Sa mga nakaraang artikulo nilathala natin ang athritis bilang isa sa nagiging sakit sa tuhod ngunit mayroon ding sakit sa tuhod na dulot naman ng paglalakad o pagtakbo. Ang pagsakit ng tuhod na aking sinasabi ay dulot ng sobrang paglalakad dahil sa ito ay kailangan na bahagi ng trabaho na aking ginagawa sa ngayon. Mas partikular ang pagsakit ng tuhod sa gilid ng tuhod , tingnan ang larawan sa ibaba;
Partikular sa gilid ng kanang tuhod ko nararamdaman ang discomfort at hindi naman masakit ngunit posibleng lumalala ito kung hindi bibigyan ng panggagamot. Sa larawan makikita na mayroong mga "tendons" na nakakabit sa mga buto , kayat ang posibleng pinagmumulan ng sakit o discomfort ay pagkiskis ng tendons sa mga buto.
Sa aking pagsasaliksik sa mga posibilidad na pinagmumulan ng pananakit ay ;
Iliotibial Band Syndrome - ang sakit na ito ay ang sobrang gamit sa "tendons" na mas nararanasan ng mga cyclist, runners at ang mga long distance walkers. Ang sakit ay nararamdaman sa gilid o labas ng tuhod na nasa ibabaw ng joint.
Ang discomfort na dulot ng sakit ay pumipigil sa partisipasyon ng sinumang mayroong ITB .
Ano ba ang Illiotibial Band Syndrome ?
Ang ITB ay mahabang tendon ( litid ) ito ang nagdudugtong ng masel sa buto. Nakadugtong ito mula sa itaas ng pelvis (balakang) na tinatawag na tensor fascial lata. Ang ITB ay nasa gilid ng hita at naka konekta sa labas na nasa gilid ng tibia na nasa gitna ng knee joint. Kapag nakabaluktot ang tuhod o diretso , dumadaosdos ang tendons sa gilid ng "female condyle" . Ang bursa ay tila isang lalagyan ng mayroong "fluid" na nagpapadulas upang maiwasan ang pagkiskis o friction. Ang bursa ay nasa pagitan ng femoral condyle at ITB.
Paano nagkakaroon ng ITB?
Ang ITB ay normal na nagpabalik balik sa lugar ng femoral condyle kapag ang tuhod ay nakabalutot at nakadiretso. Nagkakaroon ng problema ang bursa o nagkakaroon ng "inflammation" kapag ang ITB ay nagsimulang lumagotok
sa tuloy tuloy na paggalaw mula sa paglalakad, pagtakbo at pagbibisikleta.
Sinasabi din ng mga eksperto na nararanasan ang ITB kapag mayroong ang mga sapatos ng mga runners ay tumatakbo sa mga "rugged terrain" na kung saan ay di pantay ang mga tinatakbuhan. Mayroon ding tinatawag na foot pronation na nagdudulot ng ITB ( Pronation ng paa ay nangyayari kapag ang arch ng paa ay nagiging flat)
Ano ang maaring gawin na hindi surgical sa ITB ?
Ang kadalasang ginagawa kapag nararanasan ang ITB ay ang paglalagay ng hot or cold compressed. Maari ding gamitin ang ultrasound para maalis ang sakit at pamamaga.
Ang mga duktor ay magrerekomenda din ng "physical theraphy" na kung saan aalamin ang mga sintomas , history at bigyan ng ebalwasyon. Ang "stretching o pagpapatibay na ehersisyo at ang kumbinasyon na paggamit ng mga knee brace, kneecap taping o paglalagay ng shoe inserts para magkaroon ng balanse at join alignment ay malaking tulong, Maari ding magpayo ang duktor tungkol sa aktibidad na pag warm up at pageehersisyo, sapatos na dapat gamitin at pagpipili ng mga terrain na dapat na gamitin.
Ang pinaka - worse na maaring irekomenda ng duktor ay ang injection ng cortisone. Isa itong anti inflammatory injection para maalis ang sakit at pamamaga.