Wednesday, December 3, 2014

USOG may relasyon ba sa kalusugan ?

USOG isang matandang paniniwala na hindi tanggap ng  maka- siyentipikong panggagamot sa kasalukuyan ngunit marami ang mga naniniwala nuong panahong di  pa maunlad ang maka-siyentipikong medisina . 



Ano ang usog at  may relasyon ba ito (nakakaapekto)  sa kalusugan?

Tunghayan natin ang mga inpormasyon sa wikipedia ;
  
Usog or balis is a topic in psycho-medicine in Filipino Psychology (but considered just as a Filipino superstition in Western Psychology) where an affliction or psychological disorder is attributed to a greeting by a stranger, or an evil eye hex. It usually affects an unsuspecting child, usually an infant or toddler, who has been greeted by a visitor or a stranger.[1]

In some limited areas, it is said that the condition is also caused by the stranger having an evil eye or masamang mata in Tagalog, lurking around. This may have been influenced by the advent of the Spaniards who long believed in the mal de ojo superstition.

Once affected, the child begins to develop fever, and sometimes convulsions. Supposedly, the child can be cured by placing its clothing in hot water and boiling it. In most other places, to counter the effects of the "usog" the stranger or newcomer is asked to put some of his or her saliva on the baby's abdomen, shoulder or forehead before leaving the house. The newcomer then leaves while saying: "Pwera usog... pwera usog..." The saliva is placed on the finger first, before the finger is rubbed on the baby's abdomen or forehead. The stranger is never to lick the child.[2] The practice is that the stranger or visitor is asked to touch his or her finger with saliva to the child's body, arm or foot ("lawayan") to prevent the child from getting overpowered ("upang hindi mausog").
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa impormasyong binanggit sa aking pag unawa mayroong isang taong  may malakas na "enerhiya" ay kayang  maipluwensiyahan ang physical o psychological na  pangangatawan sa halimbawang ito ay sa isang bata. Sa  paniniwala pa rin tinitingnang ito ay impluwensiya nuon pang panahon ng kastila ( nasa ngayon nasa isip pa rin ng mga tao at nangyayari pa rin) . Sa karanasan natukoy na naalis naman o nakokontra naman ang usog  at naalis din ito sa pamamagitan ng pag punas ng laway ng nanguusog sa nausog , o pagsasabi na pwera usog .  

Kaya sa impormasyon mula sa wikipedia o iba pang mga website matutukoy na may epekto ang "usog" sa kalusugan ng tao , bata man o matanda.  Ang epekto nito hal. sa bata ay nilalagnat o nagiging balisa na hindi maipaliwanag kung ano ang nangyayari bagama't ito ay nawawala naman sa mga paraang masasabing "makaluma" o galing sa praktis ng mga matatanda o albularyo. 

Ang "usog" para sa akin ay hindi lamang sa mga bata nangyayari , ito rin ay maari o posibleng nangyayari din sa mga may idad. Naniniwala ako na posibleng nangyari ang usog sa kaninuman. Nangyari ito sa akin nuon pang matagal na panahon sa isang "campaign event" na kung saan may bumati sa akin na di ko kakilala at nang matapos ang event pag uwi ko sumama ang aking pakiramdam, nahilo ako at tila masusuka. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko sa "campaign event' at ikinuwento ko ang pangyayari. Sinabi nila na ang bumati sa aking tao ay madalas na nakakausog at ang kailangan lamang gawin ay banggitin ang kanyang pangalan at mawawala na ang "uso" ganuon nga ang ginawa ko , walang gamot akong ininom at nawala na ang usog. Sinuri ko pa rin ang pangyayari , may nakain ba ako na posibleng mangyari sa akin ang pagkahilo o may iba pang dahilan. Wala akong makitang ibang rason , maliban sa binabanggit ng mga dumalo sa "campaign event" na itong taong sa pangalang "sam" ay marami nang nausog. 

Kung mapapansin malakas ang personalidad ni Sam at lider siya ng isang grupo dumalo sa event. Isa ito sa nakikita kong katangian ng isang mang uusog malakas ang personalidad, iba ang aura niya at nakakaapekto sa ibang tao at kung mahina ka, siguradong "mauusog ka". 

Hindi tanggap ito ng kasalukyang western medicine ngunit may mga bagay na di naman talaga naipapaliwanag ng medisina, katulad din ng acupuncture di naman ito pinaniniwalaan nuon at di natatanggap pero lumaganap na rin. Ang mga herbs na nakakagaling di binibigyan ng pansin  dati pero dahil di na mapigilan na marami ang naniniwala at nagpraktis na gamitin ito unti unti na ring nagiging bahagi ng paniniwala. Ang malinaw lang kapag maapektuhan ang interes ng kanlurang panggagamot at mababawasan ang tatangkilik sa modernong panggagamot hindi ito kikilalanin pero naaalpasan din sa kalaunan. 

Ang mga link sa ibaba ay mga artikulo ding tumatalakay sa usog at partikular kung paano din iiwasan o imanage kapag nausog na. 

http://www.smartparenting.com.ph/kids/baby/is-usog-for-real
http://www.stuartxchange.com/Usog.html

No comments:

Post a Comment