May higit sa isang linggo mula ng kami ay magkabasyon galing sa Pinas . Kako sa wakas ay nakaraos sa mainit na lugar nag lalong nagpapataas ng aking blood pressure. Di ko akalain na ganuon pala na ang init at mararamdaman. Sa pagbabalik di ko akalain na magkakaroon ako ng "lvm" ( loose vowel movement) . Hindi maunawaan kung paano ako nagkaroon ng "lvm"
Una inisip ko na baka galing mga pagkain sa eroplano, pero kung duon dapat sa eroplano pa lang nag "lvm" na . Ang iniisip ko ay naempatso ako at di natunawan sa mga kinain sa eroplano.
Sa palagay naman ng aking asawa , baka sa tubig naman daw, Baka naman nagkaroon kami ng "amoebiasis" dati na akong nagkaroon nito at pwede rin. Ang aking pagdumi ilang beses na nagbabawas at nagpupunta sa washroom. Umabot ito ng anim na araw, naiisip ko na rin na magpatingin o uminom na ng gamot.
Ang nagbigay sa akin ng tuloy tuloy na pagbabantay at paggiya na hindi ako ma dehydrate ay ang paniniwalang ito marahil ay tugon ng katawan. May nakapasok na marahil lason sa katawan at ito ay inaalis lang ng patuloy na pagkakaroon ng "lvm".
Nagkunsulta din ako sa aking anak para sa "essential oil blend" na makakatulong sa akin. Ang masaklap naman na sa oras na ako ay nagkukunsulta , duon naman ako inatake ng "muscle cramps" sa aking dalawang "calf " sa mga binti. Nadulas ako at nahulog mula sa kama , sabi sa aking ni Mrs ay natulala daw ako , sabi ko nga hindi ako talaga makakasagot at matutulala dahil masakit ang atake na sabay sa dalawang binte. Nang lumipas ang atake , lumabas ang init sa katawan ko , pinagpawisan at duon ko naituloy ang pagtatanong sa aking anak tungkol sa "essential oils" Pinahid ko ang mga ito at nagpa usok ako para maalis ang stress , ginamit ko ang EOil na digitize at panaway.
Sa diet patuloy lang na umiinom ako ng buko juice at ang BRAT diet ( banana, rice , apple at toasted bread) . Kaya sa ika pitong araw , balik sa normal ang aking pag dumi.
Sa nangyari sa akin , ganun pa rin na inisip ko na may lason na pumasok sa aking katawan tubig man o pagkain at ito ay nailabas na. Marahil nagtulong tulong ang diet, at essential oil para ako ay gumaling . Salamat naman at nakaraos na rin.
No comments:
Post a Comment