Sunday, April 2, 2017

Tulungan ang sistemang limpatiko (2)

Sa nakaraang artikulo natalakay natin na mahalaga ang sistemang limpatiko sa ating kalusugan dahil umaakto ito bilang mekanismo para idepensa ang ating katawan sa mga lason o mga virus na magpapahina o sisira sa ating katawan, kung kaya mayroon din tayong tungkulin na panatiliing nasa sa ayos ang paggampan ng gawain ng sistemang limpatiko sa usapin ng tamang pagkain at pagtulong sa  pag- daloy ng likidong kailangan sa sistemang limpatiko .




Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa sistemang limpatiko na maikukumpara sa " drain" para sa akin tawagin nating  pagdaloy ng likidong limpatiko.  Sa  ating pagkukumpara sa mga sistemang limpatiko na katulad ng drainage o daluyan,  kapag may bara sa mga tubo sa daluyan ng tubig sa bahay o kanal may maaamoy kang mabaho sa mga "sink basin".


Sa mga barang ito naiipon ang mga buhok at mga pagkain na nagiging bahay ng mga bacteria. Kaya regular nating minementina na maiwasan ang pagbabara nito,  kayat kung ikukumpara mo sa ating katawan ang sistemang limpatiko ay mas bibigyan mo ng higit na atensyon dahil kung hindi maging sanhi  ng paghina ng immune system at pagkakaroon ng sakit.


Ang pagbabara ng sistemang limpatiko ay nauuwi sa akumulasyon ng lason sa katawan na inaalis ng sistemang limpatiko.  Ang mga sintomas na may barado sa sistema ay ang pagsakit ng ulo,  bloating,sakit sa balat at malalamig na bahagi ng katawan.  Ang sistemang limpatiko ay ang kulani ( lumph nodes) ,  glandula, spleen , tonsil at thymus.  Ang mga ito ay bahagi ng sistemang circulatory at sistemang pag immune sa ating katawan.

Ang trabaho ng sistemang limpatiko ;
  • Alisin ang mga interstitial fluid sa mga tisyu
  • Kalosin at dalhin ang mga fatty acids mula sa sistemang pantunaw
  • Dalhin ang mga white blood cells mula sa kulani tungo sa mga buto
  • Dalhin ang mga antigen -cells sa kulani  

 Mga dahilan kung bakit di normal ang pagtatrabaho ng sistemang limpatiko , ito ay dahil sa kakulangan ng nutrient , pag dami ng pagkaing processed foods at kakulangan ng mga aktibidad. Ang mga sumusunod ay nagsasabing kailangang linisin na ang iyong sistema.

  • Pagkasira ng panunaw 
  • Madalas na pagsakit ng ulo 
  • Impeksyon sa sinus
  • Sobrang timbang 
  • Palagiang pagkapagod
  • Atritis 
  • Sakit sa balat 
  • Mga di maipaliwanag na mga kapansanan 
    Para magkaroon ng patuloy na pagdaloy , kailangan ang sistemang limpatiko ay makahinga,  gumalaw, magkaroon ng aksyon ng masel at mga intestines,  dahilan sa wala itong sariling aktibong sistemang pambomba. 

    Ang mga sumusunod ay sampung pamamaraan na makakatulong para magkaroon ng  pagdaloy ng sistemang limpatiko,  na kailangan para maalis sa katawan ang mga lason 

    1. Ehersisyo  - ito ang pangunahing kailangan ng sistemang limpatiko ang magkaroon ng 
       regular na ehersisyo.  Simulan sa mga simpleng ehersisyo at araw araw na gawin ito   
       upang mamentina at mapalakas ang intensity.  Ang pagtalon sa isang maliit na
       trampoline ay isa sa pinakamabisang ehersisyo para sa sistemang limpatiko  


    2. Alternatibong treatments  - isa sa pinakamabisang paraan ng pag aalis ng lason ng  sistemang limpatiko ay ang pag papamasahe ng lymphatic system.  Ito ay mag boost ng sirkulasyon, na magaalis ng mga  fluids , taba at lason mula sa mga sellula .  Isa rin sa nakakatulong ay ang sistemang acupuncture .


    3. Mainit at malamig na showers  -  Ang mainit na tubig ay mag dilate ng mga ugat at ang malamig na tubig naman ay magpapabuka.  Ang mga fluids na matagal nang nakalugar sa mga ugat ay mapipilitang dumaloy sa pump action na ito. Ang mga buntis at may sakit sa cardiovascular ay di dapat na gawin ang theraphy na ito. 

    4. Paggamit ng  dry brushing   -  I brush ang tuyong balat sa pamamagitan ng paikot na galaw sa loob ng 10 minuto.  Tapos ay maaari nang mag shower,  maari din ang kombinasyon ng dry brushing sa hot and cold shower

    5.  Paginom ng malinis na tubig  -  inirerekomenda na uminom ng kahalati ng timbang ng katawan ,  Kailangan din ang lemon water.  ( timbang 160 = 80 lbs)

    6. Iwasan ang mahihigpit na damit  - pag suot ng mga mahigpit na damit ay nakakasira ng maayos na sirkulasyon ng sistemang limpatiko dahil nagdudulot siya ng pag-babara ng sistemang limpatiko na nag reresulta ng pagiipon ng mga lason.  

    7. Huminga ng malalim  - mayroong 3 beses na lymph fluid ang ating katawan kaysa dami ng dugo at walang organ na magsasagawa ng pagpapadaloy nito. Kayat ang  malalim na paghinga ay nakakatulong sa aksyong pagpapadaloy.  Makakatulong ito sa sistemang limpatiko sa pagaalis ng mga lason sa dugo bago ito i doxify ng atay. 

     8. Kumain ng mga pagkaing tumutulong sa pagpapadaloy ng lymph
    • Mga prutas na may mababang asukal 
    • Flaxeed 
    • Mga berdeng gulay
    • Avocados 
    • Chia 
    • Almonds
    • Garlic 
    • Cranberries 
    • Walnuts
    • Brazil Nuts
    9. Iwasan ang mga pagkaing nagpapabara ng sistemang limpatiko
      • Dairy 
      • Processed na pagkain 
      • Soy 
      • Asukal 
      • Asin
      10. Uminom ng mga herbs na tumutulong sa pagdaloy ng lymph
      • Astragalus
      • Cilantro
      • Parsley
      • Echinacea
      • Goldenseal
      • Pokeroot
      • Wild Indigo root
      Mga  pinagkunan ; 
       
      http://www.naturalcuresandhomeremedies.com/signs-of-a-clogged-lymphatic-system-and-10-ways-to-cleanse-it/
       http://www.barenaturalhealth.com/signs-clogged-lymphatic-system-ways-cleansing

      No comments:

      Post a Comment