Friday, April 27, 2018

Pag-inom ng beer resulta kamatayan

 Napakalungkot isipin na sa isang iglap lang mawawala ang buhay dahil lamang sa isang aksidente na dulot ng pag inom ng beer.  Ang tinutukoy kong ito ay ang pangyayaring naranasan ng aking anak dito sa Canada . Napakabata niya 30 taong gulang may asawa at anak na nasa Pilipinas.  Pauwi siya kinabukasan para mag bakasyon sa Pilipinas ngunit dinanas niya ang pangyayaring ito. Paano na ang kanyang pamilya na isang buwang palang ipinasok ang kanilang applikasyon para makarating dito sa Canada at sila ay dapat magkakasama sama na.

Umaga ng March 31, 2018 kumatok ang mga pulis at nagsabing natagpuan ang bangkay ng aking anak sa isang basement na ang paa ay nakasampa pa sa hagdanan pababa at nakatalikod na nakahiga, basag ang basement wall sa bandang ilalim ng kanyang ulo. Wala halos dugo dahil "internal hemorrage "ang nangyari . 

Ayon sa imbestigasyon ng pulis nakita ang kanyang bangkay ng bandang 4:00 ng umaga Marso 31, 2018  sa isang bahay na kung saan mayroong inuman . Nang bandang mga 4:00 ng hapon ng Marso 30, 2018 nagsimulang mag inuman ang magkakaibigan kasama ang aking anak.  Nang mga bandang 10:00 pm ng gabi , Marso 30/ umalis sa inuman ang aking anak tila sa alam nila ay iihi dahil sa may tao sa "washroom" ng kuwarto na idinadaos ang inuman , ang pupuntahan ng aking anak ay sa labas ng bahay , ngunit bago ka lumabas ng bahay dapat ay bubuksan mo ang pinto papaloob ng bahay at sa kaliwang gilid nito ay ang hagdanan na may mga 8 o 10  bahagdan ang taas  at dito marahil dahil sa nakainom na ang aking anak ng mga 10 bote ng beer ay posibleng naliyo siya , nawalan ng balanse at  nahulog sa hagdanan patungong ibaba ng basement . Sa kuwento ng pulis ay nakita ngang patalikod na nakahandusay ang aking anak. 



Umaga ng March 31, 2018 kumatok ang mga pulis at nagsabing natagpuan ang bangkay ng aking anak sa isang basement na ang paa ay nakasampa pa sa hagdanan pababa at nakatalikod na nakahiga, basag ang basement wall sa bandang ilalim ng kanyang ulo. Wala halos dugo dahil "internal hemorrage "ang nangyari . 

Ayon sa imbestigasyon ng pulis nakita ang kanyang bangkay ng bandang 4:00 ng umaga Marso 31, 2018  sa isang bahay na kung saan mayroong inuman . Nang bandang mga 4:00 ng hapon ng Marso 30, 2018 nagsimulang mag inuman ang magkakaibigan kasama ang aking anak.  Nang mga bandang 10:00 pm ng gabi , Marso 30/ umalis sa inuman ang aking anak tila sa alam nila ay iihi dahil sa may tao sa "washroom" ng kuwarto na idinadaos ang inuman , ang pupuntahan ng aking anak ay sa labas ng bahay , ngunit bago ka lumabas ng bahay dapat ay bubuksan mo ang pinto papaloob ng bahay at sa kaliwang gilid nito ay ang hagdanan na may mga 8 o 10  bahagdan ang taos  at dito marahil dahil sa nakainom na ang aking anak ng mga 10 bote ng beer ay posibleng naliyo siya , nawalan ng balanse at  nahulog sa hagdanan patungong ibaba ng basement . Sa kuwento ng pulis ay nakita ngang patalikod na nakahandusay ang aking anak. 

Sa pakikipagusap ko sa mga ka- kainuman ng aking anak masaya nga daw si Lean sa kanilang inuman. Ang pag alis niya sa inumang iyon ng bandang ika 10:00 ng gabi ay tiningnan nga nilang posibleng umihi.  Hinanap nila ito ng di na ito bumalik sa harapan inisip nila na ito ay posibleng umuwi na dahil  aalis nga ito papuntang Pilipinas para magbakasyon . Hindi nila nakita ang sapatos nito dahil natakpan daw ng kurtina at ang suot namang jacket ay hindi ang madalas nilang nakikitang suot ng aking anak. Sa usapin ng basement at hagdanan madilim daw duon at walang ilaw kaya't  di nila inisip na nanduon.  Nagkaroon man ng tunog ng ito ay bumagsak , di rin ito maririnig ng malakas dahil nagpapatugtog sila at nagkakasiyahan. 

Sa akin ang pangyayari ay masakit ngunit walang makikitang foul play dahil sa sinabi ng pulis. Pero sa akin "Pagpapabaya" ang isang mali , pagpapabaya ng mga kasama nito sa inuman , "bakit hindi sila tumawag kay Lean o sa pamilya nito kung ito nga ay nakauwi na? Mayroon din masasabing pagkukulang ang aking anak sa pagpapabaya sa sarili niya, hindi naman dapat na uminom pa o kundi man dapat ay kaunti lamang. Ngunit dahil ang impluwensiya ng pag inom ng alak o beer o anumang alcohol na inumin ay isa nang sakit dapat alam ng taong manginginom ang epekto nito sa kanyang sarili para ma-manage ang sarili. Dito nga hindi pwedeng magmaneho ang nakainom kahit isang bote lang.  Sa kwento ng aking anak sa kanyang asawa , libangan nito ang pag inom dahil dito siya nagiging masaya sa mga kaibigan , masaya nga siya ngunit naging kapalit "kamatayan" . Kaya sa mga nais nang mawala sa mundo isang paraan magpabaya kayo sa sarili ninyo...