Friday, March 31, 2017

Thursday, March 30, 2017

Tungkol sa kulani o lymph nodes 1

Sa aking pagsasaliksik sa mga usaping pangkalusugan inaalam ko ang mga parte ng aking katawan na dapat na bigyan ng pansin at mula sa artikulong ito  ay maaaring humango ang iba ng aral at tuloy matutunan din kung paano gumalaw ang isang parte ng ating katawan, ano ang nagiging sakit nito at paano lunasan. Karaniwan na kapag maysakit , duktor ang  kagyat na  ating pinupuntahan dahil yon na ang ating nakagisnan ngunit  pinakamahalaga pa rin na mayroon tayong nauunawaan sa usapin ng ating katawan , paano dapat itong maging malusog at  mga natural na paraan upang maiwasan ang mga sakit at lunasan kung mayron mang sakit bago pa man sumangguni sa mga duktor. 

Kulani o lymph nodes ; http://health.wikipilipinas.org/index.php/Kulani

Ang kulani o lymph node ay grupo ng mga tisyu na matatagpuan sa mga lymph vessels ng katawan. Trabaho ng mga lymph vessels na ito na panatilihin ang balanse ng interstitial fluids ng katawan. Tumutulong din ito sa pagbibigay ng proteksyon laban sa impeksyon at mikrobyo sa pamamagitan ng paggawa ng lymphocyte. Ang lymphocyte ang gumagawa ng mga protinang sumusugpo sa mga mikrobyo at virus na napupunta sa dugo

 Ang kulani ay kadalasang natatawag na glandula. Ito ay hugis buto at kadalasan ay kasinglaki lang ng munggo o mas maliit pa. Hindi ito mapapansin o makakapa sa balat kung ito ay hindi namamaga o sumasakit. Aking idaragdag  ang KULANI  ay isang "warning system" ng katawan na magbibigay ng alarma kapag may problema sa isang parte ng katawan,  trabaho nito ang magbigay ng proteksyon laban sa impeksyon at mikrobyo sa paggawa ng lymphocite .  Ang warning sign na may impeksyon at di kinaya na bigyan ng solusyon ang mga mikrobyo at virus ay ang pamamaga nito. 


 Lokasyon

Ang lokasyon ng kulani ay nagsisilbing palatandaan kung nasaan ang impeksyon sa ating katawan. Ang mga namamagang kulani ay kadalasang matatagpuan sa mga sumusunod na bahagi ng katawan:
  • Cervical region - Sa ibaba ng panga, sa harap o likod ng mga tainga, o sa leeg.
  • Axillary region - Sa bandang kili-kili , sa paligid ng dibdib, o sa itaas na bahagi ng tiyan.
  • Inguinal region - Sa ibabang bahagi ng tiyan o sa bandang puson.
  • Pelvic cavity – Sa singit o sa paligid ng ari.
  • Abdominal cavity – Sa paligid ng abdominal aorta o sa baywang.
  • Thoracic cavity - Sa gitna ng iyong dibdib at sa paligid ng windpipe at baga
 Sanhi

Kadalasang namamaga ang mga kulani kung may impeksyon sa katawan lalo na kung ito ay sanhi ng virus, mikrobyo o mga parasitiko.
  Mga palatandaan

Kapag mayroong namamagang kulani, nangangahulugan lang na may mali o may problema sa katawan. Dahil dito, mahalagang alamin ang mga sintomas ng namamagang kulani.
  • Maliit na bukol na kadalasan ay kasinglaki lamang ng munggo (Maari ring mas maliit o mas malaki pa, depende sa uri ng iyong impeksyon at kung malala ba ito).
  • Maaaring masakit ang bukol at ang paligid nito.
  • Pamamaga o panunuyo ng lalamunan
  • Sipon at ubo
  • Pamamaga ng mga biyas.
  • Lagnat
  • Night sweats o labis na pagpapawis sa gabi

 Ang sistemang limpatiko at ang cardiovascular system ay mga istrukturang magkalapit sapagkat pinagdudugtong ito ng capillary system. Ang sistemang ito ng katawan ay mahalaga sapagkat tumatayo itong defense mechanism. Sinasala nito ang mga organismong nakakapagdulot ng mga sakit, nakakatulong sa pagpoprodyus ng puting dugo, at bumubuo ng mga antibodies. Mahalaga din ito sa distribusyon ng sustansya sa katawan habang sinasala nito ang mga protina at likido upang maiwasan ang pamamaga ng tisyu.

 Ang sistemang limpatiko ay binubuo ng mga organs, ducts, at nodes. Dinadala nito ang likidong parang gatas na tinatawag na lymph. Ang fluid na ito ay tumutulong sa distribusyon ng mga immune cells sa buong katawan. Ito ay naglalaman din ng mga immune cells na tinatawag na lymphocytes na nagbibigay proteksyon sa katawan laban sa mga bakterya at bayrus na maaaring makakapagdulot ng mga sakit.

 Ang pangunahing trabaho ng sistemang limpatiko ay ang pagkukolekta at pagsasauli ng mga interstitial fluid kabilang ang plasma protein upang maikalat ito sa buong katawan kasama ng dugo. Tumutulong din ito sa pagpoprotekta ng katawan laban sa mga sakit sa pamamagitan ng mga nabubuong lymphocytes. Sinisipsip din nito ang mga lipids mula sa mga bituka at dinadala ang mga ito sa dugo.

Ang mga organ na kabilang sa sistemang limpatiko ay kinabibilangan ng bone marrow, lymph nodes, spleen, at thymus.

[baguhin]Bone marrow

Ang mga selula sa bone marrow ay nagpoprodyus ng mga lymphocytes na tinatawag na B-cells o B-lymphocytes. Ang mga ito ay nahihinog sa bone marrow samantalang ang isang uri ng lymphocyte na tinatawag na T-cells ay nahihinog sa thymus.

[baguhin]Lymph nodes

Ang lymph nodes ay halos gamunggo ang laki o maaaring may sukat na ilang milimetro mula isa hanggang dalawang sentimetro sa normal state nito. Maaari itong lumaki sanhi ng tumor o impeksyon. Ang mga puting dugo o white blood cells ay kadalasang matatagpuan sa mga lymph nodes at kung ang mga ito ay lumaki, ito ay dahil sa pagkakaroon ng sobrang dami ng mga selula at pagkakabiyak ng mga selulang T at B.

[baguhin]Spleen

Ang spleen ay makikita sa lahat ng hayop. Sa mga tao, ito ay makikita sa kaliwang bahagi ng abdomen. Tinatanggal nito ang mga tumatandang pulang dugo habang nagsisilbing storage ng bagong dugo lalo na kapag nagkakaroon ng hemorrhagic shock.

[baguhin]Thymus

Pinoprodyus ng thymus ang T-lymphocytes na mahalaga sa adaptive immune system at sa produksyon at sikresyon ng thymosin. Ang pinakaimportanteng gawain ng thymus ay ang induction ng central tolerance.


 Tandaan na ang sistemang limpatiko o  "lymph system" ay isang depensang mekanismo at taga signal din para hindi tayo magkasakit .  Pero ano ang tungkulin natin sa sistemang limpatiko  kailangan nating alagaan ito na gawing ang trabaho niya sa pamamagitan ng tamang pagkain at tulungang hindi ito mahirapan sa paggampan ng kanyang trabaho .  Sa usapin ng pagtulong  sa sistimang limpatiko kakailanganing  tulungan natin ang sistema na  ma- drain ang sistema para ito hindi magbara .


tungkol sa diabetes ., hpv anti cervical cancer



http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2012/11/now-i-know-i-am-diabetic.html
- Artikulo na sinasabing mayroon siyang DIABETES

http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2012/12/what-is-diabetes.html
- Artikulo nagpapaliwanag "Ano ang DIABETES? "  bagamat sa english at galing sa wikipedia hindi tinalakay saan  galing o paano nagkakaroon ng diabetes

http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2012/12/can-diabetes-cause-vertigo.html
- artikulo tumutukoy na sa kanyang karanasan na pagkahilo ay posibleng may relasyon sa diabetes

 http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2013/03/episodes-of-high-and-low-blood-sugar.html
- artikulo na tumutukoy sa pag taas at pagbaba ng blood sugar dulot ng mga aktibidad at research sa mga gamot na iniinom

 http://searchforpersonalhealth.blogspot.ca/2015/04/napatunayan-na-walang-vertigo-at.html
- bahagi sa artikulo ang pagsusuma na nalagpasan ang diabetes dahil pagbabago ng diet , di na paginom ng metformin  bagamat posibleng bumalik ang diabetes kapag bumalik sa dating diet

 http://www.telegraph.co.uk/news/health/news/6178045/Two-thousand-schoolgirls-suffer-suspected-ill-effects-from-cervical-cancer-vaccine.html

 http://articles.mercola.com/sites/articles/archive/2013/09/03/hpv-vaccine-anti-cancer-vaccine.aspx

 https://thetruthaboutcancer.com/hpv-vaccination-cervical-cancer/