Saturday, October 29, 2016

Malalaman mo DNA mo. Babayaran ka pa !

Nuong natumbok ko ang site na ito DNAsimple.org  naging interesado ako dahil sa bagong siyensiya na tawag ay DNA o deoxyribonuceic acid



  The DNA a self-replicating material present in nearly all living organisms as the main constituent of chromosomes. It is the carrier of genetic information.the fundamental and distinctive characteristics or qualities of someone or something, especially when regarded as unchangeable.

Dahil sa isa kong blogsite ay tumatalakay sa kalusugan kung kaya't mahalagang  maunawaan ang DNA at ano ang magagawa nito sa mga usapin tungkol sa katawan at kalusugan ng isang tao. Bihira ang ganitong organisasyon na nais makatulong na pabilisin o pasimplihin ang siyensiya na DNA nga. Ang isang DNA test dito sa Canada ay $195 kung sa Pilipinas ang halaga nito ay P7,049.25 sa kasalukuyang palitan na P36.15 sa isang $1 canadian. Mahal lalo nang kung hindi mo namang  kailangang kailangan. 


Sa akin ang kahalagayan nito ay maunawaan ko kung paano o saan nakuha ng aking mga anak na namatay na ang di pangkaraniwang sakit na "oculopharyngeal vs muscular dysthrophy". Ang layunin ng DNA ko ay malaman ko at ang iba pa kong mga anak , kung  mayroon din ba o may posibilidad ba na maulit ang sakit na ito sa iba kong mga anak na may asawa na at mag aasawa pa lang.  Ganundin naman matukoy kung ano na sa aking DNA ay kondisyon ng mga dati kong naging sakit na TB, BPH, lower back pain at iba pang mga sakit na posibilidad na  umusbong pa rin , lalo na't  nasa adult age na ako.

Sa unang artikulo na tinalakay ko ang tungkol sa DNA , sinabi kung paano sasali  at ano ang mga benepisyo na makukuha. 

  Image result for musculo pharyngeal vs muscular dystrophy

Isa sa mahalagang parte ng kanilang programa ay ang pagtukoy mo sa kung anong pagsasaliksik o pag aaral ang iyong sasalihan.  Sa kanilang site ay mayroon kang pagpipilian na mga sakit na naranasan mo na o interesado ka lalo na ngat ito ay sakit na iyong mga anak o kamag anak.  Katulad ng akong nabanggit sa itaas ,  mayron akong pinag daanang sakit o sakit ng aking mga anak.   Di rin naman ito tungkol sa may sakit ka , pwede rin na malusog ang iyong pangangatawan . Pwede din na kung mayroon silang pag aaral o pagsasaliksik sa isang partikular na pagkukumpara sa mga lahi o sektor pwede din ang may malusog na pangangatawan. 


   Isang bahagi sa iyong account ay personal profile na kung saan aalamin ang iyong medical history sa itaas ,  pag na iklik mo ang "Click to Add Condition" dito ka mamimili sa mga sakit ano ang iyong naging sakit o kondisyon na gusto mong maisama na di mo makita. Kaya sa site na ito , lilitaw ang posibleng napakaraming sakit. lalo na  kung ito ay tumanggap pa ng ibang kasali mula sa buong mundo , eh ngayon ay US at Canada pa lamang. 

Kaya dito "malalaman mo DNA mo , Babayaran ka pa ! o sali na. 

 






Friday, October 28, 2016

Alam mo ba ang DNA?

DNA o ibig sabihin ay  Deoxyribonucleic acid is a molecule that carries the genetic instructions used in the growth, development, functioning and reproduction of all known living ... 


Malalim ang ibig sabihin nito lalo na't malalim na english at kung hindi ka pamilyar sa usapin ng siyensiya mahihirapan unawain ang ibig sabihin.  Para sa madaliang pagpapaliwanag hindi imbento ang DNA kung hindi ito ay isa sa modernong pagunlad ng siyensiya kaugnay ng pagsasaliksik sa pagunald ng kaalaman sa pag sulpot ng lahat ng bagay buhay man o hindi.  

Dahil sa tinatalakay natin ay tungkol sa kalusugan kayat' napakahalaga ng usaping DNA dahil kung nauunawaan natin ito mas makikilala natin ang sarili o iba pang nilalang kung paano ito sinilang, ano ang komposisyon nito at bakit ito ganito o mas magpapaliwanag kung saan ba naggaling ang sakit na nararamdaman natin.  Sana ay may simpleng paliwanag tungkol sa DNA.  Ang dapat nating isa isip ang DNA ay  isang  "molecule" ibig sabihin pinakamaliit na sangkap ng isang bagay na kung saan kapag pinag aralan ay malalaman ang maraming impormasyon dahil sa struktura nito. 


Bakit ba pinag uusapan natin itong  DNA ? 

Medyo napalayo  sa mga simpleng pinaguusapan nating mga usapin sa kalusugan  pero sa akin nabunggo ko lamang ang artikulong ito o organisasyon at ako ay naging interesado dahil nga sa malaking relasyon nito sa kalusugan.  Sumali ako sa DNAsimple.org  dahil sa nakitang kahalagahan nito , ang ibig sabihin ng  pangalan ng DNAsimple.org  ay pasimplihin ang pag unawa sa  DNA o pasimplihin ang siyensiya. 

Alam natin ang tungkol sa DNA dahil naging popular na ito kapag gusto mong malaman ang isang bata kung sino ang ama ,  kukuhanan ng simpleng buhok o laway ang isang babae o ama. Kapag isinagawa ang pag aaral sa kanilang DNA o yong nakuhang sample ng kanilang buhok o lawa malalaman na kung sino ang ama o ina.  Kahit ako ganito lang ka simple ang pag unawa ko dito at pang karaniwang alam nating mahal ang  mag paDNA kaya't  isa rin ito sa naka attract sa akin na sumali sa DNAsimple.org malalaman tayo sa DNA natin at walang gastos babayaran ka pa! di ba ok?

Ano ba itong DNAsimple.org ? 

DNAsimple ay isang organisasyon na match maker sa mundo ng genetic research.  Kung mayroon daw research na nangangailangan ng mga partisipante na katulad niyo o tayo ito ay ipapaalam sa atin at tayo  ay iimbitahan para makilahok . Kung kayo ay lalahok kayo ay babayaran, Ang paglahok ay magiging "anonymous" ibig sabihin hindi ipapaalam ang inyong personal na impormasyon, Ngayon para kayo makilahok o maging isang partisipante susunod kayo sa mga hakbangin sa ibaba; 


For donors, the basic steps are: ( simpleng english ang nasa ibaba nito )

     1. Lumagda o magkaroon ng sariling accuntt.
     2. Ibigay ang mga pansariling impormasyon kagaya ng idad at taas.
     3. Punuan ang simleng sariling impormasyon sa usaping medical
     4. Maghintay ng ilang segundo , habang sinusuri sa mga pag aaral o
         pagsasaliksik na ating sasalihan
     5. Kung ikaw ay di kuwalipikado , sasabihan kaagad 
     6. Balikan o pag aralan ang mga gagawing pag aaral kung ikaw ay
         naka-match  at kung nais mong mag participate
     7. Kung nag desisyon ka na mag participate , padadalhan ka ng kumpletong
         saliva kit sa iyong tirahan at ikaw ay babayaran

Free ba ang pagsali ? 
 
OO, ang pagsali ay 100% libre o free . Ang bawat donor ay babayaran sa bawat isang pagaaral na kung saan ikaw ay nag donate ng iyong DNA. Magbabayad ang researcher kapag nakumpleto ng isang donor ang pagbibigay o pagpapadala ng sample na "laway".

Magkano ang bayad ?

Ang eksaktong halaga ng kabayaran ay depende sa bawat pag aaral na itatakda ng researcher, ngunit ang batayang halaga na basic sa isang donasyon ay  $50.00 . Katumbas ang isang donasyon ng donasyon ng dugo ngunit ang donasyon ng "laway" ay hindi masakit. Nililinaw din na sa mga donors na nasa labas ng US at Canada na kung saan ay maging mahirap gumamit o magpadala ng tseke ang gagamitin ay pre - paid visa cards. 


Insentibo sa mga mag refer na sasali dito sa DNAsimple

Tatanggap ka ng $5 kung saan nag refer ka ng isang donor at dagdag na $10 kapag ang iyong na irefer ay nag donate naman ng DNA.
 
Ito ang aking link para sa mga gustong sumali at maging donor ;
 https://www.dnasimple.org/users/sign_up?referral_token=dna-simple-$5-82ebdc906f

Pauna kong natanggap na bayad sa pag karefer na isang donor aking ka partner  


 Para malaman pa ang iba pang detalye lumagda na bilang kalahok o kasapi ng DNAsimple.org , ito ay kasalukuyang nagsisimula sa US at Canada at susunod ang ibang mga bansa



Thursday, October 20, 2016

Pagbabago ng kapaligiran/klima nakatulong

Mag iisang taon na ang ka partner ko dito sa Canada. Nuong nasa Pilipinas siya halos araw araw ay mayroon siyang sipon at kakailanganin ng isang rolyo ng toilet paper para lang pamunas ng kanyang sipon.  Kapag siya naman nuon ay aalis at sasakay sa mga saradong sasakyan katulad ng taksi at kotse siguradong sasama ang kanyang katawan , una na dahil sa init o kung bukas naman ang aircon sa loob ng sasakyan nagkakaroon siya ng "allergic reaction" , nahihilo din siya kapag malalayo ang biyahe, kahit na siya ay sumakay sa mga bukas ang mga bintana ng sasakyan.  Kakailanganin pa niyang uminom ng "bonamine" para lang hindi siya mahilo. Malakas ang allergy na kanyang nararanasan nuon, kahit usok ng sigarilyo, usok sa pag prito at mga pabango, lahat ito ay mga allergen. 







Nuong natiyak na siya ay pupunta dito sa Canada nuong Setyembre 2015 nag aalala kami na baka siya ay mahilo sa eroplano kaya't uminom na siya ng "bonamine" , ito naman ay nakatulong at  naihanda din niya ang sarili ,  hindi nga siya nahilo sa halos 18 oras na biyahe.  Kinailangan lang siyang matulog dahil sa epekto ng "bonamine"pagdating dito sa bahay. 


Sa unang linggo ng siya ay nasa Canada na ,  tila nag react ang kanyang katawan.  Isang gabi ay di siya nakatulog dahil sa nahirapan siyang  huminga o masasabing parang "asthma attact".
Ang nagawa lang ay humanap ng gamot para matulungan siya sa mahirap na paghinga, hanggat nuong umaga kinailangang mag tingin siya sa duktor.  Binigyan siya ng gamot sa "asthma"
at ito ay ininom niya lang ng mga ilang araw at di na siya simumpong ng asthma attack.  Di na rin kami bumalik sa duktor dahil sa loob lamang ng mga dalawang linggo ay hindi na kinailangan ang gamot. 

Kung isusuma sa loob ng isang taon nuon lamang mga unang dalawang linggo o buwan kinakitaan siya ng mga sakit sa allergies , asthma attack , sipon at pagkahilo.  Ang lahat ng mga sintomas na ito ay nawala , Halos araw araw siya ay nag tatrabaho ngayon ay hindi na siya nahihilo sa mga biyahe. Wala rin siyang mga allergies na dating halos araw araw na nararanasan niya nuong siya ay nasa Pilipinas.  Malaking naging epekto ng pagbabago ng kapaligiran at klima ay nakatulong na nakaiwas na siya sa allergies. 

Ang kinakaharap na lang sa ngayon na kinukunsulta namin sa "naturapathic medicine" ay ang pagsakit ng kanyang kanang binti.  Ang paliwanag ko naman dito ay  madaling napapagod ang kanyang binti dahil sa matagalang pagkakatayo sa kanyang trabaho.  Nakatulong ang "acupuncture" at mga supplements na nireseta ng duktor sa naturapathic clinic.  Ang pagsakit ng kanyang binti ay posible ding dahil sa "lamig" dahil nararamdaman niya ito sa panahon ng taglamig.  Sa panahon na hindi naman malamig , di sumasakit ang kanyang mga binti.  Pero mayroon pa ring posibilidad na ito ay "athritis" dahil sa nuong  bata pa siya , natatandaan niya na nilalagyan siya ng luya ng kanyang ama kapag sumasakit ang kanyang binti. Di pa rin matiyak saan nga kaya nanggagaling ang pananakit ng binti. 


Tuesday, October 4, 2016

Bakit Kailangang Maging Malusog Pa , Eh May Idad Na ?

 Nuong una kong binuo ang blog na tungkol sa “Search for Personal Health”, ang layunin ko nuon ay mabigyan ko ng lunas ang ka-partner na nuon ay nagkakaroon ng mga sakit o problemang pangkalusugan. Kasabay nuon ay matugunan ko rin ang dapat na gawin kapag ako ay may sakit, paano maging malusog at ang pangmatagalang lunas sa mga karamdamang nasa katawan na at hindi madali ang lunas katulad ng “enlargement of the prostrate”. Nakita ko rin na sasakupin ng aking blog ang maraming sakit dahil sa nakikita kong mga lunas na nirerekomenda sa facebook pa lang. Kung kaya’t ang blog ay hindi lang para sa akin o aking partner kung hindi para na rin sa lahat sa partikular sa mga Pilipino. 


Ang pangunahing sinusundan kong panuntunan o masasabing “pilopsopiya” sa paggagamot sa sarili ay ang “natural healing” Natutunan ko ito o ina- dopt sa sarili dahil sa na impluwensiyahan ako ng mga kaibigan nuong tinedyer pa na mga anak ng duktor ng naturapath. Bagamat hindi naman ako duktor batay lang sa karanasan ang aking nalaman sa mga kaibigan at sinanay ang sarili sa natural na paggagamot bagamat nagpapatingin pa rin ako sa mga western doctors. Nadagdagan lamang ang aking kaalaman sa usapin ng pagunawa sa mga sakit ng ako ay nag aral bilang isang livein caregiver. 



Sa tanong na “Bakit kailangan pang maging malusog, eh may idad na naman” 

Ang aking idad ay 66 na at ang aking partner ay 56 . Sa ganitong idad kakailanganin pa ring maging malusog dahil sa idad na ito mas humihina ang katawan at marami nang nararamdaman dulot ng mga maling pagkain, artipisyal na gamot at aktibidad na sumira na sa naturalisa ng katawan.  Ang masaklap nito hindi pwede ding huminto para kumita ng pera para matustusan ang sarili para sa 

pangangailangan lalo na para maging malusog dahil wala namang ipon na pera para sa pagtanda. Trabaho pa rin o negosyo kung may pera at pwede din naman "old age pension" . Duon tayo sa walang pera hindi kami mayaman at ang mga anak ay nagtatrabaho para sa kanilang sarili , hindi para sa kanilang mga magulang. Sa aking palagay hindi prioridad ng mga anak ang mga magulang para ito maisama sa kanilang budyet kung kayat hindi maaasahan ang mga anak na magbigay sa magulang 

Ang masaklap na katotohanan sa isang pamilya sa kasalukuyang lipunan . Mag tatrabaho ang mga magulang para sa pangangailangan ng pamilya pagkain , tirahan , pagpapaaral at pangmedikal . Pagaaralin ang mga anak , pag kaya na o nahatak na mag- aasawa na at maiiwan ang magulang sa kanyang sarili , kung may pagtingin o nauunwaan ng anak na dapat siyang tumulong sa magulang ito ay magbibigay pero hindi niya titingnan itong prioridad.


Ang tanong nga bakit ganun ? Bakit ganun ang kaisipan ? Bakit ganun ang kalakaran ? Kayat ang magulang ay nasa sarili niyang pag sisikap na pag pursigihan pa rin na may maipong pera para na lang sa pagtanda lalo na kung mahirap ang buhay. kung minsan nakukuha pang magbigay ng magulang sa mga anak kapag ito ay nangangailangan ? Hindi ba pagsasamantala na rin ito ng anak sa magulang? Makaluma namang pag iisip ng magulang na sa hirap na nga ng kanyang sitwasyon ay nagbibigay pa sa anak o iba pa, dahil ba sa paniniwala na magulang ka at nasa takip silim na di na kailangan ang pera , o dahil sa paniniwalang isang dakila kang magulang di matiis ang anak, parang mali dahil may pangangailangan ka rin.

Dahilan sa walang pantustus ang magulang na manggagaling sa mga anak , mapipilitan itong mag trabaho para kumita pa kaya di pwedeng magkasakit Sa partikular para sa sarili na lang , kailangang maging malusog dahil kung hindi wala itong perang maiipon o mapantustos sa sariling pangangailangan , pagkain , tirahan , pang medikal at di man isipin gastusin sa huling sandali sa lupa. Ang mahirap na mangyari wala pang naiipon, kung may mangyaring di inaasahan parang pulubi ang kasasaklapan mamamilimos para lang sa huling sandali na dapat ay may sariling pantustos na. 



Sa kabuoan ang "kahirapan sa buhay" , sistemang kanya kanya at kulturang makaluma na nakaasa ang sala. Sa mayamang bansa katulad ng Canada mayroong lugar para sa may idad na o retirado pero ito may bayad at kaya naman ng mga Canadian. Sa mahirap na bansa kagaya ng Pilipinas mayroon din naman pwedeng ang may idad na magulang tinatangkilik ng anak , kung mayaman mahusay ang trato, kung mahirap siguradong pagkakasyahin na lang kung ano ang nandyan di matututukan ang pangangailangan ng isang may idad ng magulang, hinihintay na lang eh kailan matsuge.  Kaya talagang masaklap ang mga maging buhay ng mga may idad lalo na kung mahirap. 


Saturday, October 1, 2016

Nagsimula Nov 2012 ngayon Oct 1/16

Ang ideya nuon na bumuo ng blog at mag post ng mga artikulo tungkol sa kalusugan ay naging matagumpay dahil umabot na ang blog na ito sa ika apat na taon. Nagsimula lang sa ideya na isulat ang mga pagsasaliksik  sa pagtukoy ng sakit at mga dapat gawin o ilunas ng ka partner sa mga nararamdaman nitong sakit nuong ito ay nasa Pilipinas. Ito ngayon  ay sumaklaw na rin sa  ibat ibang mga sakit at marami rami ding nagbabasa ng mga artikulo.  Ang intensyon nuon na para lamang maibahagi ang mga karanasan sa pagmentina ng kalusugan na nagawa naman para sa sarili at ka partner,  sa pagusad ng "blog"  natukoy na napakarami talagang nagnanais malaman ang dapat na paglunas sa mga sakit at pagmentina ng kalusugan.  Kahit hindi na namin matugunan ang ibang mga katanungan patuloy pa rin ang pagsubaybay ng mga mambabasa sa artikulo tungkol sa kalusugan. Hindi na rin namin mai-connect ang mga artikulong naka- post sa FB tungo sa "orihinal na blog" SPH ( Search for Personal Health). 


Bilang update nalampasan ng ka- partner ang natukoy na sakit nuon na diabetes,  nalaman na hindi nagtuloy ito at di lumalala ang diabetes,  ang tungkol naman sa "spondolosis" o athritis sa leeg ay nawala din. Ang sinasabing vertigo ay di naman napatunayan na isa sa sakit ng ka partner ngunit ito ay nanggaling sa mga "allergies" na nangyayari nang siya ay nasa Pilipinas pa. 

Malaki ang naging pagbabago ng ka partner ng ito ay napunta nang Canada bagamat sa unang mga linggo dumanas ito ng ilang episode na masasabing "asthma attack" na nabigyan naman ng lunas sa pagkunsulta sa duktor at pag inom ng gamot ,  dahil sa nawala naman di na tinuloy ang pag inom ng gamot sa asthma.  Ang nararanasan nuon na "allergies" sa Pilipinas ay unti unting nawala, marahil dahil sa iba ang klima at paligid dito sa Canada. Ang teorya namin ay matindi ang pollution sa  Tundo at marahil ito ang nag trigger ng mga atake ng asthma sa kanya.  


Sa pagpapatuloy ng pagmementina ng aming kalusugan napagkasunduan namin na mag asawa na magpamentina ng kalusugan sa "Naturapahic Clinic" at ito ay aming ginagawa . Lingguhan ito at umabot na kami ng isang buwan.  Iisang attendant at duktor ang tumitingin at nag aasikaso sa aming dalawa.  Sa panig ko isinangguni ko ang tungkol sa  "enlargement of the prostrate",  bloating at lower back pain.  Sa panig naman ng aking partner isinangguni nito ang pananakit ng kanyang binti. 
 
Iba ang pagsubaybay ng naturapathic practitioners sa mga pasyente inaalam ang kabuoan storya tungkol sa pagkakasakit at kinukuha ang lahat ng mga backgrounds para matukoy ang ugnayan ng mga ito sa mga nararamdamang mga sakit.  Ang una kaagad na isinasagawa ng mga practitioner ay ang "acupuncture" para sa pasyente . Ang pagkakapaliwanag tungkol sa acupuncture ay isa itong paraaan para matulungan ang katawan na maibalik ang tuloy tuloy na daloy ng enerhiya sa katawan, kaya  sa kada punta namin kami ay isinasalang sa "acupuncture" . Mayron ding payo sa kung ano ang dapat na kainin , ito ay mas sa gulay , prutas, gulay at isda bawas sa mga baboy, recommended din ang multiple grains sa tinapay at brown rice sa kanin. Hindi mahirap na kausap ang "naturapath" dahil siya ay Pilipina at tagalog ang aming usapan.  Mayroon ding nirekomenda sa aming dalawa na mga  herbal supplements , sa akin para sa prostrate problem at sa ka partner para sa pananakit ng binti , pareho din kaming binigyan ng "magnesium" supplement. Dito ko lamang nalaman ang kahalagahan ng "magnesium" na di ko alam na malaki palang tinutulong nito sa katawan. 


Tuloy tuloy na pagbisita sa naturapath ang isa sa aming aktibidad lingo lingo para sa acupuncture, ginamitan din ako ng chiropractic manipulation para sa  aking lower back pain at nirekomenda din ang mga ehersisyo na dapat gawin. Kayat  sa bawat linggo ay may mga nakatakdang dapat na gawin, kainin at inuming supplement. Sa mga susunod na linggo at mga buwan maibabahagi namin ang maging resulta ng mga kunsultasyon at gamutang ito.