.aspx

 https://thetruthaboutcancer.com/hpv-vaccination-cervical-cancer/

Saturday, February 25, 2017

Tungkol sa "fatty liver" art 1

Karamihan sa mamamayan o pinoy ay wala o kulang ang pangunawa sa usapin ng kalusugan. Kung mayroon mang alam , ito ay ang kinagisnan o ang komersiyalisadong panggagamot o di natural. Bagamat mayroon nang nalalaman kaugnay ng isang sakit o naranasan na patuloy pa rin na ginagawa kung ano ang bawal, sa paniniwalang di siya magkakasakit. Tila naniniwala ding sa panalangin o paniniwala sa diyos hindi siya dadapuan ng sakit.    Ang pinanggagalingan ng sakit ay galing sa mateyal na  kinakain o anumang pinapasok sa katawan ,  mga gawi o lifestyle na ginagawa sa araw araw na pinagmumulan ng sakit at  DNA na nagpapakita na mahinang parte nito sa ating katawan. 

Di rin ganuon ka seryoso ang gobyerno at umiiral na sistema ng lipunan para matutukan at maging malusog ang mamamayan. Komersiyalisado ang pangunahin sa usapin ng kalusugan , kulang o walang edukasyon para sa mamamayan sa usapin ng kalusugan.  Kaugaliang umiiral di alintana kung magkakasakit , hal. pwedeng mag inuman dahil iinom naman ng gamot para sa sakit. 

Kung mayroon isang sakit , mahalagang maunawaan ang mga sumusunod

-  Ano ang parte ng katawan ang apektado ?
-  Ano ang " function" ng parte ng katawan na ito ?
-  Ano ang sakit ?  saan nakukuha ang sakit ?
-  Ano  ang mungkahing  "management " sa sakit na ito ?

Sa artikulong ito tatalakayin natin ang tungkol sa "fatty liver " sa tagalog may taba sa liver ang ibig din sabihin na hindi nakakagalaw ng tama ang liver o atay sa dapat niyang trabaho para sa katawan.

Ano ang atay o liver at ano ang trabaho nito para sa katawan o kalusugan ng isang tao?


Ayon sa wikipedia ;

The liver is a vital organ of vertebrates and some other animals.[2] In the human, it is located in the upper right quadrant of the abdomen, below the diaphragm. The liver has a wide range of functions, including detoxification of various metabolitesprotein synthesis, and the production of biochemicals necessary for digestion.[3]
The liver is a gland and plays a major role in metabolism with numerous functions in the human body, including regulation of glycogen storage, decomposition of red blood cellsplasma protein synthesis, hormone production, and detoxification.[3] 
It is an accessory digestive gland and produces bile, an alkaline compound which aids in digestion via the emulsification of lipids. The gallbladder, a small pouch that sits just under the liver, stores bile produced by the liver.[4] The liver's highly specialized tissue consisting of mostly hepatocytes regulates a wide variety of high-volume biochemical reactions, including the synthesis and breakdown of small and complex molecules, many of which are necessary for normal vital functions.[5] Estimates regarding the organ's total number of functions vary, but textbooks generally cite it being around 500.[6]
There is currently no way to compensate for the absence of liver function in the long term, although liver dialysis techniques can be used in the short term. Artificial livers are yet to be developed to promote long term replacement in the absence of the liver. As of now,[8] liver transplantation is the only option for complete liver failure.

Ano ang trabaho ng atay ? 

Sa loob ng katawan , ang atay ay gumagampan parang isang kumplikadong "chemical factory" sa loob ng  24 oras ,  pino proseso niya ang lahat ng ating kinakain, hinihinga at nakakaskas sa ating mga balat.   Sa ilang detalye ;  

 *  Ang atay ay naglilinis ng dugo  - sinisira nito ang mga lason sa katawan , isinasaayos ang metabolismo ng alcohol at ibang kemikal sa katawan.

*  Iaayos ang supply ng pangangailangan pagkain ng katawan -  magbuo, mag imbak at mag suppy ng glucose upang maging alerto ang pag iisip at maging masigla ang katawan,  pagpapalabas ng mga taba

* Nagmamanupaktura ng mga kakailanganing mga protina para sa pagtransport ng sustansiya sa dugo,  pamumuo ng dugo , paglaban sa impeksyon

* Isaayos ang pag balanse ng mga "hormones" - hormon sa sex,  hormon sa thyroid, hormon sa cortisone at adrenal

*Nagsasaayos ng "cholesterol"  -  nag produce din ang atay ng cholesterol na kung saan maari itong mga  mabuti o masama  

*Isinasaayos din niya ang mga mahahalagang bitamina at mineral 

* Nag produce ito ng "bile juice" na  iniimbak sa gallbladder na tumutulong sa pag digest ng mga taba at tumutulong din ito sa pag alis ng mga lason sa katawan

Kung susuriin napakahalaga ng trabaho ng ating atay sa buong katawan dahil dito pino proseso ang lahat ng ating kinakain , hinihinga at pumasok sa ating mga balat.  Kapag ito ay di na normal ang trabaho , hindi nito magagampanan ang kanyang gawain  at buong katawan ay apektado dahil ang kanyang pino proseso ay kaialgan ng buong katawan at pinadadaloy ito sa ating mga ugat sa porma ng dugo. 

Ano ang "FATTY LIVER" 

Kung pagbabatayan natin ang mga impormasyon nakalahad sa itaas , sinasabing isang trabao ng atay ay  mag produce din ng taba at i balance din ito sa  "good" at  "bad cholesterol.  Di ba taba din ito ngunit iba ang "FATTY LIVER "  
Ayon sa wikipedia , ang " Fatty liver" ay isang condition na kung saan masyadong maraming taba ang nasa atay ( tawag dito ay vacuoles of triglyceride)  Dahil sa ibat ibang dahilan ito ay isang sakit na kung saan ang dahilan ay sa sobrang pagpasok ng alcohol sa katawan at obese ( mayron o walang resistensiya sa insulin) . Ang kondisyon ay sinasabing may kaugnayan din sa metabolismo, Kapag naapektuhan ang metabolismo sa fats, maaring magkaroon ng sobrang taba sa atay. 

( Obese ay isang kondisyong medikal na kung saan ang sobrang taba sa katawan ay nagdudulot na ng ibang epekto sa katawan.  Sinasabing obese kapag ang BMI ( body mass index) ay masasabing overweight batay sa kanyang idad at pangangatawan,  ) 

Non Alcoholic Fatty Liver  -  ibig sabihin  pagkakaroon ng fatty liver ay hindi sa alcohol . Ang taong may fatty liver ay nakakaramdam ng  pagod at pananakit ng tiyan. Ang sobrang taba ay nagbubunga ng " pamamaga ng atay" , kung kayat  nararamdaman ay "poor appetite, pagbaba ng timbang, pananakit ng tiyan, panghihina at  pagkabahala. 

                        Alin sa ibaba ang gusto natin ? 


                                 A                               B 
                      Ito sabi ng isang duktor , pinoy ito 

FATTY LIVER: ALAGAAN ANG IYONG ATAY
By Dr. Willie T. Ong (Share and TAG a friend)

Ang fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver ka, kadalasan ay mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, blood sugar at uric acid. Malamang ay sobra ka din sa timbang at malapad ang tiyan.
Malalaman na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng Ultrasound ng atay o Ultrasound of the Whole Abdomen. Minsan ay lumalala ang fatty liver at umaabot sa pamamaga ng atay at liver cirrhosis.
Para maagapan ang fatty liver, sundin ang mga payong ito:
1. Itigil ang pag-inom ng alak. Kahit isang patak ng wine, beer or hard drinks ay huwag nang subukan pa. Ihinto na rin ang paninigarilyo.
2. Magpapayat kung sobra ka sa timbang. Kapag nagbawas ka ng timbang, puwedeng mabawasan din ang taba sa iyong atay.
3. Umiwas sa pagkain ng matataba (oily) at matatamis na pagkain. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka. Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea.
4. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng maberdeng gulay at isda. Puwedeng kumain ng prutas pero huwag din sosobrahan ito dahil ito’y matamis din.
5. Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo. Kapag nabawasan ang taba sa iyong katawan, mababawasan din ang taba sa atay.
6. Kung ikaw ay may diabetes, gamutin ito. Kumonsulta sa inyong doktor.
7. Kung mataas ang iyong kolesterol sa dugo, ibaba ito sa pamamagitan ng diyeta at gamot.
8. Kumain ng yogurt. Ayon sa isang pagsusuri, may tulong ang good bacteria sa yogurt sa paggamot sa fatty liver. Hindi pa ito tiyak pero pwede ninyong subukan.
9. Huwag basta-bastang uminom ng kahit anong tableta, supplements o vitamins. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Itanong muna sa inyong doktor kung makasasama ba ito sa iyong atay.
Sadyang dyeta, exercise at paggamot sa diabetes at mataas na kolesterol ang lunas sa fatty liver. Alagaan natin ang ating atay.

Para sa TIPS, paki-LIKE ang aking ENGLISH page - Dr Willie Ong's Health Tips

Imumungkahi din ng "Search for Personal Health" ang diet na mag detoxify sa atay , magpapalakas ng atay , mga gawi na dapat sundan para mapangalagaan ang atay at herbal na gamot di gamot na gawa sa di natural o may halong kemikal..

 

Thursday, February 16, 2017

Nettle halamang gamot para sa prostrate health art 2

Sa pagsasaliksik maraming mga impormasyon ang matutunghayan sa ibat ibang sakit na nalulunasan ng natural at ng synthetic na gamot.  Sa dami nga nito hindi na natin malaman ano ang dapat na gamitin.  Kaya't  ang magagawa lang ng blog na ito ay ibigay sa inyo ang mga impormasyon na makakatulong hindi ito rekomendasyon para inyong sundin may mga propesyunal para dito. Para sa akin kailangan ko rin ang mga impormasyong ito para mas maunawaan ano ang mga sakit , bakit ito nangyayari at ano ang mga naging karanasan na sa paglunas sa mga ito. Kayat sa pagbabahagi ng mga datos na ito lalagyan ko ng mga tanda ang mga artikulo para matukoy kung ito ay pang ilan na sa pareho ding usapin na tinatalakay ngunit naiiba lang ang laman.

Sa usapin ng problema sa prostrate natalakay sa nakaraan na may iniinom akong prostrate health support supplement ito ang link sa nabanggit na artikulo 

http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2017/01/tuloy-tuloy-na-pag-inom-ng-supplement.html  -art1


Sa nakaraan di natalakay kung ano ba ang prostrate at paano ito nagiging problema ;

The prostate (from Ancient Greek προστάτης, prostates, literally "one who stands before", "protector", "guardian"[1]) is a compound tubuloalveolar exocrine gland of the male reproductive system in most mammals.[2][3] It differs considerably among species anatomically, chemically, and physiologically.
The function of the prostate is to secrete a slightly alkaline fluid, milky or white in appearance, that in humans usually constitutes roughly 30% of the volume of the semen along with spermatozoa and seminal vesicle fluid.[4] Semen is made alkaline overall with the secretions from the other contributing glands, including, at least, the seminal vesicle fluid.[5] The alkalinity of semen helps neutralize the acidity of the vaginal tract, prolonging the lifespan of sperm. The prostatic fluid is expelled in the first ejaculate fractions, together with most of the spermatozoa. In comparison with the few spermatozoa expelled together with mainly seminal vesicular fluid, those expelled in prostatic fluid have better motility, longer survival and better protection of the genetic material.
The prostate also contains some smooth muscles that help expel semen during ejaculation. https://en.wikipedia.org/wiki/Prostate

Ayon sa wikepedia ang prostrate sa griyego ibig sabihin protector. Makikita naman sa larawan kung nasaan ang prostrate sa male reproductive system. Ang trabaho ng prostrate gland  ay mag "secrete" ng alkaline fluid, kasama ang sperm. Ang semilya ng lalake ay alkaline na nag neutralisa ng acidity ng vaginal tract at nagpapatagal din ng buhay ng semilya,  Ang prostatic fluid ay unang lumalabas at sumusunod ang semilya. 

Benign prostatic hyperplasia (BPH) occurs in older men;[25] the prostate often enlarges to the point where urination becomes difficult. Symptoms include needing to urinate often (frequency) or taking a while to get started (hesitancy). If the prostate grows too large, it may constrict the urethra and impede the flow of urine, making urination difficult and painful and, in extreme cases, completely impossible.

Ang partikular na tinatalakay natin dito ay itong BPH na nangyayari sa may idad na kung saan ang prostate gland ay lumalaki at nagiging mahirap ang pag ihi. Ang mahirap na pagihi ay posible ding magmula sa ibang dahilan ngunit ang BPH ay mas laganap sa older person.




Dahilan ng paglaki ng prostrate gland

Ang sinasabi sa mga research ang dahilan ng paglaki ng prostrate gland ay dahil sa pagdami ng mga cells ( hyperplesia). Ang dahilan ng pagdami nito ay di pa rin natutuklasan. Ang sinasabi ay tungkol sa madaming factors, yong tungkol sa  androgens ( male hormones) , estrogens at iba pang mga usapin tungkol sa cell. 

Ano ang mga posibilidad na magawa sa paglaki ng prostrate gland ; 

Kung naiipit ang daanan ng pag ihi ng mga lalake , mas magiging madalas ang iyong pagihi na pwedeng magkaroon ka ng impeksyon.  Pwedeng maapektuhan ang daanan ng ihi o maapektuhan din ang bato ( kidney) o liver. Kaya kailangang matutunan kung paano maimanage ang ganitong problema na BPH. 

Ang mahalaga sa ngayon ay maiwasan na lalo pang lumaki ang prostrate gland na lalong magpapahirap sa pagihi kayat dapat ay patuloy lang na maabot na maging normal ang daloy ng pagihi at maiwasan ang impeksyon. Kaalinsabay ay ang pagtuklas din kung paano mapapaliit ang prostrate gland na siyang dahilan ng panggagalingan ng problema. 

# Tuloy tuloy na paginom ng supplement na makakatulong sa prostrate health
http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2017/01/tuloy-tuloy-na-pag-inom-ng-supplement.html  -art1

-# http://www.fhfn.org/forget-prostate-problems-natural-treatments/

Sa artikulong ito tungkol sa problema sa prostrate inirerekomenda ang natural na pagmanage ng BPH

  Paggamit ng corn silk 
Pakuluan ang 4 na cups ng tubig at ilagay ang 6 na fresh corn. Kapag ito ay kumulo na, palamigin at kunin o isalin inumin ang katas ng mais tatlong beses sa araw araw.  Sa aking palagay makakatulong ang pag inom ng corn silk tea para maging tuloy tuloy ang daloy ng pag ihi. 
Apple Cider Vinegar
Ang pag inom ng ACV ay makakatulong sa enlarged prostrate dahil sa ito ay mayroong astringent properties na nakakatulong sa pagpapaliit ng namamagang prostrate glands. Tumutulong din ito sa pagbawas ng timbang at makakatulong sa kumplikasyon na dulot ng enlarged prostrate UTIs. 
Paghaluin ang 1 - 2 tbsp ng unfiltered ACV at 1 tbsp ng honey sa maligamgam na tubig at inumin ito dalawang beses sa mag hapon.
Maari ding gamitin ang solusyon ng 1 cup ng ACV sa bathtub at magbabad sa loob ng 10 hanggang 15 minuto , ilang beses sa loob ng isang linggo
Sitz Bath
A contrast sitz bath is a soothing and effective remedy for enlarged prostate because it will help you relax the pelvic muscles, reduce swelling and promote healing. On the other hand, the cold bath will ease the pain.
  • First of all, fill your bathtub with warm water and add half a cup of Epsom salt to it.
  • After that, fill another bathtub with cold water and add several drops of lavender essential oil to it.
  • You should first sit in the bathtub with hot water up to your waist and sit there for 3 minutes.
  • Then, sit in the bathtub with cold water and stay for 1 minute.
  • Do this 2 more times. The last bath should always be in the cool water.
  • Enjoy a sitz bath a few times each week.
Note:Do not follow this remedy if you have acute bacterial prostatitis.
Rye Grass Pollen Extract
Three types of grass pollen are used in the preparation of rye grass pollen extracs – rye, timothy and corn. A review of study was published in BJU International which says that men who were taking rye grass pollen extracts has improvement in their symptoms compared to those who were taking a placebo.
This extract is able to help you prevent the need to get up during the night and use the bathroom. It can also help men urinate more completely, so there is less urine left in the bladder afterwards.
Stinging Nettle
Its root contains essential bioactive phytochemicals that helo shrink prostate tissue so it can lessen BHP symptoms. It can also be used to encourage the elimination of inflammatory wastes through urination because it is a natural diuretic.
All you have to do is to add 1 teaspoon of dried nettle leaves in a cup of hot water, steep for 10 minutes and then strain it. You should drink this tea 2-3 times on a daily basis.
Another solution is to take a stinging nettle supplement. The usual amount is 300 mg daily. However, you should first consult a doctor before taking a supplement for the correct dosage for your condition.
Source: naturalherbsandmedicine.com
                     http://www.barenaturaltruth.com/natural-cures-enlarged-prostate/

Ang mga impormasyon sa itaas ay mga datos na maaring magamit sa pangunawa at paano bigyan ng solusyon ang problema sa prostrate gland ngunit kailangang sumangguni kayo sa dalubhasa para mas magabayan . 

Saturday, January 28, 2017

Pangangalaga sa Mata

Isa sa pinakamahalagang parte ng katawan ang mata dahil napakahirap isipin na mawalan ka ng paningin . Ang mga di na nakikita sabik na makakita at di nila kailangang pangalagaan ang kanilang mata  dahil sa kanila inaasam nila na makakita yon ang prioridad . Ang dati nang nakakakita kung di "conscious" di alam ang pangangalaga sa katawan ay malaking maging epekto sa pang araw araw na buhay ng isang normal ang paningin.  Kaya dapat na pahalagahan ang pag iiingat at pag aalaga sa mga mata. 

Sa ngayon na henerasyon ng internet lahat ata ng bagay ay nakaugnay na sa internet at ang paggamit ng computer ay isa nang pangangailangan at kung palagian kang gumagamit nito ay tiyak na unti unting pinahihina nito ang iyong paningin, lalo na sa mga may idad bukod sa paghina ng katawan dahil sa idad  dagdag pa ang paggamit ng computer na lalo pang pahihirapan ang iyong mga mata. Sa aking karanasan at estado kailangan ko ang computer sa araw araw kung kayat tiyak akong hihina ang aking paningin kung kayat pinakamahalaga na makapag saliksik paano iwasang humina ang mga mata at pangalagaan ito.  Mayroon na akong artikulo na nagawa nuon tungkol sa paghina o paglabo ng mga mata , bagamat general ang nilalaman nito nais kong muling idagdag pa ang ilang artikulo na may kinalaman sa usapin ng pangangalaga sa mata at ito ay akin mismong gagawin. 

       http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2015/05/paghina-o-paglabo-ng-mga-mata.html

Sa aking pagsasaliksik o patuloy na pagsubaybay sa aking FB account tuloy tuloy ang mga artikulong lumalabas sa usapin ng kalusugan na aking naiisave sa aking page , isa sa aking hinahanap ay ang tungkol sa usapin ng pangangalaga sa mga mata. Ang  artikulo sa ibaba ang  nagbigay pansin sa akin; 

TAKE THREE TABLESPOONS A DAY-THIS REMEDY WILL IMPROVE YOUR VISION AND MAKE YOUR HAIR GROW FASTER

At the beginning of this article you need to know that many people who have problems with their hair also have a problem with weak eyesight. However there is no need to panic because nature offers you many solutions for these problems. And now here in this article we will show you the recipe for this amazing mixture that will solve your problems 
Namely all you have to do is eat this healthy mixture and soon your vision and the health of your hair will be improved. After only few days you will notice an improvement and you will feel a lot better. The best thing about this remedy is that it is very easy and simple to prepare it and it will not take too much of your time.
Necessary ingredients:
  • 200 grams of linseed oil
  • 4 lemons
  • 1 kilogram of honey
  • 3 small garlic clover
  • Preparation 
For preparing this remedy first you need to clean the garlic and put it in the blender along with the lemons. Now mix nicely these ingredients. Next thing you need to do is add the linseed oil and the honey and blend nicely the mixture. Then you need to put the obtained mixture in a jar. Close nicely the jar and store it in the fridge.
  • As for the consummation you need to take one tablespoon of this mixture half an hour before your meal. However you need to note that for consuming this remedy you must use a wooden spoon. Consume this mixture three times a day before each meal.
    This mixture will help you improve your overall health and will protect you from various different illnesses. In only several days you will notice a significant improvement. That is why you need to start using this remedy and recommend it to your friends and family.
    http://intellectunchained.com/take-three-tablespoons-day-remedy-will-improve-vision-make-hair-grow-faster/
  • Ang agam agam ko sa artikulo sa itaas ay tungkol sa "linseed oil". Sa aking pagsasaliksik ang linseed oil ay galing din sa flaxseed  at dalawang klase ito  isang edible at di edible . Ang di edible  ay yong linseed oil na ginagamit sa preservation ng  mga kahoy , isang halimbawa dito ay gamit sa mga furnitures , kaya mayroon namang isang klase yong edible.  
Kaya di lahat ng mga artikulo na naka post ay posibleng totoo , kaya ang mga ito ay dapat lang na itratong mga impormasyon at hindi  " medical or nutrition advice". Mabuting sumangguni sa mga doktor at propesyunal. 


Wednesday, January 11, 2017

Palagian na lang bara ang ilong o sinusitis

Ang pagbabara ng ilong sa inglis ay tinatawag na "sinusitis" at kung palagian na lang itong nararamdaman  masasabing ito ay "acute sinusitis".  Kapag mayroong sinusitis nahihirapan ang taong huminga , nanakit ang palagid ng ilong , mata , mukha at nagdudulot din ng sakit ng ulo. Ang pagbabara ng ilong o pamamaga ng mga sinus ay nanggagaling sa infection,  allergy at iritasyon ng mga sinuses. 



 Sa larawan makikita at mahahambing ang  natural na mga sinus  at mayroong sinusitis . Sa larawan sa itaas  makikita na walang sipon " mucus"  ngunit sa ibaba makikita na mayroon nang sipon at nagkakaroon na ng pagbabara sa daanan ng mga sinus . Ang pamumuo ng sipon 'o mucus"  ay dahil sa mga allergy na naaamoy at nagreresulta ng infection , ang pagkakaroon ng mucus ay natural na reaksyon ng sinus , pagkakaroon ng "mucus" o sipon para labanan ang infection na dulot ng bacteria. 

Ang pagkakaroon ng sinusitis ay hindi na bago sa aking asawa dahil sa Pilipinas ,  maliit pa siya ay sipunin na siya at masasabing "acute sinusitis" na ang kanyang karamdaman na ito.  Nagbago lang ito ng  mapunta siya dito sa Canada . Malaking epekto sa di na pagsumpong ng kanyang sinusitis ay ang magandang klima dito sa Canada , nabawasan ang kanyang allergy na siyang nagdudulot sa kanya ng sinusitis.   Bagamat masasabing malaking kabawasan na ang di niya pagkakaroon ng sinusitis hindi pa rin ito nawala ng tuluyan  dahil ngayong sa panahon ng tag lamig o winter , di maiiwasan ang pagbabara ng kanyang ilong o masasabing  sumusumpong na naman ang "sinusitis" . 

Kayat dahil nga dito  kailangan magkaroon ng lunas sa kanyang pagbabara ng ilong at sa pagsasaliksik  natunghayan ang mga sumusunod na  impormasyon na posibleng makatulong partikular sa  amin ang natural na pagbigay ng solusyon sa mga ganitong karamdaman ay kinakailangan dahil  dito kailangan mo pang makipag appoint sa duktor at bibili ka pa ng gamot kaya dagdag na gastos.  At sa paniniwala sa natural na paggagamot mas binibigyan namin ito ng prioridad dahil sa maraming bagay ; 


"Mula sa facebook  http://www.healthyfoodhouse.com/mix-2-ingredients-say-goodbye-sinusitis-phlegm-flu-rhinitis/

The most common of these is sinusitis that represents inflamed and swollen sinuses, triggered by an allergic, bacterial, fungal, and viral infection. The most frequent symptoms of this condition are thick nasal mucus, headaches, cough, congestion, clogged nose, fatigue, and facial pain.
To resolve this health issue, there is no need to over the counter drugs and antibiotics. You can simply turn to the natural remedies and learn how to deal with this unpleasant condition once and for all:
The two ingredient recipe to cure sinusitis, phlegm, flu, rhinitis and others:
  • 1 medium-sized ginger root
  • 200 ml/ 6.7 oz. Apple cider vinegar
Directions
First, grate the ginger and mix it with 2 dl. apple cider vinegar in a glass bowl. Pour mix in a glass jar and seal with a lid well. Store and keep it at a room temperature for ten days. Shake the remedy occasionally so you get best effects.
Consumption
To get the most favorable effects, place head over the jar and cover it with a towel. Start inhaling the mix’s aroma. Proceed for 5-10 min. Next, before going to bed, take a handkerchief, soak it in the mixture and place it on your neck.  Let the cloth sit overnight.
Repeat therapy for a couple of days until you witness positive effects.
And you are dealing with sinusitis, here is a second ginger recipe that will help you with it:
First, boil 50 grams of ginger root. Remove from heat and inhale with a towel over your head. The ginger spiciness will relieve the sinuses and help you with congestion problems.
Nothing works better than natural cures, so we strongly advise you to try these two recipes before anything prescribed.
Ayon sa impormasyon dalawang paraan ang maaring preparasyon para maginhawahan sa sinusitis ang una  ay ang paghahanda ng sangkap ng luya at apple cider vinegar sa isang jar na kailangang itabi pa ng 10 araw bago gamitin . Ang paggamit nito ay sa pamamagitan ng paglanghap ng aroma ng naihandang sangkap.  Ang ikalawa naman ay pagpapakulo ng luya at paglanghap din ng aroma ng pinakulong luya. Sana ay makapagbigay kayo ng  comments kung ang sakit na sinusitis ay inyong naranasan ,  at o ganito rin ang inyong naging solusyon o mayroong iba