Saturday, November 29, 2014

Ano ang di sinasabi ng duktor tungkol sa sipon at trangkaso?

Ang nakasanayan na nating kumbensyunal na paggagamot at ang industriya ng Parmasyetika ay sinasanay tayo na maniwala na " walang lunas" sa ordinaryong trangkaso at sipon , ang tanging panlaban lamang dito ay ang "vaccine" na may lasong kemikal at sa panahon ng flu at sipon mas kakailanganin ng mga gawang gamot para pigilan ang mga sintomas ng mga ito. 

Ang karaniwang sipon at trangkaso  ay dulot ng mga viruses. Kayat para maunawaan ang karaniwang sipon at trangkaso  sa ating katawan , kailangang maintindihan kung ano ang ginagawa ng mga viruses sa antas ng mga sellula. 

Natatandaan ba natin ang tinatawag na "cellular division" nuong klase natin sa science.  Dito itinuro ang mga "cells" ay tinatawag na parent cells, at sa proseso ng duplikasyon ng mga cell ( mitosis) at dibisyon ng mga cell (cytokinesis) ang bawat parent cells ay nahahati sa dalawang anak na cell o tinatawag na daughter cell. At ang bawat daughter cell ay kinikilalang parent cell na mahahati sa dalawang cell at 2 uling daughter cell at marami pang iba. 

Ang mga viruses ay kakaiba sa mga cells ng tao, dahil hindi ito nag-duplicate sa pamamagitan ng mitosis at cytokinesis. Ang mga viruses ay mga maliliit lang na bahagi ng gawang cell na nababalutan ng protina. 

Kaya't ang mga viruses ay hindi nag-reproduce sa sarili nila. Para lamang manatili ang mga viruses sa katawan ay sa pamamagitan ng paggamit ng metabolismo ng mga cellulla ng katawan para maparami nila ang kanilang sarili. 

Kayat kapag nakapasok na ang viruses sa isang cellulla ng katawan ito ang nangyayari; 

1. Ginagamit ng virus and mga sellula ng katawan para maparami nito ang sarili at binubuksan pa ang iba pang mga sellula upang ang mga bagong viruses ay lalong magpaparami. 

2. Ang mga viruses ay nagiging bahagi ng DNA na nagiging dahilan upang maipasa ang mga viruses sa mga 
daughter cell. Kapag napasa na ang virus sa mga daughter cell dito na mag duplicate muli ang viruses

Nandito ang susi kung bakit dapat unawain na ang ordinaryong sipon at flu , kung pahihintulutan na mawala ito ng kusa  na kailangan lamang ang pahinga ang katawan.

     Sa pag atake ng mga viruses , ang tinatamaan lang dito ay ang mga mahihinang sellula ng 
     katawan,  ang mga sellulla na ito ay matagal nang nababalutan ng mga sobrang dumi at 
     mga lason  na kung saan ay mahina at kayang atakihin ng mga viruses.  Ito ang mga sellula
     na gusto nating  mawala na at mapalitan ng mga bago.

Kung wala ang ating interbensyon ang ordinaryong 
sipon at flu ay isang natural na pangyayari sa katawan na hinahayaan nito na linisin ang mga sira nang mga 
sellula na kung wala ang viruses ay matatagalan itong matukoy, masira at malinis. 

Ang mga "uhug" na sinisinga sa ating mga ilong  ay naglalaman ng di mabilang na mga patay ng sellula ng ating katawan dahil sa duplication ( lytic effect ) ng mga viruses.

Kaya't sa pagsusuri natin sa nangyayari sa mga sellula kapag may sipon at flu ay isang natural na paraan ng pagpapanatili ng ating katawan para tayo maging malusog. Hanggat mayroon tayong sapat na pahinga, hydrated at may sustansiya ang ating katawan, di na kailangan pa ang mabakunahan o uminom ng mga gamot, pigilan ang mga barang sinuses. Ang lahat ng mga di komportableng sintomas na ito ay mga paraan ng katawan para mailabas ang mga dumi ng katawan at aksyon ng katawan para malagpasan ang flu at sipon.  Wasto rin naman na gumamit ng mga gamot katulad ng "aceminophen" kung na natin kaya ang sipon o flu at kung makakatulong naman ang gamot para tayo makatulog sa gabi. Bagamat mas mahusay kung iiwasan na ang pag inom ng mga medikasyon na pumipigil lamang sa na proseso na dinadaanan kapag may sipon at flu.


Hindi naman kailangang pag daanan natin ang proseso ng natural na paglilinis ng katawan. Kung mapapanatili lamang natin ang ating kalusugan at mapapalakas ang immune system mananatiling malusog din ang ating mga sellula.  Kakayanin ng ating sellula na maapektuhan ng mga viruses na aatake. 

Pagkakaiba ng ordinaryong sipon at flu ?

       Ang ordinaryon sipon ay nararanasan ng dahan dahan ..ito ay nagtatagal ng isa hanggang
      dalawang araw. Kapag mayron nito naramdaman mo pagod,  bumabahing, umuubo at
      mayroong uhog sa iyong ilong.  Wala naman itong lagnat,  ngunit kung mayroon  ito ay 
      bahagyang mataas sa normal na temperatura.  Ito ay nagtatagal ng mga  tatlo  
      hanggang apat na araw , ngunit pwede din na magtagal ng 10 araw hanggang dalawang
      linggo. 

      Ang Flu ay dumarating ng bigla at masakit.  Mararamdaman ang panghihina at 
      pagkapagod at mayroong  lagnat na 40"C . Mananakit ang mga masel at mga joints,  
      mararamdaman ang panlalamig o chilled at masakit din ang ulo at lalamunan.  Ang lagnat  
      ay magtatagal ng tatlo hanggang limang araw  ngunit mararamdaman ang  panghihina at  
      pagod sa loob ng dalawa o tatlong linggo.  

Bilang panghuli ;  Dahil ang sipon at flu ay parehong bunga ng mga viruses,  hindi kailangan ang  anti-biotics . Ang mga umiinom ng anti - biotics panlaban sa sipon at flu ay nakakaramdam ng  pansamantalang ginhawa,  dahilan sa ang anti- biotics ay mayroong anti- inflammatory effect.  Ang pansamantalang kaginhawahan ay  mayroong negatibong impact sa mga  "mahusay " na sellula na sinisira nito.  Kung  talagang kailangan ng tulong para sa pagmanage ng sakit sa panahon ng sipon at flu,  mas inirerekomenda na uminom ng maliit na dosage ng acetaminophen kaysa  anti- biotics. 

Bakit kaya di sinasabi ng mga duktor ang natural na pangyayaring sipon at trangkaso? 
 

Source: DrBenKim.com
http://www.realfarmacy.com/what-most-doctors-wont-tell-you-about-colds-and-flus/

Monday, November 24, 2014

Ibat ibang lunas sa ubo at sipon

Pineapple juices; 

Kung titingnan ang pineapple juice ay ang natural na walang kemikal na "cough syrup". Sa panahon ngayon ng taglamig at sakit na flu at sipon , ito ang prutas na kailangang  isama natin sa ating diet.

Ang pineapple juice ay  isang anti-inflammatory at taga lunas ng ating ubo.  Nilulunasan nito ang iyong namamagang lalamunan, pinalalabas nito ang "mucus" at tinutulungan nitong malunasan ang may sakit sa sipon ng may limang beses.



Ang pineapple juice ay mayaman sa bitamina C, na mahusay kapag ikaw ay may sakit. Ang immune system ng katawan ay binubuo ng 70% na bitamina C , kung kayat madaling maubos ito kapag may sakit. Kung kayat  mas mainam na uminom ng mga natural na bitamina katulad ng pineapple juice.

Salamat sa  March for Monsanto at  http://higherperspective.com/2014/11/pineapple-juice-cough.html#k9kLQOP5054VWoVK.99 para sa  artikulo na ito.


Wet Sock Treatment; Natural na panlunas sa flu at sipon

 Parang kakaiba itong paraan na ito pero epektibo ito ayon sa mga eksperto sa mga natural na paraan ng paggagamot.  Ang tawag sa paggagamot na ito ay  "heating compress" . Ang ibig sabihin nasa sa katawan na ang bahala para pag initin ang lamig 

ayon kay Dr Wallace. Umaaksyon ang katawan dahil sa malamig na medyas sa pamamagitan ng  pagpapabilis ng sirkulasyon ng dugo sa katawan,  at  pinakikilos din nito ang "immune system'  . Kailangang  pagalawin ang immune system para labanan ang pagkakaroon ng sakit.
Pinaiinam din nito ang kondisyon ng "respiratory passages" sa pamamagitan ng pag- decongest sa respiratory passages, ulo at lalamunan,  Mayroon din itong sedation effect, at marami din  ang nagsasabing mas nakakatulog sila ng mahimbing habang isinasagawa ang treatment na ito.  Mahusay at ginagawa din ito sa pag alis ng sakit at pagpapagaling sa mga sitwasyong may impeksyon ang isang bahagi ng katawan. 

Pamamaraan: 

Step 1. Basain ang medyas sa isang bowl ng tubig na malamig. Kapag basa na ang medyas
              pigain ito para maalis ang sobrang tubig. 

Step 2  Ilagay ang mga paa sa isang timba ng mainit na tubig para mainitan ang mga paa. 
             Ibabad ang mga paa ng mga 10 minuto at habang ito ay mainit. 

Step 3 Alisin ang mga paa sa timba, tuyuin ito at isuot ang malamig na medyas at magsuot ng
             tuyong wool na medyas. ( kung nais masahin ng rosemary oil ang paa para sa mas 
             dagdag na benepisyo. Nakakatulong din ang rosemary oil sa sirkulasyon.

Step 4  Tumungo na sa higaan at siguraduhing ang mga paa ay kulob at may takip, dahil 
            di maging epektibo ang treatment na ito.

Salamat sa March Against Monsanto at Living Traditionally para sa artikulong ito http://livingtraditionally.com/wet-sock-treatment-natural-remedy-cold-flu/

Natural Remedy Against cough and sore throat
Ang unang hakbang sa recipe na ito ay ang pagpapakulo ng 250 milliliters ng gatas at hayaan itong lumamig. Tapos ay magdagdag ng isang kutsaritang butter at isang kutsaritang honey . Maghalo din ng isang pula ng itlog na sariwa at 1/4 na kutsarita ng baking soda. Inumin lamang ang resipeng ito sa loob ng limang araw.  Ang mga bata ay dapat kalahating kutsarita lamang ang inumin.  

Subukan din ang resipeng ito sa ibaba ,  Painitan ang resipe at inumin ang kalahati sa umaga at kalahati sa gabi. 
 
  • 2 teaspoons of olive oil
  • 2 teaspoons of lemon juice
  • 2 teaspoons of water
  • 1 teaspoon of honey
Salamat sa artikulong ito mula  sa Higher Perspective   http://higherperspective.com/2014/10/remedy-cough-drop.html#IRWGlTU568kYWvqd.99

Friday, November 7, 2014

Cinnamon and Honey for Colds


Sa panahon ngayon na tag lamig dito sa Canada at iba pang mga lugar sa mundo marami ang siguradong dadapuan ng sipon at ubo  kung kaya't  anumang masaliksik natin  kaugnay nito ay siguradong makakatulong sa  mga tao.

Ang larawan na may gabay sa pag timpla ng cinnamon at honey ay inilathala at mula sa https://www.facebook.com/chef.skai.juice?fref=photo ,  kaya tayo ay nagpapasalamat sa artikulong ito.

10 Masustansiyang Prutas na Makikita sa Pilipinas


10 MASUSTANSYANG PRUTAS
by Dr. Willie T. Ong (Like and Share po)
Sa nakaraang artikulo mababasa ang 36 na prutas, gulay at mga herb na naglilinis ng katawan o nag dedetox inaalis ang mga lason . Ang karamihan ng nabanggit na mga bagay  ay di makikita sa Pilipinas kung kayat mahalaga din ang artikulo na ito bagamat hindi para sa detox kung hindi bilang masustansiyang mga prutas.


KAIBIGAN, heto ang 10 pinakamasustansyang prutas na ginawa ng Diyos para sa tao:

1. Saging – Mabuti ang saging sa mga nag-eehersisyo at sa may sakit sa puso dahil may taglay itong potassium. Para sa hindi makatulog at stressed sa buhay, nakapagpaparelax din ang saging dahil sa sangkap nitong tryptophan. Kumain ng 2 saging bawat araw para makaiwas sa sakit.

2. Mansanas – May vitamin C at anti-oxidants ang mansanas. Mahalaga na kainin din ang balat ng mansanas dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating katawan. Panlaban ang mansanas sa mataas na kolesterol, arthritis at sakit ng tiyan.

3. Maaasim na prutas tulad ng calamansi, dalandan, orange, at suha – Masagana ang mga ito sa vitamin C at panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis. Kapag kumakain ng dalandan, kainin din ang mga maninipis na fibers (pulp bits at membrane) dahil mabuti ito sa ating sikmura.

4. Strawberry – Naniniwala ang mga eksperto na panlaban sa kanser ang strawberry. Mag-ingat lang at may mga taong allergic sa strawberry. Hugasan maigi bago kainin.

5. Papaya – Mataas sa vitamin A at vitamin C ang papaya kaya nakatutulong ito sa ating kutis. Ang papaya ay may papain, isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at sa pag-regular ng ating pagdumi. Mataas din ito sa fiber.

6. Ubas – Ang ubas ay may tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser. Kumain ng ubas kung ika’y nagpapagaling sa sakit. At kapag kulang sa dugo at mahina ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla. Kaya paborito itong iregalo sa mga dumadalaw sa ospital. Hugasan maigi bago kainin.

7. Pakwan at melon – Panlaban ang mga ito sa sakit sa bato at pantog (kidney at bladder infection). Ang pakwan at melon ay punong-puno ng vitamin C at potassium. At kapag tag-init, ito ang kailangan ng ating katawan.

8. Buko – Ang buko juice at nakatutulong sa may kidney stones (bato sa bato). Nililinis din ng buko ang ating katawan.

9. Abokado – Ang abokado ay may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito, nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin B6 at vitamin E na pampakinis ng ating balat. Para hindi kumulubot ang mukha, kumain ng abokado.

10. Pineapple – Ang pine­apple ay may bromelain na makapagpapalakas sa ating resistensya. May sangkap din itong manganese at vitamin B na nagbibigay lakas sa ating katawan.

Tandaan po ang listahang ito. Ipaalam sa magulang at ituro sa anak. Ipakita rin sa titser, para malaman ng lahat ang 10 pinakamasustansyang prutas.

Para sa dagdag tips, Like this page - Dr Willie Ong's Health Tips

Photo source: Ako C Kim page
— with Jeanne Dolorzo and 48 others.

Sunday, November 2, 2014

(MAM) Pagkaing nag-dedetox at naglilinis ng inyong katawan

Ang artikulong ito ay hango mula sa March Against Monsanto (MAM)

Ang detoxification na dati nang ginagawa ng mga ninunuo natin libo libong taon na mula sa ibat ibang kultura ay nangangahulugan ng pagpapahinga,  paglilinis at pag nourish sa loob ng katawan.  Ang detoxification ay pagalis ng mga lason, pag-nourish ng katawan mga bitamina at mineral na kailangan ng katawan. Ang pag-alis ng mga lason sa katawan  ay makatutulong na ma protektahan ang katawan sa mga sakit at muling maibalik ang kalusugan.  Ang mga pagkain nag dedetox o naglilinis ng katawan ay nagpapalakas ng metabolismo,  nagsasaayos ng panunaw sa mga pagkain at nagbabawas ng timbang at nagpapatibay ng immune system ng katawan. 

1. Artichoke      

Tumutulong ito na mapahusay ang gawain ng liver (atay) na kung saan mas napapahusay ang pagaalis ng mga lason at iba pang bagay para tumagal ang buhay. Pinalalakas at pinadadami nito ang produksyon ng bile at dahil ang bile ang dumudurog sa mga pagkain na kung saan ay binabahagi ang mga sustansiya sa katawan, kung mas maraming bile , mas mainam.


2. APPLES     

Apples ay punung puno ng mahuhusay na sustansiya, nakukuha dito ang fiber, bitamina, mineral and ibang benepisyo katulad ng phytochemicals , katulad ng D-Glucarate flavanoids at terpenoids, Ang lahat ng ito ay nagagamit sa proseso ng detox. Ang apple ay mahusay na pinanggagalingan ng fibre pectin, na nakakatulong sa  pag- detox ng metals at mga food additives sa loob ng katawan,  Dapat lang na kainin ang mga organic na apple dahil ang mga non organic ay isa sa 12 mga pagkaing kinakitaan ng mga pestisidyo.  Ang mga apple na organic ay mayroong 15 porsiyento ng taas na anti- oxidant na di katulad ng ibang apples. 


3. ALMONDS       

Almonds ay ang pinakamahusay na pinagkukunan ng Vitamin E,  ang isang ounce nito ay may 7.3 mg ng alpha-tocepherol , Vitamin E, na kailangan ng katawan,  Mayaman din ito sa  fiber,  calcium, magnesium, at mga protina na nakakatulong para mabalanse ang blood sugar at maaalis ang mga kontaminasyon sa dumi.

4. ASPARAGUS    

Ang asparagus ay nagkakatulong na labanan ang pagtanda  at para maiwasan ang kanser. Tumutulong ito upang maging malusog ang puso, at mahusay itong  anti- inflammatory na pagkain. Nakakatulong din ito sa mga may problema sa liver. 

 5. AVOCADOS  

Ang mahiwagang prutas na ito ay punong puno ng "anti-oxidants" , nagpapababa ng cholesterol at pinalalapad nito ang blood vessel na binabara ang nakakasirang lason sa artery.  Ang Avocado ay may susansiyang tinatawag na "glutathione" na  kung saan pinipigil nito ang 30 ibat ibang klase ng carcinogen habang tinutulungan nito ang liver na alisin ang mga synthetic na lason. Ayon sa pananaliksik sa University of Michigan ang  mga may idad na mayroong mataas na level ng glutathione ay mas malusog at hindi magkakaroon ng atritis. Ang pagkain ng avocado ay nagbibigay ng mahusay na sustansiya at maayos na diet, sa pagkain ng asukal, mababang timbang, BMI, sukat ng baywang, mataas na good cholesterol at mataas na level ng lower metabolic syndrome. 

6. BASIL 

Ito ay mayroong anti bacterial na katangiang prutas at puno ng anti-oxidants para protektahan ang atay ( liver). Ang aktibong sangkap ay terpenoids. Ito ay mahusay sa pantunaw ng pagkain at detoxification. Sinusuportahan nito ang bato( kidney) at ang pagihi para mailabas ang di kailangang mga lason. Ang Basil ay kinilalang may katangiang anti-ulcer, mayroon ding anti-microbial na epekto laban sa mga bakterya, yeast, fungi at molds. Buto ng basil ay magagamit din sa constipation. Ang katangian ding anti cancer ng basil ay makikita sa kakayahan nitong maalis ang viral infections.

7. BEETS   

Ang isang kainan ng beets ay mas nagpapalusog kaysa sa iba pang mga pagkain. Hindi lang sa kaya nitong palakasin ang iyong energy at pababain ang blood pressure, kundi ang pagkain nito sa pangmatagalan ay nakakatulong labanan ang kanser, laban sa atritis, palakasin ang utak at magpababa ng timbang. Ang beets ay may sangkap ng phytochemicals at mineral para tingnan siya na "super fighter" sa mga impeksyon, tagalinis ng dugo at atay.  Pinalalakas ng beets ang kakayahan ng mga cell na tumanggap ng oxygen at kilalanin ito bilnag pinaka-mahusay na tagalinis ng katawan. Sa paggamit ng beets tinitiyak nito na ang mga lason sa katawan ay naaalis di katulad ng ibang detox na hindi kaya na mawala ang mga lason sa katawan.

8. BLUEBERRIES   

Ito ay may sangkap na natural na aspirin na nakakatulong na di masira ang tissue dulot ng mga chronic inflammation at di mabawasan ang sakit.  Ang 300 na gramo ng blueberries ay nakakatulong sa pagkasira ng DNA.  Ito ay isa ring anti -biotic na binabarhan ang mga bacteria sa daanan ng ihi, at tuloy naiiwasan ang impeksyon.  Mayroon din itong anti viral na katangian at super detoxifying phyto nutrients na tinatawag na proanthocyanidins. 

9. BRAZIL NUTS  

 Ito ay naglalaman ng selenium na susi sa pagpapalabas sa katawan ng mercury. Ang selenium ay nagpapalabas ng "selenoproteins" na umaaktong anti oxidants na pinuprotektahan nito na masira ang mga cells. Kinakikitaan din ito ng paglaban sa pancreatic cancer.

10. BROCCOLI  

Ang broccoli ay nagtatrabaho kasama ng enzymes sa atay upang gawing mailabas ang mga lasok sa ating katawan. Ang broccoli ay maaring kainin ng hilaw di kinakailangang i-microwave ang broccoli dahil sisirain nito ang sustansiya, nutrisyon at katangiang pang detox ng gulay. Ang broccoli ay mayroong malakas na katangiang laban sa kanser, anti-diabetic at anti-microbial na tinatawag na sulforaphane na tumutulong para maiwasan ang kanser, diabetes, osteoporosis at allergies.

11. BROCCOLI SPROUTS  

Ang broccoli sprouts ay mas nagbibigay ng 20 beses na lakas na naglalaman ng sulfurophane. Mayroon itong phytochemicals na lumalabas kapag ito tinatadtad, nginunguya at tinutunaw sa katawan. Ang sustansiya ay nahahati sa sulfurophanes, indole - 3 carbinol at D-glucarate na may epekto sa detoxification. Sa pagsasaliksik napatunayan na sa isang preparation ng broccoli sprouts ay nagbibigay ng malakas na anti-inflammation figthing enzymes sa daanang ng hangin ng katawan. 
 
12. CABBAGE  

 Bilang nakakatulong ito sa paglilinis ng atay ( liver) , ang cabbage ay gulay na hahatak sa inyo para pumunta sa  bathroom, kung saan nilalabas ninyo ang lason kung kayat  pagkatapos ay magsimula uli kayo na sariwa ang pakiramdam.  Ang cabbage ay naglalaman ng sulfur, na mahalagang sangkap para mailabas ang mga kemical  at maalis ang toxin sa katawan. Ang cabbage ay may sangkap na ofindole-3 carbinol isang kemikal na nagpapalakas ng repair ng DNA at pinipigial nito ang paglago ng mga cancer cells. 

 13. CILANTRO  

Ito ay tinatawag din na " coriander" , chinese parsely or dhania naglalaman ito ng saganang antioxidants.  Inaalis ng "Cilantro" ang mercury at iba pang mga metal mula sa mga tissue ng katawan, kumakapit siya sa compounds at inilalabas ito sa labas ng katawan.  Naglalaman din ito ng  mga anti- bacterial compound na tinatawag na dodecenal , na sa mga laboratory test ay nagpapakita ng dobleng bisa  laban sa mga komon na anti biotic drug na "gentamicin" at salmonella. 
 
14. CINNAMON  

Ang langis mula sa "cinnamon" ay naglalaman ng mga aktibong mga sangkap na tinatawag na " cinnamyl acetate" at "cinnamyl alcohol".  Ang "cinnamyldehyde" sa mga research ay napatunayang pini-prevent nito ang di kinakailangang pag-bubuo ng mga "blood cells". Ang cinnnamon oils ay binibilang ding "anti microbial food" at napag aralan ding may kakayahan ito na pigilan ang paglago ng mga bacterya katulad ng fungi, kasama ang yeast na Candida. Dahil sa bisa ng cinnamon at anti microbial na katangian nito , maaari itong gamiting pamalit sa mga tradisyunal na mga "food preservatives".  Mayroong pinagkamataas na anti - oxidant value  sa lahat ng mga pagkain at ang paggamit nito bilang medisina ay gumagamot sa lahat mula s nausea , menstruation at diabetes.

 15. CRANBERRIES  

Ito ay mas popular na prutas na tumutulong na maiwasan ang "urinary tract infection", ang "cranberries' ay antibacterial at kilala din na nag aalis ng mga lason sa katawan. May mga katangian ito na "anti-inflammatory, nagbibigay ng immunity at cardiovascular na suporta, at tumutulong na panatili ang mahusay na panunaw. Ang cranberries ay kinilala na sa loob ng 100 taon sa katangian nitong anti-urinary infection.


16. DANDELIONS   

Tinaguriang "powerhouse food" dahil sa punong puno ito ng mga nutrients na kailangan lalo na sa nakakaing "processed food" Dandelion root (taraxacum officinale)  ay kilalang umaakto sa mga atay at lapay dahil sinasala nito ang mga lason at dumi sa daanan ng dugo at ang nakakatulong na epekto nito ay dokumentado ng mga duktor sa Asia at America. Mayaman ito sa mineral at nagbibigay ng maraming uri ng "phytonutrients" Super- anti oxidant ito sa paglilinis ng 'digestive tract".  Subukan na idagdag ang mga dahon ng dandelion sa inyong mga salad.

 17. FENNEL  

Ito ay mayaman sa "fiber" at makakatulong para maiwasan ang colon cancer. Mahusay na sangkap mula dito ang "folate", isang bitamina B na kailangan para maipalit ang mga masasamang "molecule" na tinatawag na "homocysteine' tungo sa di mapaminsalang molecule.  Ang sangkap na Vitamin C sa fennel bulb ay anti microbial at kailangan din sa mahusay na galaw ng "immune system".


18. FLAXSEEDS  

Sa pag detox ng ating katawan dapat tiyakin na ang mga lason sa katawan ay nailabas na ng maayos. Ang "ground flaxseeds" ay mahusay na may sangkap na fiber na naglulubid at naglalabas ng mga lason mula sa "intestinal tract' Mahusay din itong pinagmumulan ng omega 3 .  Subukan na inumin ang dalawang kutsarang ground flax seed na hinalo sa lemon tuwing umaga . Sa University of Copenhagen pinatunayan ng pananaliksik na ang fiber ng flaxseed ay nagkokontrol ng gana sa pagkain at tumutulong para mabawasan ang timbang. Binabalaan ang mga lalake sa pagkain ng flax dahil ang lignans( herb) ay katulad sa hormone ng mga babae estrogen na nagbibigay ng problema.

 19. GARLIC  

 Ito ang pinakamahalagang parte sa pag detox sa dahilang ito ay nagpapalakas ng "immune system" at tumutulong sa liver. Ang mahusay sa garlic ay di mo kailangang mag alala sa iyong katawan kahit marami kang makain nito.  Sulfur ang sangkap na marami sa garlic, kung kayat ito ay mahusay pang detox at mayron din itong antibiotic na katangian.  Ito ay napatunayang nang 100 beses na mas epektibo laban sa mga anti biotics at umeepekto sa sandaling oras lamang.

20. GINGER   

Ang  luya ay ang pina epektibong spice na panlaban sa mga sakit. Pinasisibat ng luya ang metabolismo, nilalabas ang mga lasok at tumutulong sa atay at mayron itong "astrigent" na katangian. Kapag hinalo mo ito sa tubig ay mas nagkakaroon ng mainam na lasa. 


 21. GOJI BERRIES  

Panghalili ito sa pasas, goji berries ay mayaman sa bitamina C at beta carotine. Mas marami siyang bitamina C  kaysa oranges at mas maraming beta carotene kaysa carrots. Ang bitamina C ay nakakatulong na maalis ang mga dumi sa katawan at ang beta carotene naman ay nagpapahusay ng trabaho ng iyong atay. 



 22. GRAPEFRUIT    

Grapefruits ay tumutulong makaiwas sa pag taas ng timbang,  pagbaba ng cholesterol at labanan ang kanser.  Ang grapefruits ay makakalunas sa sakit na walang side effects. Ang kulay na pink at pula mula sa mga grapefruit ay dahil sa taglay nitong "lycopene" at mayroong kakayahan labanan ang mga "free radicals" na mga sangkap na sumisira sa mga "cells" ng katawan.  Pinalalakas ng grapefruit ang atay habang nagbibigay naman ito sa ibang mga organ ng katawan ng sustansiya. 

23. GREEN TEA  

Ang green tea ay tinitingnan na isa sa mahusay na dagdag sa listahan ng mga detox program dahil sa mataas na anti-oxidant na katangian nito. Ngunit ang kailangan ay ang green tea na may catechin ,  epigallocatechin 3 gallate na pinaniniwalaang mayrong malaking benepisyo mula sa green tea. Ayon sa 17 clinical trials,  ang green tea ay sinasabing mahusay sa pagpapababa ng blood sugar. 
  
24. HEMP   

Isa sa natural na perpektong pagkain dahil sa marami nitong sangkap na anti-oxidants katulad ng Vitamin E at C , mayron din itong "chlorophyll na mahusay para sa paglilinis sa mga lason sa katawan kasama na ang ibang mga metals.  Ang natutunaw at di natutunaw na mga fiber sa "hemp" ay mahusay sa digestive tract .  Ang Hemp ay maaring panggalingan ng langis, panlaban sa deforestation, panlunas sa kanser at environmently friendly.

25. KALE  


 Kinikilalang nagbibigay ng kumprehensibong suporta sa sistemang detoxification. Ayon sa mg pananaliksik pinakita na ang ITC na galing sa Kale's glucosinolates ay nagkokontrol sa detox sa genetic level.  Ito ay gulay na ninirekomenda ng mga duktor kapag may problema sa kidney. Mayaman din ito sa anti-oxidants at may anti inflammatory properties din . Ang gulay na berde ay ang numero unong pagkain para sa regular na mapalusog ang katawan. Mayron siyang fiber, bitamina, mineral at phyto chemicals na protektahan ang katawan sa mga sakit.

 26. LEMONGRASS   

 Ito ay herb na ginagamit sa Thailand at iba pang parte ng mundo na natural na paraan sa paglilinis ng mga organs ng katawan. Tumutlong ito sa atay, kidney, bladder at buong digestive tract. Kung lulutuin siya o iinumin na bilang tea makakatulong siya sa magandang 'complexion, mahusay na sirkulasyon ng dugo at maayos na panunaw. Mas iniinom siya bilang tea sa daigdig ng detoxing at maraming recipes na pwedeng gawin para sa inyong panlasa.



 27. LEMONS   

Ang prutas na ito ay tumutulong na mapalabas ang mga "enzyme" at ilabas ang mga lason sa anyong "water soluble" na madalaing mailabas sa katawan.  Mayron siyang sangkap na bitamina C, na kailangan ng katawan para makagawa ng "glutathione". Ang glutathione ay tumutulong na matiyak ang ikalawang  yugto ng liver detoxification upang maiiwas sa mga negatibong epekto sa mga kemikal sa kalikasan. Ang pag inom ng lemon water na isang "alkaline" sa umaga ay nakakatulong na ibalanse ang acidity ng pagkain na nakain. Ang fresh lemon juice ay mayroon  20 anti cancer compounds at tumutulong na ibalanse ang pH levels. Mayroon artikulo na 45 uses for lemons that will blow your socks off.

28. OLIVE OIL  

Ang paglilinis ng liver ay sa pamamagitan ng olive oil na hinahaluan ng fruit juice para mapalabas ang bato. Ang olive oil ay mayroong mga healthy properties kung kayat pinipili siya. Kakailanganin lamang na gamitin siya sa temperaturang mataas na init. Gamitin din siya sa mga salad dressing. Ang mahusay ay piliin ang ice pressed olive oil di dapat na adulterated ang magamit. 

 29. ONIONS    

Ito ay mahusay sa katawan, marami itong sulfur at amino acids na kailangan sa pag detox ng liver. Ang hilaw na onions ang pinaka epektibong nagbibigay ng benepisyo. Ang pagtalop lang kahit maliit lamang nito ay nakakabawas na sa "flavonoids" kaya kailangang hindi ma-overpeeled ang onions. Ang onion ay  tumutunaw s arsenic, cadmium, lead , mercury at tin sa mga kontaminadong pagkain.  Ang total na polyphenol na sangkap ng onion ay mataas sa ibang mga gulay katulad ng garlic, leeks, mataas din ito sa tomatoes, carrots, red bell pepper. Kinakitaan na ang onions na pumipigil sa pagkakaroon ng "macrophages"

30. PARSLEY  

Ang parsley ay mayaman sa beta carotene, Vitamin A, C and K  para protektahan ang kidney at liver. Ang diuretic herb na parsley ay tumutulong umiwas sa mga problema sa kidney stones at  impeksyon sa bladder , pinanatili din nito na maayos ang mga tubo ng katawan na mag produce ng maraming urine.. Nakakatulong din ito sa menstruation. Ang flavonoids sa parsley na tinatawag na "luteolin" ay nagpapamalas ng mga anti oxidant properties. 

31. PINEAPPLES  

 Ang tropical fruit na ito ay may bromelain,  isang enzyme na panunaw na nakakatulong sa paglilinis ng colon at pag sasaayos ng digestion. Ang bromelain ay tumutulong na maiwasan ang  inflammation, sobrang coagulation ng dugo at ibang uri ng paglitaw ng tumor.




32. SEAWEED   

 Ang seaweed ay kumakapit sa mga radioactive waste ng katawan para ito maalis. Ang mga radioactive waste ay pumapasok sa katawan dahil sa mga medical test o sa pagkain na kung saan ang pinagmulang lupa o tubig ay kontaminado. Ang seaweed extracts ay nakakatulong para bumaba ang timbang karamihan ay mayroong taba.



33. SESAME SEEDS   


Ang sangkap ng sesame seeds na phytosterols ay may benepisyong pangkalusugan na nakukuha dito.  Ito ay naglalaman ng mineral na importante sa anti inflammatory at anti oxidant systems. Ang sesame ay kumakatawan sa isa sa 10 seed na nagbibigay ng pinakamahusy na kalusugang benepisyo.


34. TURMERIC   

Ang curcumin ang aktibond sangkap na makukuha sa spice turmeric, ito ang nagbibigay ng kulay dilaw dito.  Ang maayos at husay ng detox ay nakadepende sa genes, idad, lifestyle at ang mahusay na supply ng mga nutrients sa pagsagawa ng detox.  Ang curcumin ay ginagamit sa  Ayurvedic Medicins para ayusin ang liver at mga problema sa pananaw. Sa katangian na anti- oxidant ng tumeric nag protekta ito sa katawan para makaiwas sa mga sakit ng mas epektibo laban sa mga drug na walang side effects. 

 35. WATERCRESS   

 May cleansing aksyon ang watercress. Kung mahilig kayo sa smoothies para ma detoxyfy ang inyong katawan, mahusay ito na ihalo at inumin. Tumutulong ito na mailabas ang enzyme sa atay , linisin ito at alisin ang mga buildup ng lason. Pagkain ng watercress araw araw ay nakakatulong para maiwasan ang breast cancer.

 36. WHEATGRASS  

Ito ay tumutulong na maibalik ang alkalinity sa dugo.  Ang maramihang juices na may lamang alkaline minerals ay nakakatulong na maiwasan ang maging over acidity sa dugo at mahusay din ito na detoxifier at live protector. Pinatataas nito ang red blood cell count at pinababa nito ang blood pressure.  Nililinis din nito ang mga organs at gastrointestinal tract. Pinahuhusay nito ang metabolismo at ang enzymes ng katawan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng dugo. Ang wheatgrass ay mas marami ng 20 beses na may mga nutrients kaysa ibang mga gulay. Ang wheat grass  ay kumpletong pagkain na mayroong 98 mula 102 na earth elements. 

 ( Note:  Makakatulong na i-google image ang mga gulay at prutas para makilala)


Saturday, November 1, 2014

(MAM) Gamit ang baking soda labanan ang sipon at flu

Ang artikulong ito ay hango sa MAM (November 1,2014)

Dito sa Canada ay papasok na ang Winter at sa ibang lugar man  maging sa Pilipinas ay tag lamig na rin dahil sa papalapit na kapaskuhan kung kayat  marami ang posibleng magkaroon ng sipon o flu kaya't mahalaga itong artikulo na ito na ngayon ko rin natunghayan na isang produkto na palagian nating nakikita sa ref ng mga bahay ay maaring palang gamiting gamot sa sipon o flu , pag aralan pa rin ano ba ang epekto ng baking soda ( sodium bicarbonate). Ang mahalaga ay may mga alternatibong paraan at hindi na lang "over the counter drugs" ang iinumin para sa mga sakit.


Baking Soda, also known as Sodium Bicarbonate, is derived from a natural occurring mineral and is one of the safest substances around.  Since baking soda is extremely alkaline it will alkalize the entire system, reducing acidosis systemically.
 
It works to balance your body’s pH levels by neutralizing any acidity. This helps maintain the pH balance in your bloodstream.  In, “Arm & Hammer Baking Soda Medical Uses,” published in 1924, Dr. Volney S. Cheney recounts his clinical successes with sodium bicarbonate in treating colds and flu cases:
“In 1918 and 1919 while fighting the ‘flu’ with the U. S. Public Health Service it was brought to my attention that rarely anyone who had been thoroughly alkalinized with bicarbonate of soda contracted the disease, and those who did contract it, if alkalinized early, would invariably have mild attacks.  I have since that time treated all cases of ‘cold,’ influenza and LaGripe by first giving generous doses of bicarbonate of soda, and in many, many instances within 36 hours the symptoms would have entirely abated.  Further, within my own household, before Woman’s Clubs and Parent-Teachers’ Associations, I have advocated the use of bicarbonate of soda as a preventive for ‘colds,’ with the result that now many reports are coming in stating that those who took ‘soda’ were not affected, while nearly everyone around them had the ‘flu.’
Cheney also stated that those who took daily doses of baking soda on his advisement reported that they were among the few that didn’t get the flu when it rampaged through their schools.

Ano ang hakbang na gagawin para gamitin ang baking soda para sa sipon o flu;

Nuong 1992 alam ng mga tao ang paggamit ng baking soda para sa sakit ngunit sa ngayon ito ay nakalimutan na; 

Madali lamang ang paghahanda  at paggamit ng baking soda kailangan lamang na paghaluin ang baking soda at tubig pagkatapos ito ay inumin. Ang paraang ito ay nirekomenda ng Arm and Hammer Company para sa sipon at impluwensiya nuong taong 1925.

Day 1: Uminom ng anim na doses ng kalahating kutsarita ng baking soda sa isang cup ng tubig. Uminom ng tig dalawang oras na pagitan.

Day 2:  Uminom ng kabuoang anim na doses ng kalahating kursarita ng baking soda sa isang cup ng tubig. Uminom ng tig dalawang oras na pagitan.

Day 3: Uminom lang tig dalawang doses, isa sa umaga at sa gabi. 

Ipagpatuloy ang pag inom ng 1 dose sa umaga hanggang mawala ang sakit.