10 MASUSTANSYANG PRUTAS
by Dr. Willie T. Ong (Like and Share po)
by Dr. Willie T. Ong (Like and Share po)
Sa nakaraang artikulo mababasa ang 36 na prutas, gulay at mga herb na naglilinis ng katawan o nag dedetox inaalis ang mga lason . Ang karamihan ng nabanggit na mga bagay ay di makikita sa Pilipinas kung kayat mahalaga din ang artikulo na ito bagamat hindi para sa detox kung hindi bilang masustansiyang mga prutas.
KAIBIGAN, heto ang 10 pinakamasustansyang prutas na ginawa ng Diyos para sa tao:
1. Saging – Mabuti ang saging sa mga nag-eehersisyo at sa may sakit sa puso dahil may taglay itong potassium. Para sa hindi makatulog at stressed sa buhay, nakapagpaparelax din ang saging dahil sa sangkap nitong tryptophan. Kumain ng 2 saging bawat araw para makaiwas sa sakit.
2. Mansanas – May vitamin C at anti-oxidants ang mansanas. Mahalaga na kainin din ang balat ng mansanas dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating katawan. Panlaban ang mansanas sa mataas na kolesterol, arthritis at sakit ng tiyan.
3. Maaasim na prutas tulad ng calamansi, dalandan, orange, at suha – Masagana ang mga ito sa vitamin C at panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis. Kapag kumakain ng dalandan, kainin din ang mga maninipis na fibers (pulp bits at membrane) dahil mabuti ito sa ating sikmura.
4. Strawberry – Naniniwala ang mga eksperto na panlaban sa kanser ang strawberry. Mag-ingat lang at may mga taong allergic sa strawberry. Hugasan maigi bago kainin.
5. Papaya – Mataas sa vitamin A at vitamin C ang papaya kaya nakatutulong ito sa ating kutis. Ang papaya ay may papain, isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at sa pag-regular ng ating pagdumi. Mataas din ito sa fiber.
6. Ubas – Ang ubas ay may tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser. Kumain ng ubas kung ika’y nagpapagaling sa sakit. At kapag kulang sa dugo at mahina ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla. Kaya paborito itong iregalo sa mga dumadalaw sa ospital. Hugasan maigi bago kainin.
7. Pakwan at melon – Panlaban ang mga ito sa sakit sa bato at pantog (kidney at bladder infection). Ang pakwan at melon ay punong-puno ng vitamin C at potassium. At kapag tag-init, ito ang kailangan ng ating katawan.
8. Buko – Ang buko juice at nakatutulong sa may kidney stones (bato sa bato). Nililinis din ng buko ang ating katawan.
9. Abokado – Ang abokado ay may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito, nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin B6 at vitamin E na pampakinis ng ating balat. Para hindi kumulubot ang mukha, kumain ng abokado.
10. Pineapple – Ang pineapple ay may bromelain na makapagpapalakas sa ating resistensya. May sangkap din itong manganese at vitamin B na nagbibigay lakas sa ating katawan.
Tandaan po ang listahang ito. Ipaalam sa magulang at ituro sa anak. Ipakita rin sa titser, para malaman ng lahat ang 10 pinakamasustansyang prutas.
Para sa dagdag tips, Like this page - Dr Willie Ong's Health Tips
Photo source: Ako C Kim page
No comments:
Post a Comment