Monday, October 16, 2017

EO's (essential oil) mula sa YL ( Young Living)

At last dumating din ang pinakahihintay na YL 
( Young Living ) package o tinatawag na PSK 
( Premium Starter Kit) .Naglalaman ito ng mga EO's 
( Essential Oils ) at mga  babasahin na gabay kung ano ang YL at paano gamitin ang mga EO's.  

Bagamat ang PSK ay nasa Canada , masisimulan na ang paggamit nito at pagpapaunawa sa nakararaming Pilipino man o hindi ng tunkol sa EO. Pwede naman sa online at mga EO's kung gagamitin o halimbawa sa aktuwal mayroon sa aking anak ng mga EO's 

Marami na ang naalwan o naginhawahan   sa paggamit ng mga EO. Tunay at napatunayan na ang mga EO's na ito ay para sa nakararami , bata at matanda. #EO's4all, #EOil4all, #PSK, #YLEO's






 Alam kong maraming mambabasa ang nais na maunawaan at lalong maginhawahan kung ano mang dinaramdam nito sa pang araw araw, kaya maghintay lamang sa susunod kong blog EO's4all o kung nais na sumapi na at magkaroon na rin ng sariling YLEO's i klik lang ang EO's4all at magkita tayo sa YL .


Sunday, October 8, 2017

Essential Oils ay mabisang supplements na epektibong nagpapagaling

Nitong Setyembre 2017 matagal tagal din akong di naka pag post ng artikulo sa aking page na SPH. Ngunit itong Setyembre na simula ng aming bakasyon sa  Pinas  hindi maaari kung palagpasin na hindi mai- post ang tungkol sa aking natuklasan.  



Bagama't  palagian ko nang natutunghayan ang tungkol sa " Essential Oils" sa FB , mga organic stores sa Canada at amin nang ginagamit ang ilang mga "Essential Oils" sa pang araw araw ngayon ko lang natanto na napakalahaga pala ng mga ito sa pang araw araw na usaping pangkalusugan.  

Sa aming karanasan sa Canada gamit namin ay "castor oil" na pinapahid sa sikmura kapag masakit ang tiyan. 
Nabasa namin ang tungkol sa "castor oil" sa FB at sa dati nang karanasan ng mga "unang mga tao" o masasabing matatandang Pinoy  dahil ang castor oil ay dati nilang ginagamit sa mga usapin ng sakit.

Ang tungkol sa "coconut oil" na napakaraming gamit  dilang sa pagluluto ay isang kayamanan na ng Pilipinas na ginagamit na sa maraming bagay  pagpapaganda, sa buhok , palaman sa tinapay at iba pa.  Marami pang ibang mga "Importanteng Langis " na lalong napakahalaga sa panahon ngayon. 

Ang luya ay may langis din  na nakakatulong naman sa sakit na athritis at iba pa.  Bago kami magbakasyon tiniyak namin na ang maiiwan naming lugar ay walang mga ipis, dahil mayroon nang naglalabasan mga maliit na ipis sa aming tinitirhan at ang ginamit naming "blends" ay basil, lemon at lavender. Ang blends na ito ay ini-spray kung saan naglalagi ang mga ipis at sila ay lumalayo dahil ayaw nila ng amoy. 

Marami pa na kung iisa- isahin natin ay kulang ang isang pahina,  sa susunod mas bibigyan ko nang hiwalay na pagtalakay ang tungkol sa YL essential oils. 


Bakit ko nasabing napaka -importante ng mga langis sa ngayon; 

Ngayon ko lang nalaman na ang aking anak ay kasapi sa isang kumpanyang nagpapalaganap ng paggamit ng mga "essential oils" na nakakatulong na maalwan ang mga ordinaryong sakit na nararanasan sa araw - araw,  halimbawa sakit ng ulo, ngipin, eksema, allergies, sipon , ubo at marami pang iba.  Ang kampanyang ito ay "Young Living" na nakabase sa US ngunit may iba ring branches sa Canada, Australia, Europe, 
Singapore, at Indonesia.

Ito ang link kung interesado na matuto at  matulungan sa inyong mga sakit  bisitahin at magparehistro ;


https://www.youngliving.com/vo/#/signup/start?isoCountryCode=CA&sponsorid=12959283&enrollerid=12959283&type=member&isoLanguageCode=EN or  https://goo.gl/4rRWv2



Copy short URLcontent_cop
Copy short URL
Sa panahon ngayong maraming laganap na ordinaryong sakit na tila hindi nalulunasan at  ang mga alternatibong pamamaraan na panglunas ay lubhang makakasagot ,tutugon at  makakatulong, kung kayat di dapat magdalawahan sa pagrehistro at magtamasa ng benepisyo sa YL essential oils.

Ano ang karanasang naghikayat sa akin para sa YL essential oil?

Ako mismo ay binigyan ng aking anak ng blend ( mixture ng mga oil)  ito ay para sa aking eksema na palagian kong nararanasan sa Canada lalo na kapag mainit. Ang nabasa ko nuon sa FB na pwedeng ipahid ay ang "aloe vera". Ito ang ginagamit ko ngunit  madaling bumalik ang pangangati. 

Ngunit sa YL blend na ibinigay ng aking anak para sa eksema , madali itong nakatuyo sa eksema. 



 Isa lang ito , binigyan din niya ako ng "lavender oil" para naman sa "high blood" , ipinahid ko ito sa aking mga palad. talampakan at inamoy amoy , bumaba ang aking blood pressure sa normal na pangkaraniwan na 160/100, bagamat kakailanganing regular na isagawa ang pagpapahid at pag amoy, tila parang magic ang pagbaba ng blood pressure. 

Maraming iba pang naglalahad ng kanilang mga karanasan na mga kasapi ng YL hinggil sa mga essential oils na kanilang ginamit at nagkabisa . Kayat  para maniwala ,   "to experience is to believe" , so try it mag parehistro sa YL.com  ( https://www.youngliving.com/vo/#/signup/new-start?sponsorid=12959283&enrollerid=12959283&isocountrycode=CA&culture=en-CA&type=member  )  or  https://goo.gl/4rRWv2




Maling buhat sumakit ang likod

Nuong Martes  dumating ang aking anak na hirap na hirap na lumakad.  Hinatid siya ng kanyang pinsan  mula sa trabaho,  sabi ng kanyang pinsan naaksidente na may binuhat at napaupo na lang di kaagad nakatayo at sumakit ng matindi ang likod.

Naisip ko nga ang nangyari din sa akin ito ng ako rin ay mayroong binuhat na di nakatiklop ang binti at yon bigla na lang akong napaupo at sumakit na ang likod.

Tinanong ko ang aking anak at sinabi nga niya na mayroon silang binuhat na mga 100 pounds, dalawa silang nagbubuhat  pero sa palagay niya  mas naging mabigat ang sa side niya kaysa sa kasama niya ,  kaya  tila may tumunog sa kanyang likod , napaupo na siya at hirap ng tumayo at lumakad  , masakit ang likod partikular sa kaliwang side ng bewang.

Nuong siya ay dumating , tuloy tuloy sa kanyang kuwarto at  hirap na hirap na humiga.  Ang naisip ko agad ay bigyan siya ng  makakatulong na makaa lis ng sakit . Naghanap ako at ang aking nakita ay salompas  lang,  pero alam kong mahina ang salompas  kaya nagpunta ako sa maliit na tindahan ng condo at nagtanong ng gamot na maaring bilhin para sa pananakit . Nirekomenda ng intsik ang "Tylenol"  at ito nga ang aking binili.

Pinainom ko kaagad ang tylenol  500 mg ngunit bago ay kumain muna siya ng tanghalian . Nagpahinga  siya hanggang sa ika anim na oras ,  binalikan ko siya at tinanong kung nakatulong ba ang  "tylenol" sabi niya ay hindi ,  kaya binasa ko ang etiketa ng tylenol at nabasa kong maaaring doblehin ang  dosage kung di umepekto ang unang inom  , kayat uminom siya uli ng bandang ika 8 na ng gabi. Tila nakatulog naman siya at nagising ng kinabukasan ng  ika 6:00 am ng umaga, muli sabi niya ay  tila walang epekto .

Nag research ako tungkol sa usapin ng pagsakit ng likod at partikular sa nangyaring ito na aking naranasan na rin nuon pang 2005 at nabasa ko na akin na palang ginagawa ay ang paginom ng "termuric"  dahil sa may nakahanda na akong inumin mula sa termuric ,  kaya't ito na ang pinainom ko sa  kanya ng ikalawang araw sa umaga.  Sumunod na inom ay sa tanghalian , hinanda ko ang kanyang pagkain at  kasabay nuon ang pag papainom sa kanya ng " termuric" . Muli nakatulog siya at sa bandang hapon  ikalawang araw , nag meryenda siya at muli sinamhan ko ng "termuric tea".
Nagulat na lang ako na mga bandang ika  7:00 ng gabi ay naliligo na siya at sabi nya itinapat niya ang kanyang likod sa  mainit na tubig  at nakaramdam naman siya ng ginhawa .

Kaya  pagkatapos naman ng kanyang paliligo , sinabi ko na tuloy tuloy lang ang inom ng "termuric" at  dagdag na tulong sa kanyang likod  pinunasan ko ng " castor oil" ito .  Kayat pagkatapos niyang magbihis ,  kinaya na niya na siya ang maghanda ng sarili niyang pagkain .

Tuloy tuloy na ito at napatunayan na mabisa ang termuric ....