Monday, November 24, 2014

Ibat ibang lunas sa ubo at sipon

Pineapple juices; 

Kung titingnan ang pineapple juice ay ang natural na walang kemikal na "cough syrup". Sa panahon ngayon ng taglamig at sakit na flu at sipon , ito ang prutas na kailangang  isama natin sa ating diet.

Ang pineapple juice ay  isang anti-inflammatory at taga lunas ng ating ubo.  Nilulunasan nito ang iyong namamagang lalamunan, pinalalabas nito ang "mucus" at tinutulungan nitong malunasan ang may sakit sa sipon ng may limang beses.



Ang pineapple juice ay mayaman sa bitamina C, na mahusay kapag ikaw ay may sakit. Ang immune system ng katawan ay binubuo ng 70% na bitamina C , kung kayat madaling maubos ito kapag may sakit. Kung kayat  mas mainam na uminom ng mga natural na bitamina katulad ng pineapple juice.

Salamat sa  March for Monsanto at  http://higherperspective.com/2014/11/pineapple-juice-cough.html#k9kLQOP5054VWoVK.99 para sa  artikulo na ito.


Wet Sock Treatment; Natural na panlunas sa flu at sipon

 Parang kakaiba itong paraan na ito pero epektibo ito ayon sa mga eksperto sa mga natural na paraan ng paggagamot.  Ang tawag sa paggagamot na ito ay  "heating compress" . Ang ibig sabihin nasa sa katawan na ang bahala para pag initin ang lamig 

ayon kay Dr Wallace. Umaaksyon ang katawan dahil sa malamig na medyas sa pamamagitan ng  pagpapabilis ng sirkulasyon ng dugo sa katawan,  at  pinakikilos din nito ang "immune system'  . Kailangang  pagalawin ang immune system para labanan ang pagkakaroon ng sakit.
Pinaiinam din nito ang kondisyon ng "respiratory passages" sa pamamagitan ng pag- decongest sa respiratory passages, ulo at lalamunan,  Mayroon din itong sedation effect, at marami din  ang nagsasabing mas nakakatulog sila ng mahimbing habang isinasagawa ang treatment na ito.  Mahusay at ginagawa din ito sa pag alis ng sakit at pagpapagaling sa mga sitwasyong may impeksyon ang isang bahagi ng katawan. 

Pamamaraan: 

Step 1. Basain ang medyas sa isang bowl ng tubig na malamig. Kapag basa na ang medyas
              pigain ito para maalis ang sobrang tubig. 

Step 2  Ilagay ang mga paa sa isang timba ng mainit na tubig para mainitan ang mga paa. 
             Ibabad ang mga paa ng mga 10 minuto at habang ito ay mainit. 

Step 3 Alisin ang mga paa sa timba, tuyuin ito at isuot ang malamig na medyas at magsuot ng
             tuyong wool na medyas. ( kung nais masahin ng rosemary oil ang paa para sa mas 
             dagdag na benepisyo. Nakakatulong din ang rosemary oil sa sirkulasyon.

Step 4  Tumungo na sa higaan at siguraduhing ang mga paa ay kulob at may takip, dahil 
            di maging epektibo ang treatment na ito.

Salamat sa March Against Monsanto at Living Traditionally para sa artikulong ito http://livingtraditionally.com/wet-sock-treatment-natural-remedy-cold-flu/

Natural Remedy Against cough and sore throat
Ang unang hakbang sa recipe na ito ay ang pagpapakulo ng 250 milliliters ng gatas at hayaan itong lumamig. Tapos ay magdagdag ng isang kutsaritang butter at isang kutsaritang honey . Maghalo din ng isang pula ng itlog na sariwa at 1/4 na kutsarita ng baking soda. Inumin lamang ang resipeng ito sa loob ng limang araw.  Ang mga bata ay dapat kalahating kutsarita lamang ang inumin.  

Subukan din ang resipeng ito sa ibaba ,  Painitan ang resipe at inumin ang kalahati sa umaga at kalahati sa gabi. 
 
  • 2 teaspoons of olive oil
  • 2 teaspoons of lemon juice
  • 2 teaspoons of water
  • 1 teaspoon of honey
Salamat sa artikulong ito mula  sa Higher Perspective   http://higherperspective.com/2014/10/remedy-cough-drop.html#IRWGlTU568kYWvqd.99

No comments:

Post a Comment